Chapter 44

1.2K 69 7
                                    

New/Dawi POV

    " ang pangalan ko'y Dawi,ang Dyos ng Tubig " pakilala ko sa sarili.Unti-unting binalot ng tubig ang aking katawan hanggang sa lumantad ang aking totoong anyo.Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Gluto dahil sa kaniyang nasaksihan.Dali-dali kong ikinumpas ang aking mga daliri sa direksyon niya at walang anu-ano'y pinaulanan ko ito ng aking kapangyarihan.

Mabilis itong nakatakas sa aking unang pag-atake at ng makahanap ng kaniyang pagkakataon ay siya naman ang umatake.Subalit sa pagkakataong ito'y sinugod niya ako gamit ang kaniyang balaraw.Agad ko itong iniwasan at bahagyang inilayo ang aking sarili sa kaniya.Magaling siya sa pakikipaglaban gamit ang sandatang pagmamay-ari niya at ang kaniyang kapangyarihan.Kailangang mapantayin ko rin ang kung ano ang kaya niya.

Mula sa aking kaliwang kamay ay lumitaw doon ang aking tabak.Agad ko itong iwinasiwas sa hangin bilang paghahanda.Handa na ako.Naunang sumugod si Gluto,inihanda ko ang aking sarili sa pakikipaglaban sa kaniya.Alam ko sa sarili na hindi pa ako lubos na nakakapag-ensayo sa larangan ito subalit may tiwala ako na kaya ko ito.
   
" ARGHHHH!! " sigaw nito.Agad ako nitong sinugod gamit ang kaniyang balaraw subalit madali ko naman itong naiwasan.Patuloy ang naging labanan namin gamit ang aming mga sandata,kapwa walang gustong magpatalo.

Lumayo ako ng ilang metro sa kaniyang kinaroroonan at nag-isip ng estratehiyang maaaring magamit laban sa kaniya.Aaminin ko na napapagod na ako.Mahusay siyang gumamit ng balaraw at kung tutuusin mas magaling pa siya sa akin.Malakas siya at sa tingin ko'y tuso rin ang isang ito.Pero hindi ako maaaring panghinaan ng loob,kailangang magkaroon ng hustisya ang mga kaluluwang nilamon niya.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng magawi ang aking mga mata sa taong nakatayo malapit sa may kakahuyan.Biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko ng mapagtanto ko kung sino.
   
" Dawi! " nakangiti nitong tawag sa pangalan ko habang iwinawasiwas ang kaniyang kamay sa hangin.Nilukob ako ng kaba lalo na nang mahagilap ng aking mga mata ang kakaibang ngiti ni Gluto.Mabilis ang naging galaw ko patungo sa lugar ni Evan subalit bago pa man ako makalapit ay bigla ko na lamang naramdaman ang pagtama nang malakas na puwersa sa aking tiyan na siyang naging dahilan upang bumagsak ako sa lupa.Ramdam ko ang mainit na likidong lumabas sa aking bibig.Kahit nanghihina'y sinubukan ko pa ring tumayo upang iligtas si Evan.Baka kung anong gawin niya pa sa binata.

Nilukob ng galit ang aking dibdib nang sumalubong sa akin ang sitwasyon ni Evan habang sinasakal ni Gluto.Nangingitim na ang kaniyang mukha dahil sa kawalan ng hangin.Mabilis akong nilamon ng aking emosyon at walang pag-alinlangang inatake si Gluto.Dahil sa mabilis na pangyayari'y hindi man lang nito nagawang makaiwas sa aking pag-atake sapagkat abala ito sa pagkuha ng enerhiyang mayroon si Evan.

Nabitawan nito si Evan mula sa pagkakasakal.Agad ko itong nilapitan kung saan hinahabol ang kaniyang paghinga.Ikinumpas ko ang aking kamay kung saan unti-unti kaming binabalutin ng tubig na nagsilbing harang.Ito ang magiging pansamantalang kalasag namin laban sa kapangyarihan at mga atake ni Gluto.
   
" Evan ayos ka lang ba? " nag-aalala kong tanong sa lalaki.Kaagad kong inayos ko ang pagkakahiga nito.
  
" h-ha?ayos lang ako " aniya't pinipilit ang saeiling bumangon.
 
" dito ka lang " utos ko rito.Hindi na nito nagawang makapagsalita pa dahil lumabas na ako sa ginawa kong harang para sa kaniyang kaligtasan.

Kailangan ko nang tapusin ito.Maraming inosente ang nadamay at nakasisiguro akong dadami pa kapag hindi ko siya pigilan.Masama ang mga tinging ipinupukol sa akin ni Gluto.Tumayo ito mula sa kaniyang pagkakabagsak at mabilis akong sinugod.Sinugod ko na rin siya,mabilis kong naiwasan ang kaniyang atake gamit ang kaniyang balaraw at mabilis hinablot ko ang kaniyang kamay at buong lakas na inihagis sa lupa.Nanatili ako sa himpapawid at pinagmasdan ang pinagbagsakan ni Gluto na pinalilibutan ng mga makakapal na usok at alikabok.

Ang bilis ng mga galaw ni Gluto at bago pa man ako makagawa ng atake ay naunahan na ako nito,isang malakas na suntok at malakas na sipa ang natamo ko mula rito.Tumilapon ako sa lakas ng puwersang kaniyang pinakawalan.Mabilis ko namang ikinumpas ang aking kamay sa kaniya at mula roon ay mayroong nabuong malakas na puwersa.Agad ko itong pinakawalan sa direksyon niya subalit agad niya naman itong naiwasan.Wala akong nagawa kung hindi ang sugurin ulit siya.

Naging ganoon ang nangyayari,palitan ng mga malalakas at puwersadong atake sa isa't-isa.Walang talo o panalo sa aming dalawa.Pareho kaming dalawang duguan at naliligo sa mga putik at dugo.Sa kabilang banda'y kampante naman ako sa kalagayan ni Evan.Natigil ako sa aking iniisip ng mahagip ng dalawa kong mata ang kakaibang ritmong ginagawa ni Gluto.Ramdam ko ang paglakas ng enerhiyang bumabalot sa kaniyang katawan.

Kinakabahan ako.

Anong gagawin nya?.

Pinanood ko lamang ito mula sa aking kinatatayuan kung saan unti-unti itong nilalamon ng itim na usok.Dumilim ang paligid na dati'y makulimlim lamang.Lumakas ang paghampas ng hangin.Ramdam ko ang pagyanig ng lupa at ang paglalaro ng malakas niyang enerhiya sa paligid.Bago pa man ako makagalaw,naramdaman ko ang malapad at magaspang na palad nito sa aking mukha.Wala na akong nagawa hanggang sa malakas nitong ibinagsak ang aking mukha sa lupa.Tanging ang matigas na lupa at kung anu-ano pang mga bagay ang naramdaman kong lumapat sa aking mukha habang hindi makapaniwala sa hindi inaasahang atake.
   
" hahahahahaha! " narinig ko pang halakhak nito habang hindi pa rin ako nakakawala sa kaniyang palad.Mas nadagdag pa ang lakas nito kumpara kanina.

Tila isa akong kahoy at malaya niya akong naiiwasiwas sa kung saan-saang direksyon.Wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking mukha.Duguan na ako at marami na akong natamong sugat.Napatingin ako sa kaharap na nilalang,sa pagbabagong anyo nito ay mas lumakas pa ang kaniyang kapangyarihan.Nakakatakot ang anyo niya ngayon,pulang-pula ang kaniyang mga mata at may malalaking pangil sa ibabang bahagi ng kaniyang bunganga,lumubo na rin ang kaniyang tiyan.
  
" ano Dawi!?hahahaha mahina ka! " singhal nito at muli akong inihagis sa ere at malakas na sinipa.Tumalsik ako at bumagsak sa mga putikan.Pinilit kong tumayo subalit hindi ko na nagawa dahil sa sunod na sunod na pag-atake ni Gluto gamit ang kaniyang malakas na kapangyarihan.

Ramdam ko ang presensiya ni Gluto sa harapan ko subalit hindi ko magawang atakehin ito.Nanghihina na ako kaya wala na akong lakas pa.Hinawakan nito ang aking leeg at ibitin sa ere.
  
" hindi inaasahang ang pagtungo ko sa mundong ito ang siyang magiging dahilan upang masubukan kong lumamon ng isang Dyos mula sa Gitnang Kaharian! " puno ng kahambugan nitong bulalas bago nito. ibinuka nito ang kaniyang bibig at itinutok sa akin.Tila hinihigop nito ang aking enerhiya.
    
" Ahhhhh! " sigaw ko dahil marami na itong nakuhang enerhiya sa akin.

Halos bibigay na ako na pakawalan ang lahat ng enerhiya ko ng bigla itong matigilan sa kaniyang ginagawa.Namilog ang aking mga mata dahil sa pagkagulat nang bumungad sa aking harapan ang mukha ni Evan.Subalit hindi ito ang aking ikinagulat bagkus ang kakaibang pagbabago sa presensiya nito.Lumabas na ang totoo nitong anyo,ang kaniyang mga mata'y halos kasing itim ng gabing walang maaaninag na bituin sa kalangitan at mayroon ding lumabas na malaking sungay sa kaniyang noo.Lumantad rin ang kaniyang kamay na pinalilibutan ng itim na kapangyarihan.Bahagya itong malaki kumpara sa isa niyang kamay.
   
" Evan " mahina kong tawag sa pangalan nito.Tsaka ko palang napansin ang tunay na kaganapan,nakabaon ang kaniyang buong kamay sa dibdib ni Gluto habang nasa palad nito ang kulay itim na bagay na unti-unting nawawalan ng kakayahang tumibok.Binaling ko ang aking paningin sa kaharap,may mga itim na likidong lumalabas sa kaniyang bibig subalit hawak pa rin nito ang aking leeg.Hanggang sa lumipas ang ilang sandali at kapwa kaming natumba.

Nanatili ako sa ganoong posisyon habang sinasariwa ang kaninang kaganapan.Nakahiga habang nakatingin sa kalangitan kung saan patuloy ang pagbagsakan ng ulan.Marami akong bagay na iniisip ngayon.

Mahina na ako.

Totoo iyon.Kapansin-pansin ang pagkawala ng lakas ko kanina habang nakikipaglaban sa kay Gluto.Isang katotohanang mahirap tanggapin subalit sa ngayon ayoko munang isipin at pangunahan ang mga bagay-bagay.Gusto ko munang damahin ang mga malalamig na butil ng ulan na nagpapagaan sa aking pakiramdam.Unti-unti akong nilamon ng kadiliman hanggang sa tuluyan nang magsara ang mga talukap ng aking mga mata dahil naramdamang kapaguran.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon