/36/

1.5K 20 0
                                    

i love kissing you..........

Nagising ako na masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyari kagabi at ang tanging naalala ko na lang ay pinapalitan ako ng damit ni mama. Naligo agad ako at nagsuot ng black tank top at ripped letter denim shorts tsaka kimono robe bago ako bumaba. 

I saw cherry making smoothies sa kitchen kaya aalis na sana ako pero bigla na lang niyang tinawag ang pangalan ko kaya naman wala akong nagawa kundi lingunin siya at nagulat na lang ako dahil nakangiti siya sa akin at hindi ko masabing peke ang ngiting binigay niya sa akin.

"gusto mo gawan na rin kita ng smoothie?"

"it depends on the flavor you're making"

"how about green tea smoothie?" 

"it's fine with me" 

"coming up"

awkward man para sa akin, wala naman akong maramdamang kakaiba sa kanya. She's not faking this. She's really genuine right now at hindi ko alam kung anong irereact ko. Did something happen to her and azrael yesterday night? Kung yun man ang nangyari, mas gugustuhin ko na lang na makipagplastikan siya sa akin. Or is that so evil of me?

"here's your smoothie" she handed me my glass and smiled sweetly at me, i find it awkward kaya naman tumingin na lang ako sa dalawang smoothie na nasa harapan ko pa.

"kaninong mga smoothie naman ito?"

"it's for me and----"

"good morning cherry and amaris" I wasn't able to react lalo na ng lumapit si cherry sa kanya at humalik sa pisngi neto. 

"What's this roigie?"

Hindi naman ako galit. Gulat, oo. Sobra! Even roigie was shocked when he was kissed by cherry. Bakit parang ang bilis naman magpalit ni cherry? Diba ang gusto niya si azrael? ano ba to, ba't ang gulo-gulo?

"the smoothie is for me and for roigie, i've heard that he loves banoffee flavored foods kaya gumawa agad ako kaninang umaga"

napatingin ako kay roigie na katulad ko ay nagtataka, pero siya ay yung tipong natutuwang nagtataka samantalang ako nagtataka lang rito. Tinaasan ko siya ng kilay nang tumingin siya sa akin na may ngiti sa labi. Sa tingin niya ba natutuwa ako? siya oo, ako hindi. 

"what's with the face amaris, are you having hangover? sinabi ko naman sayo na huwag kang iinom diba?"

umirap ako sa sinabi ni roigie, kung binantayan niya ako kagabi edi sana hindi ako nag-inom! Atsaka kailan pa naging close yang dalawang yan? Umalis na ako sa kusina at dumiretso sa pool sa likuran. Hinubad ko yung robe ko at nilinis ang mga tuyong dahon na nalalaglag sa pool. I was busy cleaning the sides of the pool nang may makita akong kumikintab sa ilalim nito, lalanguyin ko na sana pero biglang dumating si eba with her left eyebrow raised. Problema nito?

"ano pang ginawa ninyo ni azrael kagabi sa kwarto mo at ang tagal niya bago makalabas? kayo na ba ulit?"

napatanga ako sa sinabi niya, bakit nasa kwarto ko kagabi si azrael at hindi ko alam----teka, may nangyari ba sa amin?! Oh my gosh. Napatingin ako sa kanya at nakatingin lang siya sa akin with her dilating eyes. Oo nga no, lasing ako kagabi and this is the effect of that, nakalimutan ko yung mga nangyari that night!!!

"jeez, don't tell me hindi mo alam na hinatid ka niya sa kwarto mo and we're like—we waited for an hour before he came back! "

Napahilamos ako ng palad sa mukha ko at umiling na lang dahil masakit na nga ulo ko may nakalimutan pa akong importanteng pangyayari. Aish. Hindi na talaga ako iinom after what happened, na-trauma na ata agad ako.

My WomanizerWhere stories live. Discover now