Chapter 53

839 41 2
                                    

Dawi POV

      Naramdaman ko ang paglapat ng malamig na hangin sa madumi kong balat.Sandali akong napabuntong-hininga.Ito na ba yun?.Ang bilis naman.Ganito ba ang pakiramdaman ng kamatayan?.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit muli ko ring ipinikit ng tumama sa akin ang kakarampot na liwanag.Ilang sandali pa.Muli kong ibinuka ang aking mga talukap.Kasabay nito ang biglang pagpigil ko ng paghinga nang bumungad sa akin ang isang pamilyar na nilalang.Nakatingin lang ito sa akin.Pagkagulat ang unang emosyong nabasa ko rito tsaka pagtataka.Maging ako ay napatingin sa kaniya ng may pagtataka sa mukha.Anong nangyari sa kaniya?.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.Sandali lang,bakit wala man lang akong maramdamang kakaiba sa aking katawan.Maliban sa mga mahahapding sugat at konting kirot banda sa aking pisngi ay wala na.Wala akong naramdamang kakaibang matinding kirot mula sa ibang parte ng aking katawan o kahit bagay man na nakasaksak sa akin.

Bigla akong bumagsak sa lupa at tuluyang napadaing ng tumama ang sugat sa aking tagiliran sa isang nakaumbok na bato.Sa kabila niyon ay gumawi ang aking atensyon sa nilalang na kaharap.Unti-unting nalusaw ang mga itim na enerhiyang nakapalibot dito.Dumapo ang aking mga mata sa itaas na bahagi ng kaniyang katawan.Halos mamilog ang aking mga mata sa pagkagulat ng mapansin ang isang bagay na nakausli sa kanyang dibdib.Bagaman nanghihina ay sinubukan kong tumayo.Paika-ika akong lumapit rito.
    
" Yula.. " mahina kong tawag sa pangalan nito.Dahan-dahan nitong iginawi ang kaniyang atensyon sa kinaroroonan ko.
  
" Dawi " aniya at ngumiti.Nabigla ako sa ginawa niya.Hindi ito ang ngiting katulad nang kanina.Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin.Akmang lalapitan ko na sana siya nang bigla itong magsuka ng mga likido.Sinuklob ako ng kaba.Kita ko sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman at pangamba.

Tuluyang bumagsak sa lupa si Yula.Lalo akong binalot ng kaba nang masilayan ang nilalang na siyang nagpabagsak sa kay Yula.Binabalutan ito ng itim na kapangyarihan.Mahahaba ang mga kuko nito.Maiitim ang mga mata.
   
" Evan?! " bulalas ko.Nagsimulang maglaho ang mga itim na kapangyarihang kumapit sa kaniyang katawan at tuluyang lumantad ang pigura ni Evan.Para itong inosenteng nilalang habang nakatingin sa akin.Ilang sandali pa,muli kong nasilayan ang kaniyang matamis na ngiti.Agad ako nitong nilapitan at mabilis na ikinulong sa kaniyang mga bisig.Nabigla naman ako sa kaniyang ginawa.
    
" anong ginagawa mo rito? " hindi pa rin ako makapaniwala sa kaniyang ginawa.Nanatiling tahimik lang naman ang huli.
      
" uwi na tayo " aniya.Hindi pa rin ito kumakalas sa akin.Tumagal muna kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon.

Sa kabila ng pagkawala ng emosyon niya ay hanggang ngayo'y hindi niya pa rin nagbabago ang pakikitungo niya sa akin.Hindi ko alam kung bakit napalapit na lang bigla ang loob ko sa taong ito.Kumalas na ako kalaunan mula sa kaniyang bisig.Nagtagpo ang aming mga mata.Isang masiglang ngiti ang aking iginawad dito.At isang matamis na ngiti rin ang kaniyang itinugon.
   
" sandali lang " paalam ko rito.Nilapitan ko ang nakahalindusay na si Yula sa lupa.Hinahabol nito ang kaniyang paghinga.Waring kinakapos na ito ng hangin.
    
" nasaan ang Pusong Kristal? " seryoso kong tanong sa kaniya.Tumigil ito sa kaniyang ginagawa at muling nanumbalik ang itim na enerhiya sa kaniyang sistema.
      
" NASAAN ANG PUSONG KRISTAL! " nagpupuyos ang aking sarili dahil tila bingi ito sa aking sinabi.Sa kabila ng panghihina,nagawa pa rin nitong iangat mula sa lupa ang kaniyang kamay.Lumikha ito ng mga itim na enerhiya.

Iniangat ko ang aking hintuturo at lumikha ito ng pinong kulay bughaw na enerhiya.Kasing laki lamang ito ng isang kahel.Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad itong pinakawalan patungo sa kay Yula.Tumapat ito sa kaniyang dibdib at mula rito ay dahan-dahan itong pumasok sa kaniyang sugat.Biglang nanginig ang buong katawan nito.Nilalabanan nya ang aking kapangyarihan subalit wala na siyang nagawa ng tuluyang nilamon ng aking enerhiya ang kaniyang puso.Sa kaniyang huling sandali,isang matamis na ngiti ang nakasabit sa kaniyang labi kasabay ang pagdausdos ng butil ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi.Nahabag ako sa aking dating kasama.Hindi aabot sa puntong ito kung hindi siya gumawa ng ikasisira ng mundong ito at ng mundo namin.Pero sa kabila niyon,nakaramdaman ako ng kaginhawaan.Sa wakas tapos na ang digmaang ito.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon