Chapter 37

1.7K 73 0
                                    

New/Dawi POV

      Mahigit tatlong oras ang biyahe bago kami bumaba sa destinasyon namin.Sinalubong kaagad ako nang malamig at preskong hangin pagkababa ko ng bus.Nakakagulat nga lang dahil hindi na ito katulad ng dati na konti pa lang ang mga kabahayan dito subalit ngayon may mga nagtataasang gusali na at halos hindi ko na mabilang ang mga bahay sa buong lalawigan,gayunpaman nanatili pa ring presko at malinis ang hangin dito kumpara doon sa siyudad.
   
" ano ang lugar na ito? " nagtatakang tanong ni Alexir sa akin.
      
" sa lugar na ito ako lumaki " tipid kong sagot at nagsimula nang bagtasin ang daan papunta sa bahay namin.Kahit papano hindi nila binago ang daan kaya confident ako sa sarili ko na hindi ako maliligaw.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad,tumigil kami sa tapat ng isang malaking lumang bahay.May kalayuan ito doon sa mismong sentro ng lugar kaya nanatiling tahimik dito.Kinuha ko ang susi sa aking bag na at binuksan ang kinakalawang na tarangkahan.Kasamang ibinigay ang susi ng bahay doon sa kahon na ibinigay sa akin ng apo ng may-ari ng apartment na tinutuluyan namin.Pumasok na kami sa loob at muling isinara.

Pagbukas ng pinto ng aming dating bahay,bumungad sa amin ang malawak subalit maruming sala.Kahit papano,nandito pa rin sa loob ang mga dati naming kagamitan.Sa kabila ng paglipas ng mahabang panahon,nanatiling  maayos pa rin ang mga ito.Ang piano na madalas tinutugtog ni Papa,ang mga upuang yari sa puno ng akasya na saksi sa mga araw na nakikipagharutan ako sa itinuring kong pamilya at iyong cupboard na pinaglalagyan ng mga mamahaling pinggan ni Mama.Sa ganoon akong katayuan ng hindi ko namalayan na may mga butil na pala ng luha ang sunod-sunod na nagsisibagsakan.
   
" umiiyak ka ba?? " puna ni Alexir.
 
" hindi tumatawa siya " pilosopong sabat ni Terra sa kasama.Pinunasan ko kaagad ito at hinarap sila bitbit ang isang matamis na ngiti.
    
" welcome sa bahay namin,ipagpaumanhin niyo kung medyo magulo at madumi " wika ko sa kanila.Tiningnan lang naman nila ako waring binabasa ang emosyong naglalaro sa aking mukha.
     
" ang ganda " wika ni Eiri.
 
" sandali lang at lilinisan ko muna " paalam ko sa kanila.Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin at unti-unti itong binalot ng mga tubig mula sa labas na naimbak doon.Sunod kong ginawa ay hinayaang lampasuhin nito ang maruruming bahagi ng bahay pati sa kasulok-sulukang parte nito.Pagkatapos ng ilang minuto,bumungad sa amin ang malinis na sala.
   
" ayan maaari na kayong magpahinga " sabi ko sa kanila.
     
" maaari mo na sigurong sabihin sa amin ang dahilan kung bakit tayo pumunta rito " pagbubukas nang usapan ni Terra.Hinarap ko sila na kasalukuyang nakaupo.
   
" nangangamba ako sa mangyayari kapag nanatili tayo roon,alam kong hindi pa tapos ang laban sa pagitan natin tsaka ni Polo,alam kong naghahanap lang sila ng pagkakataon upang muli tayong lusubin at sa pagkakataong iyon,marahil hindi na siya nag-iisa " salaysay ko.Tahimik lang naman nila akong pinakikinggan.
  
" at saka,maliban pa roon,alam kong guguluhin tayo ng mga mortal,kapag nalaman nila kung saan tayo nakatira " patuloy ko pa.
     
" tama siya " pagsang-ayon ni Eiri.Lahat naman kami ay napatingin sa gawi niya.
   
" ang ibig kong sabihin,isang napakapulidong desisyon ang ginawa mo sapagkat,maging ako'y nag-aalala rin sa maaaring mangyari kapag muling lumusob si Polo kasama ang kaniyang mga alagad,hindi para sa akin kung hindi para sa mga taong walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari " mahabang paliwanag ni Eiri.Walang ibang emosyong bumalot sa mga mata ko kung hindi ang kaligayahan dahil naiintindihan ako nito sa nais kong ipahiwatig.Ginagawa ko ito hindi para sa amin kung hindi para sa mga tao.Wala naman silang kasalanan para madamay sa digmaang ito.
   
" e walang TV dito " pagmamaktol ni Alexir habang nakabusangot.Ngayon ko lang napagtantong may pagkaisip bata pala itong si Alexir.Sa kabilang banda'y sinamaan lang ito ng tingin nina Terra at Ceruz.

Inilibot ko sila sa buong bahay bago namin mapagdesisyonang kumain.Bumili lang ako sa isang malapit na fast food chain ng aming makakain dahil wala akong panahong mag-grocery.Katulad pa rin ng dati,nagbalat-kayo lang ako upang hindi ako makilala ng mga tao at sa tingin ko naman hindi naman nila ako napansin.
   
" anong plano natin ngayon?? " basag sa katahimikan ni Ceruz.Kasalukuyan kaming naghahapunan sa mahabang mesa.Kanina pa ako nag-iisip ng aming gagawin dito habang naghahanda sa susunod na pag-atake ni Polo.
     
" siguro kailangan natin ng mahabang oras upang pag-aralan ang mga makakalaban natin,kailangan natin malaman ang kanilang kahinaan ng sa gayo'y hindi tayo mahihirapang talunin sila " turan ko.
  
" oo,kung ikukumpara si Polo sa ibang Dyos ng Kailaliman,nasa mababang uri lamang ito pero tingnan mo kung pano siya makipaglaban,isa laban sa tatlo ang nangyari subalit hindi pa rin natin siya napaslang,ang kailangan nating gawin sa ngayon ay ihanda ang ating kapangyarihan,hindi lang basta sapat na,kailangan mas higitin pa,gamitin natin ang oras na ito upang magsanay ng magsanay,at kailangan mas higitan pa natin ang ating limitasyon " seryosong wika ni Ceruz habang kami naman ay tahimik lang na nakikinig sa kaniya.

Bakit kahit ganiyan kaseryoso ang kaniyang mukha'y ang tikas niya pa rin sa aking paningin.Alam kong hindi ito ang oras para isingit ang pag-ibig na iyan,subalit hindi ko talaga maiwasang purihin ang kaniyang kakisigan.
   
" lahat naman tayo ay marunong gumamit ng sandata hindi ba?? " aniya.Tanging pagtango lang ang naging tugon naming lahat.
    
" iyon ang kailangan natin paglaanan ng oras dahil basi sa naging obserbasyon ko,mas angat ang paggamit natin ng kapangyarihan kaysa sa paggamit ng lakas,kaya dahil doon mas madali tayong nababawasan ng enerhiya sa ating katawan " patuloy nito.
    
" iyon rin ang napansin ko " pangsang-ayon naman ni Terra.

Pagkatapos ng aming hapunan at pagpupulong,nagpahinga na kami.Nagsipasok na ang tatlo sa kani-kanilang mga silid sa itaas samantalang ako naman ay nanatili rito sa verandah ng bahay.Nasa likurang bahagi ito kung saan tanaw na tanaw ang malapad na pastulan na pagmamay-ari nila Mama.Masukal na ito dahil ilang taon na ring walang nag-aalaga.Mabuti at hindi naisipang ibenta ni Mama ang kaniyang mga ari-arian at lahat ng ito ay ipinamana sa akin.Kung buhay lang sana si New.
   
" ang lalim na naman ng iniisip mo? " hindi ko na sinubukang lumingon pa dahil tinabihan na ako nito.
     
" anong nasa isip mo ngayon? " muli nitong tanong.Ano nga ba ngayon ang nasa isip ko?.Iyong digmaan ba?.Si Mama?.Hindi ko alam.Naghalo-halo na sila sa aking isipan at hindi ko na alam kung alin sa kanila ang iniisip ko.
  
" pwede bang ako muna ang isipin mo ngayon " mahinahon subalit puno ng emosyon nitong sabi sa akin na siyang ikinatingin ko sa kaniya.Nagkasalubong ang aming mga mata at pakiramdam ko malulunod ako rito kapag hindi ko pa ibaling sa iba ang aking paningin.Sa hindi na mabilang na pagkakataon,muli na namang nagkaroon ng hindi pangkaraniwang pagtibok dito sa dibdib ko.
   
" pwede ba kahit ngayon lang Dawi " hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang paningin sa akin.Para namang may sariling buhay ang aking ulo at napatango na lamang.Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng kaniyang labi sa aking noo,pababa sa dulong bahagi ng aking ilong at kasabay nang paglapat ng aming mga labi ang tuluyang pagsabog ng samu't-saring emosyon sa aking katawan.Hindi ko matukoy kung ano ang mga ito pero isang bagay lang sigurado ako,nagugustuhan ko ang bawat isa sa mga ito.Hindi ko alam kung ito ba ang una o pangalawa basta ang alam ko lang sa tuwing ginagawa niya ito,nagugustuhan ito ng aking sarili.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon