/28/

1.5K 21 0
                                    

Apart.....

Nasa kalagitnaan na ang party ng biglang napatingin lahat ng tao sa entrance kaya naman kahit kami nila azi ay napatingin doon na siyang pinagsisihan ko, naroon lang naman si cherry habang nakatingin ng diretso saakin at meron pa yung ngisi niyang ang sarap ibaon sa lupa.

"tsk..." napatingin ako kay azrael dahil doon, he's staring at her that made me raise my brow pero agad ko yung binaba nung tumingin saakin sila kara.

"hindi namin alam na invited pala siya" tumingin nalang ako kay cherry na dahan dahang lumapit sa mesa nila kuya silver and yung ibang tao ay nagtuloy tuloy lang sa mga ginagawa nila except saamin na nasa table na ito at syempre ang mga montefalco pati narin ang dalawang pinsan ko.

"hey, do you wanna dance" napatingin ako kay azrael at inaalok niya saakin ang kamay niya at dahil wala naman akong ginagawa ay inabot ko na ang kamay niya at dumiretso kami sa pinaka-gitna. 

nagsayaw naman agad kami kahit na medyo tipid ang mga galaw ko, maya maya lang ay halos magulat ako ng hapitin niya ang bewang ko para ilapit sakanya, inilagay niya din ang dalawa kong kamay sa magkabilang balikat niya,

"you're spacing out, nag-iba na yung kanta" doon ko lang napansin na halos lahat ng nasa dance floor ay mga couples at ganto din ang posisyon nila, the song is a mellow one too. 

"Don't worry about her aurelia" nginitian ko lang siya at nagsimula na ulit kaming sumayaw sa saliw ng musika. 

Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya na siyang ikinangiti niya, maya maya lang ay ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya,

"Is your name Ariel? Cause we mermaid for each other" natawa na talaga ako at hinampas pa ng bahagya ang tagiliran niya.

"come on azrael, it's not february 14 today!" humiwalay naman siya saakin saglit at tumigil pa siya sa pagsayaw at agad akong tinignan,

"tuwing Valentines day lang ba kita pwedeng pakiligin?" hindi ko alam kung gaano kami katagal na nagsayaw doon pero nung paupo na sana kami ay bigla namang humarang sa dinaraanan namin si cherry na kung makangisi ay akala mo tumitingin siya ng isang palabas na nakakabilib tignan. 

"look who's here" 

nakita ko pa ang paningin ng iilan saamin, pati ang dalawa kong pinsan ay napatigil sa kasalukuyang ginagawa nila pero sinensyasan ko sila kaya naman napabuntong-hininga nalang sila at pinagmasdan nalang kami sa lugar nila.

"that should be my line cherry, what are you doing here?" prangkang tanong ko sakanya na siyang ikinangiti niya saakin,

"oh my friend invited me here, akala ko naman pwede ako, i must go already dahil ayaw----"

"tama lang na umalis ka, gusto mo ba ihatid pa kita?" kung kanina ay nakangiti siya ngayon ay pilit nalang ang ipinapakita niya, that's right biatch, don't smile right at me cause i'll surely erase it.

"bakit ba bawal ako dito?" nakataas na kilay na pahayag niya pa, pero tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa at nandidiring tinignan siya sa mata,

"you're not wearing a costu----"

"eto na ang costume ko girl, you know the mr and mrs smith? i am mrs smith there" tumango tango pa ako,

"oh? ngayon ko lang napansin ang costume mo-----" napangiti pa siya bahagya pero dinugtungan ko ang sinabi ko, "ang ganda mo palang ahas no? hindi ka pa nagcostume niyan" 

hinawakan ni azrael ang kamay ko dahil alam kong nakakainsulto naman ang sinabi ko, pero para sakanya i think hindi na dahil alam niya na mismo sa sarili niya kung ano siya. 

My WomanizerWhere stories live. Discover now