Chapter 32

1.7K 79 0
                                    

New/Dawi POV

      Dinala ako ni Clide sa isang malapit na coffee shop.Hindi ko alam kung ano ang kailangan nito sa akin kasi bigla na lamang ako nitong hinila papasok sa kaniyang kotse at nilisan ang apartment.Hindi na rin ako nakapag-protesta pa dito.
   
" bakit mo ko dinala dito? " bungad na tanong ko rito nang makahanap ito ng aming mauupuan.Tahimik lang ito habang nakatingin sa akin.
     
" kakain tayo " aniya.
 
" busog pa ako " sagot ko.Katatapos ko lang kumain kaya alam ko sa sarili kong busog pa ako.
      
" kung ganoon samahan mo ako " akmang tatayo na ako para umalis nang hawakan nito ang aking mga kamay.
  " please huwag ka munang umalis " mahina nitong sabi sa akin.Tumigil ako at tiningnan ito.Nakayuko lang ito habang hawak-hawak ang aking kamay.Bumalik na lamang ako sa pagkakaupo dahil nakaramdam ako ng awa para rito.
    
" salamat " aniya.Binalot kami ng katahimikan.Wala naman akong sasabihin sa kaniya sa kabila ng mga katanungang gumugulo sa isip ko.

Dumating na iyong order nito at dahan-dahang inilapag sa aming mesa.Humigop muna ito ng kaniyang kape bago tumingin sa akin.
  
" kumusta ka na? " simula nito.
      
" ayos lang " sagot ko naman.
 
" saan ka galing "
        
" sa malayong-malayo "
 
" tinatanong kita ng maayos New,sana naman sagutin mo rin ako ng maayos " pakiusap nito.Sa tingin ko'y kailangan nga naming ayusin ang problemang ito.
   
" nasa mabuti akong kalagayan ngayon " simula ko.
 
" bakit ngayon ka lang nagpakita? " seryoso nitong tanong sa akin samantalang ako naman ay pinaglalaruan ang kutsareta na nasa tasa.Nanatiling tahimik lang ako dahil unang-una hindi niya naman maiintindihan ang mga paliwanag ko sa kanyang mga katanungan.
    
" nagbago ka na " mahina nitong sabi.Tinigil ko ang aking ginagawa at tiningnan siya,nakayuko lang ito katulad kanina.
  
" hindi naman ako nagbago Clide sadyang hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sayo ang nangyari " paliwanag ko sa kaniya.Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang ipaliwanag sa kaniya ang mga  kaganapan sa akin.
   
" makikinig ako " seryoso nitong tugon habang nakatingin nang diretsa sa akin.Napabuntong-hininga na lamang ako.Wala pa ring pinagbago ang lalaking ito,ang kulit pa rin.
   
" anong nangyari sa inyo ni Anika? " pansin ko ang biglang pagbabago ng ekspresyon ni Clide sa tanong ko.Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kanila.Iyon lang naman ang bagay na gumugulo sa utak ko simula ng makilala ko si Tay.Nagkaroon ba sila ng relasyon pagkawala ko?.Wala namang masama doon.
   
" sino iyong lalaking kasama mo? " pag-iiba nito nang usapan.Pero hindi ako nagpatinag,ito ang nakikita kong tamang pagkakataon upang makuha ko ang sagot sa katanungang hinahanapan ko nang sagot.
   
" huwag mong ibahin ang usapan Clide " may diin kong wika rito.Bakit ba ayaw niyang sabihin sa akin ang tunay na dahilan.Hindi ba siya masaya sa kung ano ang mayroon siya ngayon?.

Tila naging pipi ang kaharap ko ngayon.Wala akong naririnig na salita mula sa kaniya maliban sa kaniyang paghinga.Sa tingin ko'y wala siyang balak na sagutin ang tanong ko.Kung gayon,wala na akong gawain rito.Uuwi na lamang ako at baka sakaling may maisip pa kaming paraan upang madali naming mahanap si Yula.Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at akmang lilisanin na ang lugar na iyon ng bigla itong magsalita.
  
" isa iyong pagkakamali " umpisa nito.Nababanaag ko sa boses nito ang pagsisisi.Hindi ko alam kung bakit pero iyon ang nararamdaman ko.
    
" lasing ako ng gabing iyon dahil nawawalan na ako ng pag-asang mahanap ka,araw-araw nilulunod ko ang aking sarili sa alak nagbabakasakaling sa paggising ko kinabukasan nandiyan ka na uli.It was my birthday and nagkaroon kami ng party sa bahay,kompleto ang lahat,ang barkada,ikaw lang ang kulang,I thought I already forget you but nang maramdaman ko na ang espirito ng alak,muli na namang bumabalik ang alaala ko sayo,muli na naman akong binalot ng kalungkutan at ng panahong iyon si Anika ang nagsilbing balikat ko.Dahil sa sobrang lasing,I thought Anika was you... " kuwento nito.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga narinig mula sa kaniya.Kung pakaiisipin nabuo si Tay dahil sa isang pagkakamali.
   
