[Chapter:13] (Leveling Day part:1)

873 21 1
                                    

Happy 200 reads! (^o^)/

Salamat sa mga nag-aadd ng story nato sa kanilang mga reading list ❤

Kamsa!

~Yaseuo

~*~*~*~*~

Snow's Pov

Lumipas ang linggo na pagod na pagod kaming dalawa ni Flame. Nang maka-labas si Flame sa clinic ay agad kami pinatawag ni tanda sa opisina niya at pinarusahan kami dahil sa pag labas ng masyadong maraming mahica.

Pinalinis niya sa amin ang buong arena na kung saan gaganapin ang leveling day. At ng pumasok na kaming dalawa ni Flame sa arena ay sobrang dumi nito. Madaming debris na nag kalat sa arena at mga sunog na puno.

Habang inaalala ang nakaka pagod na nangyari kahapon ay biglang may dumila sa mukha ko. Pagtingin ko sa gilid ko ay si Midnight iyon na nakalawit ang dila at nakatabingi ang mukha, tumayo naman ako sa pag ka-kahiga ko sa kama ko.

Tumalon naman sa hita ko si Cross. Si Midnight naman ay tumalon sa kama at pumwesto sa gilid ko at pinatong ang ulo sa hita ko.

Hinaplos haplos ko naman ang mukha ni Midnight gamit ang kanang kamay at ang kaliwang kamay ko naman ay nasa malambot na palahibo ng katawan ni Cross.

"Thou art need to dress up now Master, the leveling day is starting in a hour," sambit ni Midnight.

"Yeah and my body still aching from the training and the cleaning yesterday," naka-simangot na sambit ko, naramdaman ko naman ang pag galawa ng katawan ni Cross sign na tuma tawa ito.

"You art can do it, besides we're art your side while your art in the middle of the arena," sambit ni Cross at tumalon pababa sa hita ko, walang ingay na lumapad siya sa sahig.

Pati narin si Midnight ng bumaba siya. Tinignan ko lang sila ng lumapit sila sa aparador ko. Kinagat ni Midnight ang hawakan ng aparador ko at binuksan ito sabay naman na pag talon ni Cross sa katawan niya at diretso sa loob ng aparador.

Ilang saglit lang ay nakita ko na ang itim na buntot ni Midnight at nang mas lumabas pa siya ay nakita ko siya'ng kagat kagat ang training uniform na binigay ni Flame habang hinihila ito palabas.

Sinalo naman siya ni Midnight ng bumagsak siya at siya na din ang kumuha ng uniporme na ngayon nasa sahig na.

Lumapit si Midnight sa gilid ng kama ko. Tumalon naman pababa sa kanya si Cross at siya namang pag talon pataas ni Midnight sa kama at pag lapag ng uniporme dito.

"Great teamwork," puri ko, nilawit naman ni Midnight ang dila niya at tumahol, nag meow naman si Cross, napaangat kunti ang parehong sulok ng labi ko dahil sa ginawa nila.

Tumayo na ako at laking gulat ko ng tumambad sa akin si Midnight kagat kagat ang tuwalya ko. Hindi ko man lang napansin na bumaba na pala siya sa kama at kinuha ang tuwalya ko.

Kinuha ko naman ito at hinawakan siya sa ulo.

Dumaretso na ako sa banyo pag tapos nun at naligo. Pag labas ko ay agad ko sinuot ang damit na nasa kama ko.

Pag-labas ko palang ay rinig ko na ang ingay nila sa baba. Hindi ko dala ang katana ko dahil sabi ni tanda na kailangan daw kumuha ako sa weapon room at yun ang gamitin sa laban at isa pa daw baka mang yari na naman ang nang-yari nung sabado.

Pag-baba ko ay nakita ko ang supreme circle na excited na excited na well expect for Flame at Rhea. Pagtingin ko naman kila Jaycee ay mga kina-kabahan ang mga mukha nila at namumutla.

Xavier Academy || School Of MagicsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz