Chapter 12

2.5K 57 3
                                    

Irene

"Omg Ry your house is so nice! Pwede ako dito everyday" I am so happy to be here. Katatapos lang gawin ang bahay, I mean mansion nitong si Rylie.

"Sabi kasi sayo magpagawa ka na ng sarili mong bahay dito" napatigil siya bigla "Pero pwede na ding hindi kase ikaw ang anak ng may-ari ng malalaking hotels dito so engk" tuloy niya.

"I'll think about it" sabi ko habang nakaupo na sa velvet na couch niya. "I'm getting cozy na here Ry, gusto kong kunin to sa hotel haha" I tried to joke around.

"Hoy ayoko! Kaya mo naman bumili ng mga ganyan bakit mo pa kukunin yang akin. In fact mas mayaman ka na nga kaysa sa'kin eh" mabilis niyang sagot.

"Niloloko lang kita ano ba" I rolled my eyes. "Pero seryoso, ikaw lang talaga mismo nagplano ng interior designing?"

"Yup. Dream house ko talaga 'to" sabi niya. I know because since college, nags-sketch na siya ng gusto niyang bahay.

"Eh yung engineer na gumawa ng bahay, nagkikita pa kayo?" I wriggled my brows.

"Si Andre, pft! Alam mo kung anong nangyare? Ghinost lang ako 'non" inis niyang sabi sa'kin. "Pareho talaga sila ni Ashton, hindi alam maghandle ng relasyon"

Tinawanan ko siya "Pareho nga talaga sila" Tumingin ako bigla sa kanya "The divorce papers, kailan natin hahanapin?"

"Just leave it to me. Hinanap ko sa office pero wala. Last chance na lang sa bahay nila. Nakausap ko asawa niya, pwede daw ako pumunta sa kanila bukas"

"Actually bukas namin malalaman kung ano talagang nangyare sa hotel. I think the inspection was done. Mahihintay mo ba 'ko bukas? Pwede tayong pumunta 'don ng hapon" alok ko sa kanya.

"Huwag na, malapit lang naman sila dito. Mapapagod ka lang na bumiyahe  tsaka sayang gas" sabi niya habang kumukuha ng pizza na dinala ko kanina.

"Thank you Ry. I owe you a lot. Hindi ko talaga alm kung pano makakabawi sayo" I said  sincerely.

"Gusto mo makabawi?" mukhang may naisip siya. What is it this time.

"Ano?" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Let me stay with you sa US kahit 2 to 3 weeks" sabi niya sabay taas baba ng kilay.

"Yeah sure! Sabihin mo lang kung kailan para ipahanda ko yung private jet"

"Iba na talaga. Yamerns"




"Really? Mr. Ledesma do that? Akala ko magkaibigan sila ni dad. Bakit niya pinalitan ng may mas mababang quality ang mga materyales?" kunot- noo kong tanong.

I can't believe it. Maraming namatay, maraming nasaktan dahil sa ginawa niya.

"It's all about money. Kapag mas mababa ang quality ng materials na gagamitin, mas mababa ang bayad"

"By the way dad told me that you.." tinuro pa niya ko "will never step into the site again"

"I know. Pinapaalis na nga niya ko di ba. Sana lang talaga hindi magkagulo 'don dahil sayo"

"Hey! Okay fine I am not a patient person but I am not that hard to deal with when it comes to business"

"You don't need to expla-" hindi ko natuloy ang sasabihin nang makita na tumatawag si Ry. 

Sinagot ko agad ang tawag "Hi! How was it? Nahanap mo na?"

Please say yes.

"Yes" sagot niya.

What Ties UsWhere stories live. Discover now