Chapter 51

1K 44 2
                                    

Dawi POV

     Yumanig ang kalupaan pagkatapos nang malakas na pagsabog sa himpapawid.At ang sunod naming nasaksihan ay ang unti-unting paglusaw ng nakaharang na malakas na kapangyarihan sa aming harapan.Nagkukubli ang lungga ng kalaban sa isang napakalakas na enerhiya na halos hindi namin matumbasan.Ang ginawa ni Tanglaw ay isang sakripisyo.Sa kabila ng panghihina,sinubukan kong tatagan ang aking damdamin upang maisakatuparan itong misyon namin.Kailangan na naming madaliin ito upang wala ng madamay pa.Kutang-kuta na ako sa mga taong nagsakripisyo para sa misyong ito.

Nilukob na ako ang isang emosyong matagal nang nakakubli sa aking puso.Nauna na akong maglakad papunta sa lungga ng mga kalaban.Narinig ko pa ang pagtawag ni Ceruz sa aking pangalan subalit tila isa akong bingi na hindi man lang ito tinapunan ng pansin.Diri-diretso akong nagtungo sa gawing harapan.Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang kanilang mga yabag mula sa aking likuran.Sa oras na mahanap kita Yula,hindi ako magdadalawang-isip na parusahan ka.

Habang tumatagal mas lalong bumibigat ang enerhiyang nakapalibot sa amin.Alam kong naririto nga sila.At sigurado ako na hindi lang si Yula ang naririto kung hindi pati na rin si Polo.Bahagya akong tumigil sa aking paglalakad ng may marinig akong mga kaluskos sa isang madilim na sulok.
   
" may problema ba Dawi? " usisa ni Terra.Hindi ko ito sinagot bagkus ay inihanda  ko ang aking sarili.Nararamdaman kong narito na kami sa hinahanap namin.Ikinumpas ko ang aking dalawang kamay sa hangin at ilang sandali pa'y binalutan na ito ng aking kapangyarihan.Nang maramdaman kong handa na ang aking enerhiyang naipon,hindi na ako nagdalawang isip pa't mabilis itong pinakawalan sa gawing sulok kung saan ko narinig ang mga kaluskos.

Nagulat ang aking mga kasamahan sa aking biglang pag-atake.Akmang magpo-protesta pa sila subalit hindi na nila ito nagawa nang bumungad sa kanilang harapan ang isang bulto ng nilalang na halos hindi na makilala.Mabilis itong nilapitan ni Alexir at itinutok ang kaniyang punyal sa bandang leeg nito.
   
" sino ka?! " tanong ni Alexir dito.Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nito.Itinayo ito ni Alexir at iniharap sa amin.Pinagmasdan muna ito ni Ceruz animo'y binabasa ang katauhan nito bago nagsalita.
     
" tauhan ni Polo " aniya.Mababakas sa kaniyang boses ang pait habang binibigkas ang pangalan ng nasabing lalaki.
  
" kung gayon,ituro mo sa amin kung saan nagtatago ang inyong panginoon " angil ni Alexir.Bagaman ayaw kumilos nitong tauhan ni Polo upang ituro ang lungga ni Polo,wala siyang nagawa ng idiin pa lalo ni Alexir ang kaniyang punyal sa leeg nito na halos bumaon na sa kaniyang balat.Nagsimulang dumaloy ang kulay itim na likido sa kaniyang leeg subalit hindi pa rin ito natitinag.Masyadong tapat ito sa kaniyang pinuno.

Dahil wala naman kaming makuhang tugon mula rito,hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na ibinaon ang aking tabak sa dibdib nito.Pagkagulat naman ang rumihestro sa mukha ng aking mga kasamahan dahil sa biglaan kong ikinilos.Nagsasayang lang kami ng oras.Hindi na ako makapaghintay na mahuli at maparusahan si Yula at mapigilan ang kanilang binabalak.Hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagguhit ng mga linya sa noo ni Ceruz,marahil ay nagtataka ito sa aking ikinikilos.
 
" ayos ka lang ba?? " may bahid ng pag-aalalang tanong sa akin ni Ceruz.Hinarap ko ito at pinagmasdan muna ang maamo nitong mukha.Wala akong ibang emosyong nabasa roon maliban sa pag-aalala sa akin.Hinaplos ko ang kaniyang kanang pisngi at tipid na ngumiti.
    
" tara na,tapusin na natin ito " mahinahon kong wika rito.Kahit anong mangyari basta ang mahalaga ay matapos na itong kaguluhang ito.Tanging pagtango lang naman ang naging tugon nito habang ang mga mata'y nakapukol pa rin sa akin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.Tahimik ang buong paligid at tanging mga yabag na nagmumula sa aming mga paa ang aming naririnig.Naging mabigat na rin ang aming paghinga sanhi ng pagod at nang papalakas na enerhiyang bumabalot sa paligid.Nararamdaman ko na si Yula.

Malapit na kami.

Malapit na.
  
" saglit " basag ni Terra sa katahimikan.Wala kaming nagawa kung hindi ang huminto at ibaling ang atensyon sa kaniya.
    
" nararamdaman niyo ba iyon? " aniya habang inililibot ang kaniyang mga mata sa paligid.Sandali naming pinakiramdaman ang paligid.Maliban sa enerhiyang bumabaloo rito ay wala namang kakaibang enerhiya akong nararamdaman.Kunot-noo kaming tumingin sa kaniya.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon