Chapter 10

2.5K 60 0
                                    

Irene

Nasa isang malaking tent kami ngayon. Nagpahinga kami dahil kanina pa lakad nang lakad sa katirikan ng araw. Besides, it's lunch time.

Kasama ko sila Jass, ang assistant ni dad dito sa Pilipinas, si Ashton din tsaka yung ibang mga inspector na dala niya. Sumunod na pumasok ang ibang workers, yung nag-aayos sa mga nasira. While waiting for the food that I ordered for everyone, nagku-kwentuhan kami.  

"Kayo ma'am, bakit di pa kayo nag-aasawa? Maganda naman kayo, matalino, mabait..."

Tinakpan ng kasama niya ang bibig nito. Natawa ako sa kanilang dalawa. Mukhang nagtitinginan naman ang iba. Oh please huwag kayong mahiya sa'kin. Ako lang naman to. But ahm asking stuff about marriage is akward for me.  

Ashton diverted his gaze from the materials to me.

"Ah.. I think I'm not yet ready? Masyado ring maraming ginagawa sa kompanya kaya walang oras" sagot ko sa kanila. Pero totoo naman talaga.

"Iba talaga kayo. Kung yung iba study first, kayo naman ma'am work first. Eh kahit boyfriend po wala?" sunod niyang tanong.

Hindi ko alam pero mas naiilang ako sa tingin ngayon ni Ashton na umupo na sa isang monoblack kaysa sa tanong nila.

"May plano ka atang ligawan si ma'am. Kailangan mo pa ng isang daang ligo bago gawin yon" sabat ng kasama niya sabay kutos sa ulo.

Natawa kami dahil don. Napangiti din si Ashton. Kita ko yon kahit tinatago niya. Nang tumingin siya sa'kin, agad kong iniwas ang tingin.

"Ilang buwan na po kayong walang partner? MU or boyfriend ganon po" tanong ni Jass pagkatapos kumuha ng tubig sa dispenser. So everyone is interested about my love life huh?

But do I need to answer it? Kinagat ko ang labi nang tanungin niya sa'kin yon.

"Ah.. actually ahm.. 5 years na" nahihiya kong sabi. Ashton was my last.

"5 years?!" sabay-sabay nilang sabi.

Tumango lang ako. "Ang tagal naman ng pagkain natin. Bakit kaya?" subukan nating ibahin ang usapan.

"Siguro parating na yon ma'am. Wait I'll check it" sabi agad ni Jass at kinuha ang phone.

"Si sir naman ngayon ang gisahin natin" biro naman ng isang inspector na kasama niya.

"Oh please no. I want to have my privacy" sabi niya habang tinaas ang isang kamay.

How rude! Gusto lang makipagkilala ng iba.

"Hi babe!" biglang pumasok sa tent si Emily. She immediately hug her boyfriend.

"Oh Madi! You're here too?" pagtataka niya.

"Yes. Ngayon kasi nakaschedule yung pagcheck sa hotel" pagpapaliwanag ko.

"Come let's eat? I have something here" aya niya sa'kin at tinaas ang hawak na bag. "Kaso hindi to kasya sa lahat?" she added while pouting.

"No it's okay. I ordered something for everyone" I assured her.

Pumasok si Jass kasama ang dalawang delivery man. They're holding our orders and put it in the detachable table.

"Food is here!" I announced and clipped my hands twice. "Who will lead the prayer?"




Naglalakad kami ngayon ni Jass dito sa labas. Umalis ako agad sa tent kase nasisikipan ako. Naiinis ako sa lalaking yon, hindi ko alam kung intensyon niyang pagselosin ako.

Sinasadya kaya niya? pero pwede rin namang hindi. I am wearing the hard hat that Ashton gave me. Dahil sa inis ko sa kanya, tinanggal ko to.

Napaisip ako bigla sa nangyare kanina "They are so sweet" bulong ko habang inaalala sila Ashton at Emily. Ewan din kung bakit di sila mawala sa isip ko.

"Po? Sino ma'am" kunot noo na tinanong ni Jass.

"Nothing. It's nothing haha" I nervously laugh. Naglakad pa kami palapit sa site.

"Si sir Ashton tsaka kayo, may something. Tama ba ko ma'am?" sabi niya na ikinagulat ko.

I stopped walking. Pano niya alam? Sino naman ang nagsabi non sa kanya?

"Something? What do you mean?" nahkukunwari akong walang alam sa mga sinasabi niya.

"Halata. Kanina pa po" she sighed. "Pero tingin ko po.. hindi sa nagmamagaling ako pero parang hindi po masaya si sir kay ms. Emily"

Lumingo ako at nakikita pa rin sila mula rito. She's so happy, I can see that. Napangiti ako ng tumawa siya ng malakas. Nakikipagkwentuhan ata sa loob.

"Paano mo naman nasabi? As far as I can see, they're perfect for each other. Emily is such a wonderful woman, Jass" sabi ko sabay harap sa kanya

"Ewan ko po. Pero ma'am pakiramdam ko lang naman po 'yon. Nagkakamali din ako. Pero hay.. hayaan na nga po natin yan. Sorry po sa pakikialam" she scratched her forehead.

Nagulat ako ng biglang may dumaan na pusa. Pumasok ito sa mismong nagbagsakan ng gusali. Baka mapano siya don.

"Please call someone. They need to get that tiny kitten. Baka mapano" agad kong sabi kay Jass.

"Copy ma'am. Diyan lang po kayo tatawag ako ng pwedeng kumuha non sa loob" sabi niya at agad na dumiretso sa tent.

Nagpakita sa'kin ang ulo ng pusa. You're so cute. Labas ka na diyan, baka may mangyare.

"Hi cutie cat. Please come here. Masyadong delikado diyan" I don't know, this may work.

Ang tagal naman nila. I think I can do it. Para makalapit sa kanya humakbang ako papasok tsaka yumuko. Napaluhod pa ako para maipasok ang kamay ko.

"Come here. It's okay I don't bite" pagpapaamo ko sa kanya. Lalapit na siya sa'kin pero dumating 'tong ibang workers.

Agh! Napaka-wrong timing niyo naman dumating. Natawa ako bigla, pati si Ashton makikitulong?

"Ma'am Madisson bakit po kayo pumunta diyan sa loob. Delikado" pag-aalala ng kausap ko kanina. Soya ata si Manong Ben.

"Shhh please don't talk. Natatakot 'tong pusa" mahina kong sabi.

"Come on you little cat. I am waiting for you here oh"

"Ma'am balik po kayo dito, kami po kukuha niyan. Wala pa kayong suot na gear, mahirap na" sabi ng kasama niya.

Oh my I forgot. Inalis ko din pala har hat ko "Okay sige po. Pupunta na ko diyan" I smiled at them. Nakakahiya rin na lahat sila alalang-alala kaya kahit gusto kong kunin, huwag na.

Tumayo na ko at inalis ang lupa sa tuhod ko. Pabalik na ko sa kanila ng masagi ko ang isang hindi pa ayos na bagay.

"Oh I'm sorry" sabi ko agad sa kanila. Nagdagdag lang ako ng ikakapagod nila.

"Ma'am Madisson alis na diyan!" sigaw ni Jass.

Nakita ko si Emily na sumisigaw mula sa tent.

"Dali ma'am tumakbo na kayo dito. Babagsak yan" alalang sabi ng isang inspector.

Hindi nagsasalita si Ashton pero kita ko ang takot sa mata niya. Paglingon ko, nagulat din ako sa mga foreign objects na nagsisihulog.

Oh please save me from here.


#






What Ties UsWhere stories live. Discover now