Chapter 8

2.7K 69 1
                                    

Irene


"Ahm... kanina ka pa ba dyan?" tanong ko na nininerbyos.

"No. Kakarating ko lang" maikli niyang sagot.

Buti naman. Muntik na ko don. Kailangan kong makuha yung papers bago pa niya malaman. Valid pa kaya yon?


"It's getting cold. I think we should head back" nginitian ko siya at nilagpasan.

Hinawakan niya ko sa braso para huminto. Nagulat ako sa ginawa niya. Kung makita man nila kaming ganito, hindi ko alam kung anong sasabihin. Sinilip ko kung anong ginagawa nila sa loob, buti na lang abala silang nagkukwentuhan.

"Ano ba Ashton. Walang may alam sa kanila tungkol sa'tin. Please let me go!" pinipilit kong alisin ang mga daliri niyang nakapulupot sa braso ko.


"Why are you one of them? Bakit tinatawag ka nilang Madi, Madisson or whatsoever. What did you do again this time Irene, huh?" kunot noo niyang tanong. 

Tinalikuran ko siya. Matagal ko nang tinakasan to. All of those false accusations? Babalik na naman?

"Irene" pangungulit niya.

He turn me around just to face him. Still the rude man that I fell in love with.

"Sorry I am not Irene, I am Madisson Renov" sabi ko sa kanya.

Hindi niya maintindihan. So all along he didn't know.

"You mean, the.." he stuttered

"Yes. Daughter of Christian and Lily Renov" pagtapos ko.

"Did they adopt you? That's why you're a Renov now" he is really confused

I let a big sigh and drop the biggest bomb that for sure shocked him.

"I am the billionaire's lost daughter"




"Ry gusto ko nung blueberry cheesecake niyo" I pouted.

"Kung ipakulong na lang kaya kita? Ikaw lulugi nitong negosyo ko" biro niya.

"Si attorney naman. Babayaran ko naman. May sweldo na ko" sabi ko sabay pakita ng envelope.

"Di mo talaga ginagamit pera ni Ashton? Sabihin mo sa'kin pag ayaw mo ako gagastos non"

"No. I can't use it. May sweldo ako kaya yun yung gagamitin ko. Kapag nagka-baby na kami, tsaka ko gagamitin" napangiti ako bigla "Speaking of Ashton, I have a surprise for him"

May kinukuha ako sa bag. Nawala ang ngiti ko nang makita ko ulit yung lalakeng sumusunod sa'kin. Isang linggo na na nararamdaman kong may sumusunod sa'kin.

"Dapat talaga sabihin ko na 'to kay Ashton" bulong ko.

"Ano pinagsasabi mo?" tanong nitong kasama ko. 

Kita kong may bumaba sa magarang kotse. Wow, they look very classy. Pero bat... bakit tinuro ako ng lalake?

Papalapit na sila. May mga guards pa. Hala ano gagawin ko. Think Irene, think!

"Hi! Irene right? I am Lily Renov, this is my husband Christian. Nice to meet you" bati nila sa'kin.

"Yeah... ah hi! Nice to meet you too. Ano po kailangan nila?" I nervously asked.

"Hi Mr. and Mrs. Renov. Oh my you look... wow in person! Rylie Sandoval po. Please join us" sabat niya. Sobrang ngiti ang nakikita ko mula sa mukha niya.

Pinagsasabi nito? Nagpakuha si Ry ng upuan para sa kanila kase for two seaters lang naman ang nandito.

"I'll just go inside. I think importante po yung pag-uusapan niyo"

"Thank you Ms. Sandoval" sabi ng asawa ni Ma'am Lily.

"May I ask kung nasaan ang mga parents mo? Are they with you?"

"Mr. and Mrs. Renov, I think wala po kayo sa posisyon para tanungin ako niyan. Privacy ko po yan at tsaka... ahm hindi ko po kayo gaano kakilala. Sorry" pagpapaliwanag ko.

Naluha si Ms Lily. Na-offend ko ba siya?

"I'm sorry po. Hindi ko po kayo intensyon na saktan" nag-aalala kong sabi.

"No it's okay" sabi niya. Binigyan siya ng panyo ng asawa niya.

I think they're not that bad. Sasagutin ko ba tanong nila?

"Wala po akong kinalakhang magulang. Pero meron pong nag-alaga sa'kin" nalungkot ako habang inaalala siya.

"Inampon po ako ni mamita nung bata pa ko. Actually wala kasi siyang anak kaya naisipan niyang kunin ako. Hindi po kami mayaman pero napag-aral niya po ako hanggang nakatapos ng college. Malaki yung utang na loob ko po sa kanya..."

"Dapat susuklian ko sana kaso..ah .. nagkasakit siya hanggang sa wala na" may kirot sa puso ko ng ikwento sa kanila yon.

"Bakit po? Kilala niyo po ba siya?"

"I am sorry. I am very much sorry sa nangyare sayo" humagulgol siya sa iyak.

"Wala akong naiintindihan" naiiyak ako dahil sa nakikita ko. May tumulong luha pero agad ko tong pinunasan.

"Sir ano pong nangyayare?" tanong ko ngayon sa asawa niya. Hindi kasi makapagsalita si Ms Lily dahil hindi niya mapigilang umiyak.

"Don't call me sir. You should call me dad" ngiti niya. May namumuo na din na luha.

Ha? Bakit?

"We are your parents. Matagal ka na naming hinahanap"

Sobrang gulat yung naramdaman ko. Am I dreaming, is this real? Akala ko pinabayaan ako ng magulang ko o di kaya iniwan na lang nila ako sa tabi.

"What? How?" nanunuyo ang lalamunan ko.

Kinuwento nila lahat sa'kin mula sa pagkabata hanggang sa nawala ako. Nagkagulo sa mall noon, hanggang sa nabitawan niya ko. Kaya pala lagi kong napapanaginipan na hinahanap ko ang mommy ko. Siya yon. Mukha niya yon.

"You are not Irene. You are my Madisson, my daughter. Nakikiusap ako, pwede bang bumalik ka sa'min? Your room is ready sa bahay tsaka lahat ng kailangan mo ibibigay namin"

"I don't know" mahina kong sagot 

"Masaya po akong makita kayo ulit, na makilala ko yung tunay kong magulang pero baka hindi po ako sasama sa inyo. Hindi ako pwedeng tumira sa inyo"

"Why?" sabay nilang tanong.

Ngumiti ako sa kanila.

"I am married. happily married"


#

What Ties UsWhere stories live. Discover now