Chapter 8

2.6K 107 0
                                    

Clide POV

     Hindi maalis-alis sa labi ko ang ngiti habang papunta sa silid ni New sa naturang ospital kung saan siya nagpapagaling sa natamong minor injury.Bitbit ang pasalubong at isang palumpon ng bulaklak para sa kaniya.
  
" hi " nakangiti kong pagbati sa lalaking nanonood habang nakaupo sa hospital bed.Agad naman ako nitong sinuklian ng isang matamis na ngiti.Buo na kaagad ang araw ko.Siya lang ang nagbibigay ng ganitong kaligayahan sa akin.

    Linapitan ko siya at ibinigay ang dala kong bulaklak para sa kaniya.
  
" para sayo " sabay abot nang biniling bulaklak.
     
" anong meron pre at may pabulaklak ka pang nalalaman? " nagtataka nitong tanong.Romantiko kasi ako sa isip ko lang.
 
" hindi ba sa mga palabas laging dinadalhan ng bulaklak ang mga pasyente kapag bumibisita sa ospital " palusot ko.
     
" mali sa sementeryo iyon " aniya.Ayan na naman siya sa pagiging pilosopo.
 
" baliw ka talaga " inilapag ko na sa malapit na mesa iyong dala kong pagkain at inilipat sa malinis na plato.
   
" gutom ka na ba? " tanong ko rito.

" medyo,nakakagutom pala kapag mag-isa ka lang hanu " kwento niya.Napangiti na lang ako sa narinig.Simula kasi kaninang umaga walang dumadalaw sa kaniya kasi abala naman kaming lahat.Pansamantala siyang excuse sa mga klase namin dahil sa kaniyang kalagayan.Samantalang suspension naman ang naging parusa doon sa limang nambugbog sa kaniya.

 Bitbit ang platitong naglalaman ng isang slice ng cake na binili ko sa paborito niyang bakeshop,linapitan ko siya at tinabihan.
   
" ito kainin mo para mawala iyang
pagkabagot mo tsaka andito na rin ako kaya paniguradong hindi ka na mababagot nyan " bilib din ako sa sarili ko.Saan lugar ko ba napulot ang lakas nang loob ko upang sabihin sa kanya iyon.
   
" subuan mo ako " nakangiting wika ni New.
    
" hmmm may bali ba kamay mo? "
 
" medyo " aniya habang may nakakalokong ngiting nakasabit sa kaniyang labi.Napailing na lamang ako sa inasta nito.
    
" salamat " wika pa niya.Iyon nga,naging kamay niya ako ngayon.Habang sinusubuan ko siya kinu-kwento ko sa kaniya ang mga kaganapan sa school.Iyong mga lecture ng professor tsaka mga lessons na tatalakayin sa susunod na linggo.Alam ko naman na advance sa pag-aaral si New kaya walang problema sa kaniya kung huli siya sa lesson.
   
" ayoko na,nakakaumay " protesta ni New.Wala na akong nagawa kung hindi ang itigil ang ginagawa.Sayang enjoy na enjoy ako e.
   
" pahinging tubig " hingi nito.Iniabot ko sa kanya iyong isang bottled water na nakapatong sa katabing mesa.
      
" labas muna ako New " paalam ko rito.Hininto nito ang pag-inom at pabagsak na ibinalik sa katabing mesa.
  
" kailan mo titigilan ang bisyo mong iyan? " hindi pa man ako nakakalabas,iyan kaagad ang narinig ko mula sa kaniya.

Nakatingin ito sa malayo pero kapansin-pansin ang pagiging seryoso ng kaniyang boses.Napabuntong-hininga na lamang ako sa narinig.Nilapitan ko siya at hinarap.
  
" sorry "
 
" nakailang sorry ka na ba?pero bakit hindi mo pa rin tinitigil.Alam kong wala ako sa lugar upang punain iyang paninigarilyo pero maawa ka naman sa sarili mo " sermon nito sa akin.
     
