/19/

1.7K 33 2
                                    

Universe....

Pagkahatid saakin ni azrael sa bukana ng subdivision ay bumaba na ako at dumiretso agad sa bahay namin, they didn't asked kung sino ang kasama ko o kung saan man lang ako nanggaling na siyang ipinagtaka ko, i will tell them the truth naman kung sakali, there's no use in lying. 

Bukas na gaganapin ang party and hindi ko talaga alam kung pupunta ako dahil wala din naman akong damit kung sakali. Kinabukasan ay text ng text saakin sina eba at sinisiguro kung pupunta ba ako o ano, pero hindi ko sila sinasagot kasi bukod sa wala akong damit na susuotin, wala din akong load. 2 hours before the party when my parents with tito elias' family and my borthers made way to our room. 

"bunso, hindi ka ba aattend sa party niyo? nasabi saamin ni eion na meron kayong party ngayon"

"ma, it's not that important naman tsaka wala din ako isusuot no, okay lang"

"no it's not okay, kailangan mong ibalandra ang ganda mo anukaba anak!" napangiti kaming lahat sa sinabi ni tita catlyn, 

"e kaso wala nga---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil inilabas ni tito at papa ang napaka eleganteng white dress. 

it's a tube style with lousy frilled sleeves and a mermaid type gown, the details are something to die for. Classy, elegant, sophisticated and daring for me, but it suited me well. 

"remember aurelia, your ninang is your fairy god mother, lahat ng kailan mo na kaya niyang ibigay, ibibigay niya"

"and mind you, she's a fashion designer" kinuha ko kaagad ang damit at inilapag sa kama, 

"ano pang hinihintay mo? maligo ka na!" dali dali naman akong tumakbo sa banyo at naligo, pagkatapos ay agad akong naglotion at isinuot agad ang damit. 

Ako nalang ang mag-isa sa kwarto at nakahanda na lahat ng kailangan ko, pagkatapos kong patuyuin ang buhok ko ay agad ko yung isinuklay at inilagay sa gilid kaya nagmukhang mahaba ulit ang buhok ko, sunod naman ay nagmake up agad ako,

i looked like a hollywood actress that made me smile, ang ganda ko pala talaga? pagkatingin ko sa orasan ay halos manakbo ako sa baba dala dala ang sapatos ko dahil 10 minutes nalang ang natitira dahil halos isang oras kalahati ang naconsume ko sa pag-aayos ng sarili ko, 

"o anak wag kang magmadali, ihahatid ka naman ng papa at ng mga kuya mo doon" napailing nalang ako at inayos ang sarili ulit, tama, wala namang dahilan para magmadali, 

nag-ayos lang ako ulit ng kunti bago isuot ang sapatos ko at kunin ang beige pouch ko na naglalaman ng pabango, cellphone at cosmetics. 

"papa halika na po!" si papa lang ang tinawag ko pero nasa harapan ko pati sina tito elias, tita catlyn, sina kuya elizar, si mama at sina kuya austin.

"anak, bago ka umalis may ibibigay muna sayo ang kuya austin mo" napatingin agad ako kay kuya austin na nakangiti saakin at meroong hawak hawak sa likod niya,

"bunso, you will always be our first princess and we will always be your princes okay?" huli na ng maramdaman kong meron siyang inilagay sa ulo ko at nung sinipat ko ito ay halos mabulag ako sa pagkinang nito.

It's a rose gold leaf tiara, a wonderful headpiece. Sinipat ko ng tingin silang lahat at halos lumuwa na ang mata nila kasi naiiyak sila habang nakatingin saakin, kaya naman di ko maiwasang maluha din pero agad naman yung pinunasan ni kuya ng dahan dahan,

"don't shed a tear, magugulo ang make up mo, hindi ka na maganda" napangiti nalang ako at inirapan siya na dahilan ng pagtawa nilang lahat.

"e kasi kayo, para namang mawawala na ako nyan" napailing nalang sila bago ako halikan sa pisngi bago kami nila papa umalis. 

My WomanizerWhere stories live. Discover now