/17/

1.6K 26 0
                                    

Happy Birthday....

Habang nasa biyahe kami papunta sa party ay nakatingin lang ako sa daan at paminsan minsan ay napapatingin sa magkahawak naming kamay,

"focus on driving azrael, wala pa akong balak mamatay" natawa naman siya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko,

I texted my mom the plate number of azrael's car after the take off.  Hindi ako makatingin kay azrael dahil sa nangyari kanina, nagdrive muna kami papunta sa 7/11 kanina para magpalamig atsaka kami umalis at ngayon ay binabaybay ang mapayapang daan kung saan makikita mo sa kalangitan ang mga bituin na tila nag aagawan sa espasyo.

"I'm going to take you home at exactly 11:30"

"bakit di mo na gawing 12 azrael? Tsaka it's already 9:30, ikaw kasi eh! " sumimangot ako at tumingin ulit sa labas ng bintana kung saan mo makikita ang makukulay na kabahayan at mga lamparang tila bituin sa kalangitan.

"ako pa? Sino ba ang humalik saakin star? You know me, pag may nakahain, dapat kainin" umirap ako sakanya at pilit na piniglas ang pagkakahawak ng kamay niya saakin. Pag may nakahain dapat palang kainin ah, pwes kainin mo yung galit ko sayo ngayon!

"oh teka teka, why are you suddenly--"

"shut up, wala ako sa mood" umakto naman siyang parang isinarado ang bibig niya pero hinagilap niya parin ang kamay ko at agad na hinawakan yun at di na ito hinayaang makalas mula sa pagkakahawak niya.

"just let me hold your hand aurelia, i find comfort and peace when i hold your hand" hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang gawin ang gusto niya cause i love it too.  Pakiramdam ko ay ginawa talaga ang kamay niya para saakin, para hagkan ang akin.

Pagkatapak na pagkatapak namin sa loob ng bar ay napatingin agad saamin ang karamihan na nandoon, there are boys and girls staring at the both of us kaya naman nung hinigit ako ni azrael papalapit sakanya at halikan ang balikat ko ay halos mangisay ako sa kilig at napansin ko din ang pag iwas ng tingin ng mga tao saamin. Masyado naman kasing pda tong kasama ko.

Dumiretso kami sa gilid kung nasaan naroroon ang mga kaibigan ko kasama ang mga pinsan niya. His hands are still on my waist at hindi ito kumawala doon hanggang sa maupo na kami, 

"ba't antagal niyo naman? kanina pa nagstart yung party, let's go to the dance floor guys!" hindi na hinintay ni erin ang mga kasamahan namin at dumiretso na sa dancefloor kung nasaan maraming tao ang nagsasayawan. 

"punta na din kami doon, kayo muna dito?" tanong saamin ni rafael na kanina pa hawak ang isang bote ng alak. 

"sige, susunod ako mamaya" nabaling naman ang paningin niya kay azrael na nakasandal sa sofa habang abala sa phone niya at ang isang kamay ay nakahilig sa sandalang ng sofa na dapat ay sasandalan ko. 

"ikaw bro? mamaya ka na din?" ngising tanong sakanya ni rafael kaya naman nabaling ang atensyon sakanya ni azrael.

"mamaya na, susunod nalang din ako" 

"akala ko ba babantayan mo si clau? e nandun na sa dancefloor oh!" sabay naman kaming tumingin ni azrael kay claudette na nakikipagsayawan kala klare. 

"she's safe there raf" 

"tapos si aurelia hindi safe dito? well......una na ako" kumindat pa siya saakin bago tuluyang umalis, 

"hey, bakit di ka sumama doon sa mga pinsan mo, i'm okay here" binalik niya ang phone niya sa bulsa niya bago ituon ang buong atensyon saakin at di ko naman maiwasang tumingin sa labi niyang kanina pa ako tinatakam. 

"no, see the guys staring at you? pag nawala ako dito, susunggaban ka agad nila" napatingin ako sa paligid ko at nakita ang mga lalaking kung makatingin saakin ay mga hayok makatikim ng laman, but sad to say, hanggang tingin lang sila. 

My WomanizerWhere stories live. Discover now