[Chapter:17] (Jade Kingdom part:1)

723 24 3
                                    

Snow's Pov

2:30 am

Inaayos ko na lamang ang dadalhin ko. Bihis na din ako, napadako naman ang tingin kila Midnight at Cross na natutulog parin. Mga importanteng gamit lang ang dinala ko. Pati narin ang kantana ko ay dinala ko.

Napatingin naman ako sa bag na dala ko. Naka labas ang hilt ng katana, napaisip naman ako.

"Zyrell," tawag ko sa isa pang weapon ko.

"Yes? What do you need?," tanong nito.

"That katana too have an elemental powers. Can it change in forms also?," tanong ko.

"Yes it can. Ikabit mo lang ang link nan sayo," sambit niya napatango naman ako.

"May pag subok ba akong muling kahaharapain?," tanong ko.

"Hmm, wala, base sa nakikita ko ngayon ay mukhang nagawa mo na ito noon pa. Ang gagawin mo na lamang ay hanapin ang link at ikabit sayo," sambit niya. Nag taka naman ako.

Nagawa ko na dati?

Wala naman akong maalala na nagawa kong pag durusa noon. Inalis ko na lamang iyon sa isip ko at pumikit.

I focus myself on finding the link with my katana. Hindi naman iyon natagalan. Nahanap ko to agad katulad ng kay Zyrell iba din ang kulay ng link nito.

Kinabit ko na ito at naramdaman ko na naman ang malakas na pwersang pumasok sa akin. Nag mulat ako ng mata at nakitang lumiliwanag na ang katana.

Lumutang ito sa ere at pag hupa ng liwanag ay naging isang maliit na hikaw ito na pula. Hindi ko na kailangan pa ito ikabit. Dahil kusa na itong lumutang sa kaliwang tenga ko.

"Tadtad nako ng mga alahas," sambit ko. Narining ko naman na natawa bahagya si Zyrell.

"Zyrell, bakit wala akong nakitang spirit sa katana?," takang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko maaring sabihin Snow. Ikaw dapat umalam noon. Matutulog na lamang ako muli, tawagin mo na lamang ako pag ako ay kailangan mo na," mahabang lintanya niya. Ilang saglit lang ay di ko na siya narinig pa sa aking isip.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Nasanay narin siguro ako dahil iyon lagi ang kanilang sinasabi pag ako ay nag tatanong.

Umupo na lamang ako sa aking kama katabi ang bag na dadalhin ko. Napatingin naman ako sa orasan at 2:45 am na. Tumayo nako at pinag-pagan ang suot ko ng may makapa ako sa aking bulsa.

Kumunot ang noo ko sa pag kaka alala ko wala akong nilagay sa bulsa ko kanina. Kunot noo'ng pinasok ko ang kamay ko sa bulsa at kinuha ang laman nito.

Pagtaas ko nito ay ito lang pala ang sulat noong unang komprantahan namin nila Cross at Midnight.

Binuksan ko naman ang envelope na pinaglalagyan nito. Pagbukas ko ay purong gintong manipis ang nakita ko. Tinaas ko ito at nag taka ng walang makitang sulat. Nilabas ko na din ito sa pinaglalagyan niya ngunit wala talaga, sinubukan ko na ding baliktarin pero walang sulat talaga.

Bigla naman ako nakarinig ng pag katok sa aking pinto.

"Snow! Tara na baka nag aalburuto naroon si Headmaster tanda!," narinig kong sigaw mula sa labas. Si Jack ito.

Xavier Academy || School Of MagicsWhere stories live. Discover now