" hmm sige promise last na tuh at hinding-hindi ko na gagawin " nanatiling tahimik lamang ito.Hindi na ako muling nagsalita at baka kasi pagsimulan na naman ito nang away namin.Lumabas na lamang ako ng silid hawak-hawak ang pangakong huling beses ko na itong gagawin.

New POV

      Muli akong naiwang mag-isa nang magpaalam si Clide na lalabas lang sandali.Alam ko naman kung ano ang gagawin niya kaya nagkaroon muna kami ng pagtatalo.Ewan ko ba doon sa lalaking iyon at ang tigas-tigas ng kukurte't ayaw ako pakinggan.Bahala na nga lang siya sa buhay niya basta ako hindi nagkulang ng pagpapaalala bilang kaibigan niya.

    Muli kong ibinaling ang atensyon sa  pinapanood kong cartoons.Oo na,mahilig ako sa cartoons lalo na ang Tom and Jerry my all time favorite.Kahit medyo unfair minsan si Jerry natutuwa pa rin ako sa tandem nila.Hindi sila nabibigong patawanin ako kahit paulit-ulit.

    Napuno nang halakhak ko ang apat na sulok ng silid dahil sa aking pinapanood.Ang saya lang kasi.Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla akong natigilan sa ginagawa.Naagaw ang atensyon ko ng bigla akong may napansing mga matang nakatingin sa akin.Mabilis kong inilibot ang aking paningin subalit wala namang ibang tao rito sa loob maliban sa akin.Medyo kinabahan na ako sa nangyayari.Pinatay ko muna ang TV at humiga ng maayos.

    Habang nakatingin sa bintanang salamin,biglang may lumitaw na imahe.Sa sobrang gulat,bigla akong napatago sa loob ng kumot.Nanginginig ang aking mga kalamnan sa nasaksihan.Ano iyon?Multo ba??Muli akong sumilip pero sa pagkakataong ito,tahimik pa rin ang lahat at wala na rin iyong kaninang imaheng nakita ko.
  
" nagha-hallucinate lang ata ako " wika ko sa sarili.Pinakalma ko na lamang ang sarili at muling inayos ang pagkakahiga.
    
" Dawi... "  bigla akong pinangilabutan  sa narinig.
 
" s-s-sino ka? " kahit  natatakot nilakasan ko pa rin ang loob kung magsalita.
       
" Dawi hihintayin ka namin " muling wika nito.
  
" sino ka ba!! " sigaw ko.Nilamon na ako nang takot.
     
" magpakita ka!! " muling sigaw ko pero wala na akong narinig na boses.Wala na.Muling binalot nang katahimikan ang silid subalit namamayani pa rin sa akin ang takot kanina.Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha ko.Napahawak na lamang ako sa ulo ko at bumaluktot sa pagkakahiga.Patagal nang patagal dumarami ang misteryosong kaganapan sa akin.Hindi ko alam kung makakaya ko pa.Gusto ko nang matigil ito.Natatakot ako.Ano ba ang naghihintay sa akin.

      Mga ilang minuto ang lumipas ng sabay-sabay na nagsipasok sila Anika,Clide,Ken at Wayne.Lahat sila'y nagku-kwentuhan at mukhang ang sasaya nila.Pinanood ko lang sila sa kanilang ginagawa dahil para sa akin mas ikakasaya kong makita silang ganoon.
  
" umiyak ka ba? " pansin ni Wayne dahilan upang lahat sila'y mapatingin sa akin.
   
" hindi ah bakit naman ako iiyak?wala naman akong dahilan upang umiyak " paliwanag ko.Pakiramdam ko nakombinse ko naman sila sa palusot ko.
    
" nga pala sabi ng doctor makakalabas ka na raw bukas " balita ni Anika.
  
" mabuti naman kung ganun " sagot ko rito.

 Mabilis lang sila rito kasi tapos na ang visiting hours.Bago umalis nag-promise sila na sasalubungin nila ako bukas pagkalabas ko at magsi-celebrate raw kami.Samantalang naiwan naman si Clide kasama ko dahil gusto niya raw akong samahan rito sa huling gabi ko sa ospital.Parang ulol ang gago.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon