[Chapter:25] (Healing Potion)

592 18 0
                                    

A/N: Pasensya na sa matagal na update. Na writers block ako, kailangan ko pa basahin paulit-ulit tong story bago makapag sulat ulit ng next chapter.

Hirap kasi ng multitasking eh haha.

Again sorry po sa late update, hope you enjoy the chapter.

~*~*~*~*~

Jaycee's Pov

"JAYCEE LUCAS! WAKE THE HELL UP!,"

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang isang malakas na sigaw sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Dumagdag pa dito ang malalakas nitong katok sa pintuan kulang nalang magiba na ang pintuan.

Kaya bago pa mang-yari iyon ay tumayo nako at pinagbuksan kung sino man tao ang kumakatok ng malakas sa pintuan ng kwarto ko.

Humihikab na tinignan ko ang taong iyon at blankong mukha naman ang bumungad sa aking paningin.

"Wash yourself and dress up. We're running late Mr. Lucas, so hurry up," blankong sambit niya at lumayas na.

Napasimangot naman ako. Even though I'm lack of sleep, naligo at nag bihis parin ako para pumasok.

Gabi na ng kami maka-uwi muli sa akademya. Kahit na madaling araw kami lumisan sa jade kingdom, natagalan parin kami bago makabalik muli sa unibersidad.

Idagdag pang napalaban pa kami habang tinatahak ang daan pabalik. Sa kasamaang palad hindi griffin ang humihila sa aming sinasakyan kahapon kundi ordinaryong kabayo lamang. Sa kadahilanang nasawi ang mga ito sa pag proprotekta sa palasyo at sa dalawang prinsesa.

Dahil mga kakaiba ang mga umaatake sa amin, hindi iyon kinaya ng mga kabayo at mga namatay ito sa daan. Kaya't napilitan kaming lahat na mag lakad na lamang kahit na hindi ligtas ang daang aming tinatahak.

Buti na lamang at hindi maarte ang panganay na anak ni Lord Reinhardt na si Shane. Sanay na namin din daw siya dahil sa lagi niyang ensayo, dahil ayaw niyang matulad sa mga iilang babaeng mga maarte na nasa akademya.

At dahil don mga tagaktak at mga nanghihina kaming nakabalik sa akademya. Nawalan pa nga ng malay sila Abby at Jhing dahil sa pagod ng marating namin ang unang gate ng akademya.

Buti na lamang at nandoon sila headmaster at ibang propessor para abangan kami.

Pagbaba ko ay nakita ko naman silang lahat na ayos na at ako na lamang ang hinihintay.

Napatingin ako sa dalawang babae na nahimatay dahil sa pagod. Mukhang ok na sila dahil balik na naman sila sa mga ugali nila.

Walang salitang naunang lumabas si Snow naka buntot naman ang dalawa niyang alaga, medyo magaling narin ang nakuhang sugat ni Cross sa tiyan.

Sumunod naman sa kanya si Flame at Rhea. Nag kibit balikat nalang kaming mga naiwan at sumunod sa tatlo.

Tahimik lamang kami sa loob ng elevator kahit ang dalawang lagi nag babangayan ay tahimik lamang.

Pagkababa ay deretso kaming lahat sa aming classroom. Dahil mag sisimula na ang klase ay iilan na lamang ang mga estudyanteng naka kalat sa corridor kung saan nandon ang hagdan na pinaghihiwalay na ang mga houses.

Ngayon ko lang din nalaman na may isa kaming klase na halo halo ang houses sa isang room. Base iyon sa kaalaman at sa kakayahan mo, kahit na nasa commons house ka o elemental man may posibilidad na makasalamuha mo ang isa sa supreme circle at kung sweswertihin ay baka dalawa pa ang makasalamuha mo.

Xavier Academy || School Of MagicsWhere stories live. Discover now