[Chapter:24] (The Golden Letter)

613 20 0
                                    

Snow's Pov

Pag tapos ng dinner sa dinner hall ng palasyo nato ay dumaretso nako sa naging samantalang silid ko dito.

Pag bukas ko palang ng pinto ay bumungad sa akin ang malamig na hangin. Sinara ko na ang pinto ng maka-pasok narin sila Midnight.

Walang imik naman silang dalawa umakyat sa kama ng silid nato at natulog. Napadako naman ang tingin ko sa veranda ng silid na ngayon naka bukas. Dito marahil nang galing kanina ang malamig na hangin na sumalubong sa akin.

Habang papalapit dito ay natandaan ko na-naman ang ginto sulat na wala namang laman. Pag labas ko sa veranda ay tanaw dito ang isang malaking maze.

Nasa likudan lamang ito ng hardin ng palasyo. Napatingin naman ako sa kalangitan, bahagya akong napangiti ng makitang napakadaming bituin ngayong gabi. Kanina lang ay tumila na ang ulan, kaya't malaya akong tumagal dito.

Sa pagtingin ko lamang sa kalangitan ay naala ko si lolo. Lagi niyang kinukwento sa akin na sa dati niyang pinag aaralan ay napaka-ganda ng mga bituin lalo na't gabi. Dahil din daw dito ay nag kakilala sila ni lola.

Napailing nalamang ako ng sumagi sa isip ko na ang paaralan na sinasabi niya sa kanyang kwento ay ang akademyang ngayon pinapasukan ko.

Umupo naman ako sa upuang nasa labas ng veranda. Habang nakatingala parin sa kalangitan na pinaliliwanagan ng mga bituin.

Napayakap ako sa sarili ng bigla na lamang ulit umihip ang malamig na hangin. Tinanggal ko ang tingin sa kalangitan at kinuha ang gintong sulat sa aking bulsa.

Kumunot ang noo ko ng makitang umiilaw ito. Ilang saglit lang ay binuksan ko na ito, dahil sa lakas ng liwanag nito ay naitakip ko ang aking braso sa aking mga mata.

Nang ito ay humupa ay daglian kong tinignan ang sulat. Bahagya akong nagulat ng unti unting mag kasulat ito. Hinintay ko naman ito matapos bago basahin.

'Αυτή η επιστολή αποστέλλεται από τον σημερινό βασιλιά του Xavier Βασίλειο. Ο κυβερνήτης όλων των βασιλείων στο μαγικό κόσμο. Είστε προσκεκλημένοι να δείτε και να συναντήσετε τον βασιλιά Βίκτορ τον σημερινό βασιλιά του Xavier Βασίλειο.
Αυτή η πρόσκληση είναι απαραίτητη. Μπορεί να είναι ο στοιχειώδης ψυχολόγος σας Χιόνι Έντουαρντ Κόλινς.

~ Βασιλιά Βίκτορ.'

Sumakit ata ang ulo sa pagbasa sa mensahe na nasa gintong sulat. Nasa lenggwahe na naman ito na hindi ko maintindihan. Sinubukan ko narin dati na i-decode ang gantong lenggwahe ngunit nabigo lamang ako.

Napasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil sa pag kairita. "Mag bibigay na nga lang ng sulat ganto pa," inis na sambit ko sa hangin habang nakatingin sa gintong sulat na nasa aking kanang kamay.

Binasa ko to muli ngunit ang naintindihan ko lamang ay Xavier Kingdom at ang aking buong pangalan. Tanda na para sa akin talaga ang sulat na ito. Inikot ko pa ang sulat patalikod at gilid para maghanap man lang ng kaunting clue, ngunit wala ang kaninang binasa ko lamang ang nandoon.

Sinilid ko muli sa lalagyan ang sulat at nilagay sa aking bulsa. Napahilot na lamang ako sa aking sintinado habang nakatingin sa garden maze.

Pinikit ko ang mata ko at napa buga na lamang ng hangin. Kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng naka sulat sa gintong sulat na iyon.

Tumayo nako sa pagka-kaupo ko at pumasok sa silid na inoukyupa ko. Lumapit ako sa aparador ng silid at kinuha ang itim kong jacket. Napag pasyahan kong lumabas ngayong gabi at pumunta sa library ng palasyo. Baka may posibilidad na may lirbo na kaya i-translate ang lengguwaheng naka sulat sa gintong sulat.

Xavier Academy || School Of MagicsWhere stories live. Discover now