" mag-asawa na kami ngayon at hindi ko nararamdaman ang saya dahil hindi ko naman siya mahal kasi hindi siya ikaw " aniya.
      
" sorry New " wika nito habang sunod-sunod ang pagbagsakan ng kaniyang mga luha.Alam kong nagsasabi ng totoo si Clide,pero bakit parang ako naman ang napipi ngayon.Wala akong masabi.Hindi ko alam kung kanino ako maaawa,sa kaniya ba o sa kay Anika?o kaya Tay.

Pakiwari ko'y ang puno't-dulo nitong nangyayari sa pamilya nila.Naaawa ako sa kay Anika dahil hindi niya deserve ang ganitong buhay.Pakiramdam ko isang napakalaking pagkakamali ang pagpunta ko rito at pakipagkita sa kaniya.

Namalayan ko na lamang ang sarili na binagbagtas na ang daan pabalik sa apartment.Lumilipad ang utak ko habang papatawid sa pedestrian lane.Napapitlag ako bigla ng may bumusina nang malakas sa harapan ko.Mabuti na lamang at mabilis ang naging galaw ko at naiwasan kaagad ang rumaragasang four-wheeled truck.
   
" aba!! " singhal ko na lamang.Gago iyon,muntik na akong masagasaan!.Napailing na lamang ako sa pagkainis.

Natigilan ako sa aking kinatatayuan ng madaanan ng dalawa kong mata ang pamilyar na mukha.Hindi ako nagkakamali!Pinakiramdaman ko ang enerhiya sa palibot,nanggagaling sa nilalang na iyon ang napakalakas na enerhiya.Mabilis akong naglaho na parang bula at bigla na lamang lumitaw sa harapan nito.Pagkagulat ang rumihistro sa mukha nito ng makita ako.Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis itong sinipa nang malakas.Tumilapon ito sa malapit na building dahilan upang gumuho ang bahaging iyon.Nagsimulang mag-panic ang mga taong nakasaksi sa nangyari at agad na nagsisitakbuhan.Unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan ni Yula subalit hindi ko pa man naihahakbang ang kaliwang paa ko,naramdaman ko na lamang ang sarili na parang hinihigop pailalim.Gamit ang kapangyarihan niya,lumikha siya ng ipo-ipong hinihigop ang enerhiya ko pailalim dahilan upang hindi ako makalagaw at patuloy na binabaon ng malaking puwersa sa lupa.
    
" Dawi " nakangisi nitong bungad sa akin.Hinawakan nito ang aking pisngi at pilit na ipinatingala sa kaniya.
      
" Y-Yula! " singhal ko rito habang pilit na kumakawala sa kapangyarihan nito.
         
" tsssk maging sa mundo ng mga tao ang hina mo pa rin " aniya.Tinapunan ko lang siya ng masamang tingin dahil sa narinig.
  
" andito ka ba upang hulihin ako??hahahahaha!!!matagal pa bago mangyari iyon Dawi sapagkat sasakupin muna namin ang mundong ito,gagawin naming bagong impyerno ang pinakamamahal mo na mundo! " sigaw nito.
      
" AHHHHH!!!!!! " napasigaw na lamang ako dahil sa sobrang galit na namayani pagkarinig ng mga salitang iyon mula sa kaniya,naramdaman ko ang malakas na pagdagong-dung sa ilalim ng lupa.Ilang sandali pa biglang nagsilabasan ang mga tubig mula sa mga kanal.At mabilis na pinalibutan si Yula.Puwersa ng hangin laban sa puwersa ng tubig.Nakalimutan niya siguro kahit sa isip ko lang kaya kong kontrolin ang tubig.Naging Dyos pa ako nito kung hindi ko naman kayang gawin iyon.Naramdaman ko ang paghihina ng kapangyarihan ni Yula.Hindi niya kayang huminga ng matagal sa ilalim ng tubig kaya nawawalan na siya ng kontrol dito.Hindi rin nagtagal tuluyan nang naglaho ang puwersang bumabalot sa katawan ko.Bumangon ako mula sa pagkakadapa at ikinumpas ang kamay dahilan upang mawalan ng kontrol ang tubig.Bumagsak ito sa lupa kasabay ang katawan ni Yula habang habol ang paghinga.Nilapitan ko ito at hinawakan sa kamay.
   
" ang hina mo pala " natatawa kong bungad sa kaniya.Napansin ko ang pagkumpas ng kamay nito ng palihim pero agad ko itong inunahan at mabilis kong ihinagis ang naipon kong enerhiya at muli na naman itong tumilapon.Dali-dali ko itong nilapitan at hinawakan sa kuwelyo ng kaniyang damit.
    
" nasaan ang " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lamang may nangyaring malakas na pagsabog sa pagitan namin dahilan upang pareho kaming tumilapon sa magkaibang direksyon.Sa sobrang lakas niyon alam kong mula iyon sa makapangyarihang nilalang.Balak ko pa sanang tumayo subalit malakas ang naging epekto nito sa katawan ko kaya naramdaman ko na lamang ang pagkain ng kadiliman sa huwisyo ko habang tinitingnan ang blurred na mukha ng nilalang na iyon papunta sa direksyon ni Yula.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon