Chapter 19

2.3K 106 0
                                    

New/Dawi POV

     Habol ang aking hininga habang inihahanda ang sarili sa susunod na pag-atake ni Ceruz.Marami na akong natamong sugat dahil mas malakas ito ngayon kumpara sa akin at sa kadahilanang hindi na ako sanay na makipaglaban.Ngayon naiintindihan ko na ang lahat.
   
" ano Dawi?pagod ka na ba?napakahina mo pa rin pala " nakangisi nitong sabi sa akin.Sa kabila ng mga natamong sugat nanatili akong alisto.Aaminin ko na nahihirapan na ako sa sitwasyon ko ngayon.May mga dugo nang nagsisilabasan sa kanang bahagi ng braso ko.
    
" anong kailangan mo Ceruz para tumigil ka na! " naiinis kong sigaw rito.
 
" naduduwag ka na ata Dawi " aniya at biglang naglaho sa kinatatayuan niya.Pumwesto ako at pinakiramdaman ang susunod niyang atake.Bago pa man ako makailag,naramdaman ko bigla ang malakas na pagtama nang malakas na bagay sa aking tiyan dahilan upang tumilapon ako at tumama sa malaking bato.

Hindi ako makagalaw.Naparalisa ang buo kong katawan.Napa-ubo na lamang ako sa sakit na bumalot sa katawan ko.Sinubukan kong bumangon subalit wala na akong lakas pang gawin iyon.Narinig ko ang mga yabag nitong papalapit sa akin kaya binilisan kong makatayo pero muli ako nitong sinipa at mariing tinapakan ang mukha ko.
  
" mahina ka pala " aniya.Bakit parang may mali?.Pakiramdam ko may hindi tama.

" mapapaslang na rin kita sa wakas " at biglan na lamang humalaklak kasabay ang pagbuo ng bolang apoy sa may bandang uluhan nito.Habang tumatagal,palaki nang palaki ito.Nakaramdam na ako nang takot.Magiging katapusan ko na ba?Hindi maaari.
    
" katapusan mo n--- " hindi niya na naituloy ang kaniyang sasabihin nang tumilapon ito mula sa kinatatayuan at bumagsak sa gitna ng batis.Saan nanggaling ang atakeng iyon?Dahan-dahan akong napalingon sa pinanggalingan nang atakeng iyon.
      
" paanong? " naisawika ko na lamang.Mabilis ako nitong nilapitan at inalalayang makatayo.Pinagmasdan ko lamang siya habang ginagawa niya iyon sa akin.
 
" ayos lang ba ang kalagayan mo? " nag-aalala nitong tanong sa akin,tanging pagtango lang ang naging tugon ko sa kaniya.Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon,pagtataka,pagkagulat at pangamba.
   
" dito ka lang muna at tatapusin ko ang sinimulan mong laban " seryoso nitong sabi at iniwan akong may pagtataka sa mukha.Imposible.Paanong naging dalawa ang Ceruz?Sino ang totoo?Sino huwad?.
  
" sino ka? " wala sa loob kong tanong rito.
    
" Ceruz " aniya.Ang boses na iyon.Hindi ako puwedeng magkamali.

Naramdaman ko ang pagyanig ng lupa.May kung anong bagay ang nasa ilalim nito na parang hinihigop ang enerhiya sa paligid.Hindi ko mapantayan ang lakas na tinataglay nito.Sinimulan akong balutin nang takot nang dumapo ang paningin ko sa lalaking kaharap.Inilabas nito ang kanyang sandata at naghahanda sa mga atake nang huwad na Ceruz.
   
Nawasak ang kalahating bahagi ng batis ng bigla na lamang nagkaroon nang malakas na pagsabog,mula roon ay lumitaw ang isang lalaking kamukha ni Ceruz.Nakatingin ito sa akin pero mabilis din namang binawi at inilipat sa kay Ceruz na nasa harapan ko.
  
" pakialamero ka talaga! " singhal nito at mabilis na sinugod si Ceruz.Agad na naglaho si Ceruz at lumitaw sa likurang bahagi ng huwad na kawangis niya.Ikinumpas nito ang kanyang sandatang pinalilibutan ng apoy at mabilis na isinaksak sa likod ng mapagpanggap.Sa pagkakataong ito,bumagsak ang lalaki sa lupa.Sugatan at naghihingalo.Linapitan ito ni Ceruz at itinutok ang matalim na bahagi ng kaniyang espada.
   
" ilantad mo ang iyong totoong anyo " utos nito.Unti-unting binalot ng itim na usok ang katawan ng lalaki at ilang saglit pa,ang anyo nito ay tuluyan nang lumantad.
    
" hindi pa tayo tapos! " singhal nito at agad na naglaho na parang bula.Sino ang nilalang na iyon?.At bakit ninakaw niya ang katauhan ni Ceruz upang patayin ako.Hindi ko kilala ang pagmumukhang iyon kaya palaisipan sa akin kung bakit niya gustong gawin iyon sa akin.

    Nilapitan ako ni Ceruz at ipinantay ang taas nito upang makausap ako.Binalot ako nang katahimikan.Hindi ko alam ang susunod kong gagawin.Magpapasalamat ba ako o makikipagtigasan.
  
" ayos ka lang? " nag-aalala nitong tanong habang sinusuri ang mga natamo kong sugat.
    
" tubig " nanghihina kong sabi rito habang nakatingin sa kaniyang mga mata.Hindi ko maiwasan e.Ganoon pa rin ang mga mata niyaang kaakit-akit at nakabibighani.

Nagulat ako ng bigla ako nitong binuhat at dahan-dahang inilubog sa tubig.Napa-pikit na lamang ako ng unti-unti akong nilamon ng tubig.May kakayahan akong pagalingin ang sarili sa pamamagitan ng tubig.Pinabibilis nito ang paghilom ng mga natamo kong sugat at ibalik sa dati ang nasirang katawan.At sa lahat ng mga Dyos,ako lang ang may kakayahang gawin ang bagay na iyon.
  
" sino ang nilalang na iyon? " tanong ko rito habang nakatingin sa malayo.Ayokong muling makita ang mga mata niya,natatakot ako na baka muli akong mahulog dito.
    
" si Nak,ang Dyos ng Pagnanakaw,sa Kaharian Ng Kailaliman siya nanatili kasama ang ilang Dyos na itinapon doon " sagot nito.Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon.Kung gayon,ano ang dahilan niya upang paslangin ako.At paano siya napadpad sa Gitnang Kaharian,Walang Dyos na mula sa Kaharian Ng Kailaliman ang maaaring umapak dito.

Tumayo na ako at nilapitan ang aking damit kanina.Bumalik na sa dati ang lakas ko kaya sa tingin ko kaya ko nang ipagtanggol ang aking sarili.Nanatili ang mga tubig sa katawan ko bilang bantay sakaling anuman ang mangyari.Nagsimula na akong magbihis samantalang nanatiling nakatingin sa akin si Ceruz.
  
" tumalikod ka nga " naiinis kong utos rito.
     
" nakita ko naman iyan kaya wala ka ng dapat ikagalit pa " biglang namula ang pisngi ko sa narinig.Naupo ito sa malapit na bato habang nakatingin pa rin sa akin.Hindi na lang ako nagsalita pa dahil unang-una totoo naman ang sinabi niya at pangalawa pareho naman kaming lalaki.
  
" kumusta ka na Dawi? " natigil ako sa aking ginagawa bago siya ng tiningnan.

Anong isasagot ko sa katanungan niyang iyon.Sasabihin ko bang ayos lang ako dahil ipinatapon niya ako sa mundo ng mga mortal o sasabihin kong hindi dahil hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na gagawin niya sa akin iyon.
   
" hindi ko na kailangan pang sagutin ang katanungan mong iyan lalo pa't simula't sapul alam mo na ang sagot ko " seryoso kong sabi sa kaniya.
 
" ginawa ko lang naman ang tama " mahina niyang tugon pero sapat na upang marinig ko.Nilapitan ko siya at tiningnan sa mga mata.
   
" Ceruz,hindi tama ang ginawa mo,hindi mo man lang pinakinggan ang saloobin ko dahil mas pinakinggan mo ang emosyon mo,kailan ka pa nagpapaalila sa emosyon Ceruz?alam kong pinakamamahal mo si Akke kaya ka nasaktan nang sobra pero tama bang tanggalan mo ako nang karapatang ipaglaban ang aking sarili? " puno ng hinanakit kong wika sa kaniya.May pait ang bawatsalitang binibitawan ko.Tama na rin iyon para malaman niya kung ano ang nararamdaman ko sa ginawa niya sa akin.Wala itong naging tugon,tanging nakatingin lang sa akin habang naglalaro ang hindi maipaliwanag na emosyon sa likod ng kaniyang mga mata,hindi ko na ito hinintay pang magsalita dahil tinalikuran ko na ito at nagsimulang maglakad palayo.
  
" naghahanda ako para sa kaarawan mo ng araw na iyon dahil gusto kitang masorpresa,subalit hindi ko inaasahang ako ang masosorpresa  " dagdag ko pa bago tuluyang maglaho sa lugar na iyon.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon