/13/

1.8K 23 0
                                    

Baby i love you....

"guess who?" tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa mga mata ko at pinaupo din siya sa bench.

"nasaan si eba? Is she okay? " he analyzed my face first before answering my question. 

"she is okay already" tumango ako at isasandal sana ang ulo sa bench pero imbes na matigas na kahoy ang ang masasandalan ko, yung braso ni azrael ang nagawa kong sandalan.

Imbes na bawiin ko ay nagsumiksik pa ako sakanya at isinandal ng maayos ang ulo ko sa balikat niya, we were both silence and we're busy staring at the blue sky. Naramdaman kong sinusuklay niya ng marahan ang buhok kaya naman niyakap ko siya patagilid at naramdaman kong bigla siyang nanigas sa ginawa ko. His body froze instantly.

"continue what you're doing azrael, please" i even made my voice cuter so that he would continue combing my hair. 

Pinagpatuloy niya ang pagsusuklay sa buhok ko at tila naman kumalma na ang katawan niya sa ginawa kong biglaang pagyakap sakanya. Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon lang ng ilang minuto ng mag-ring ang bell , hudyat na tapos na ang break time, hudyat na tapos na ang payapang sandali kasama si azi. Tumayo agad ako at inilahad ang kamay sakanya na kaagad naman niyang kinuha. 

"balik na tayo doon" sabay kaming naglakad pabalik sa cafeteria habang ang parehas naming pinky finger ay nagkaintertwine. Pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin pero that's the last thing we'll care about. 

"dito nalang ako azrael, you can head back to your class now"

"no, ihahatid na kita" hindi na ako nakipagtalo at umakyat na kami sa building kung nasaan ang kasalukuyang klase ko. 

Nung nasa tapat na kami ng room ay nakita kong lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin na saamin ni azrael, binitawan ko na ang kamay niya at humarap sakanya.

"salamat sa paghatid saakin" nakangiting sabi ko kay azrael na seryosong nakatingin saakin.

"you know i am always here when you need me, handa akong talikuran ang lahat basta makita lang kitang masaya aurelia"

Dahil sa natuod ako sa sinabi niya ay siya na ang nagbukas ng pintuan ng room at pinihit ako paharap doon bago ako bahadyang itulak papasok ng room at isara ang pintuan.  Natauhan lang ako ng tumili bigla yung kaklase kong bakla kasama ang iba pa niyang mga friends, hinila na ako sa upuan ng mga kaibigan ko at naupo doon, pero hindi pa nga nag iinit ang pwet ko ay lumapit na agad saakin si yana, jerry the vaklush, lisa, beryl, at si maria na mario sa bahay nila.

"teh, kayo na ba ni fafa azi? Goodness match made in heaven kayo! Ikaw lang ang babaeng bagay na itabi at ipares doon sa fafa azi namin! " tiling saad ni jerry na may paghampas pa sa mga kaibigan niya kaya naman napailing nalang kami nila eba.

"hindi kami ni azrael ok? Wala pa akong balak magkaroon ng jowabels" nakangiting sabi ko sakanilang lahat at pati narin saakin. Bawal pa dahil hindi papayagan ng magulang. And i know i can't multitask.

"naku magkaibigan talaga kayo ni eba, parehas pa showbiz ang sagot ah!" naiiling na pahayag naman ni maria na may halong buntong hininga sa dulo.

"kung ayaw niyo munang aminin, amin na muna sila ahihihi" nagkatinginan nalang kaming magkakaibigan ng sabay sabay tumawa itong sila lisa. Montefalco boys are really poisonous huh?

"as if naman papatusin nila kayo mario at jerry? Si lisa at beryl pwede pang pumasa pero kayo? " hinampas naman nina jerry at maria si kara at jen ng tumawa ito sa sinabi ni kara.

"hmp, dyaan na nga kayo! " umalis na silang magkakaibigan sa harapan namin.

"eba okay ka na ba? Masakit pa ba anit mo? " napangiwi naman sila sa choice of words ko, halata naman kasi na yung anit niya ang napuruhan kanina e.

My WomanizerWhere stories live. Discover now