Chapter 38

1.6K 69 0
                                    

New/Dawi POV

    Kinabukasan,nagising ako na mayroong nakasabit na matamis na ngiti sa aking labi.Pumasok ako sa banyo at nagmumog.Paglabas ko ng aking silid,hindi pa rin nawala ang ngiti sa aking labi.Mukha na akong baliw sa nangyayari sa akin.Sa hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na maging masaya.

Sa aking pagbaba,may pagtataka akong sinalubong ni Alexir.Nakataas ang isang kilay nito habang puno nang katanungan ang kaniyang mga mata.
  
" anong klaseng tingin iyan Alexir? " tanong ko sa lalaki.
     
" wala,nanibago lang ako sa iyong ngiti " kumpisal nito.Ano naman ang mayroon sa ngiti ko?.
  
" bakit naman?? " may pagtataka kong tanong dito.Pero sa halip na sagutin ako,tinalikuran lang ako nito sabay kibit-balikat.Tingnan mo iyon,walang ugali.Hinayaan ko na lamang siya at dumiretso sa may kusina kung saan nadatnan kong abala si Eiri sa paghahanda ng aming makakain.
   
" magandang umaga Dawi " bati nito sa akin.Napatingin ako sa mga prutas na nakalagay sa buslo.Saan naman sila kumuha ng ganito?.
   
" ano iyan?? " turo ko sa mga buslong punong-puno ng iba't-ibang klase ng prutas.
    
" ahhh pinamitas iyan ni Ceruz kanina habang natutulog ka pa " nakangiti nitong paliwanag.
  
" nasaan siya? " tanong ko rito.
        
" naroon sa labas kasama ni Terra,nagpapapawis " aniya.Nagpaalam na ako sa kaniya at tinungo ang labas ng bahay.Dumiretso ako sa likurang bahagi kung saan nadatnan ko si Ceruz na walang damit pang-itaas habang buhat-buhat ang malaking bato.Naliligo na ito sa sariling pawis pero patuloy pa rin ito sa ginagawa samantalang si Terra naman ay nag-eensayo ng kaniyang sandata.Pinagmasdan ko lang sila sa kanilang ginagawa.Halatang pursigido silang higitan ang kanilang limitasyon.Siguro bukas na lamang ako.Tinatamad ako ngayon.

Bumalik na lang muli ako sa loob ng bahay.Nahagip ng mga mata ko si Alexir na nakatunganga lang habang nakatingin sa kisame.Nababagot na ang isang ito.Wala kasing mapagkakaabalahan dahil walang TV dito.Nilapitan ko ito at tinabihan.
   
" tumayo ka diyan " utos ko rito.Tinapunan lang ako nito ng tingin subalit agad din namang binawi.Palihim kong ikinumpas ang aking daliri roon sa naipong tubig sa baso at mabilis ko itong ihinagis sa kaniya dahilan upang tumama ito sa kaniyang pisngi.Napahalakhak na lamang ako dahil sa pagkagulat niya.Halos hindi ko maipinta ang kaniyang wangis.
  
" whahahahaha!!!! " napuno nang halakhak ang buong sala samantalang masamang tingin naman ang ipinukol sa akin ni Alexir.
    
" halika na " anyaya ko sa kaniya at nauna ng lumabas.Napansin kong hindi pa rin ito tumatayo kaya tinakot ko na lang ulit.Wala naman itong nagawa pa at sumunod na lang sa akin.

Pumunta kami sa malapit na grocery store at namili ng aming maku-konsumong pagkain sa ilang araw na pananatili namin dito.At sa tingin ko naman tama ang naging desisyon kong isama si Alexir dahil kitang-kita sa mga mata nito ang kinang dahil sa kaniyang mga nakikita.Lahat na lang ng bagay na bago sa kaniyang paningin ay tinatanong niya sa akin,hindi ko naman ipinagkait sa kaniya na malaman ang mga iyon.

Pauwi na kami ngayon bitbit ang mga supot na naglalaman ng pinamili naming pagkain nang madaanan namin ang isang cotton candy vendor.Walang anu-ano'y agad itong nilapitan ni Alexir at puno nang pagkamanghang pinanood ang ginagawa ng lalaki habang gumagawa ng cotton candy.Pinagmasdan ko lang naman siya.
  
" bibili ka sir? " tanong ng lalaki sa kay Alexir.Kumunot lang ang noo nito dahil hindi niya masyadong maintindihan ang sinabi nito.
     
" sige Kuya " ako na lang ang sumagot dito at kaagad itong binayaran.Kaagad naman nitong ibinigay ang isang cotton candy.Iyong kulay bughaw.
   
" kainin mo na " utos ko rito.Tiningnan muna ako nito na may pag-aalinlangan at muling itinuon ang atensyon sa hawak nitong pagkain.
    
" sigurado ka?? "
  
" oo " tipid kong sagot sa kaniya.Naalala ko noong bata pa ako na itong cotton candy ang nagpapasaya sa araw ko tuwing recess.Wala akong masyadong kaibigan noon kaya ito iyong naging kasangga ko.
     
" hindi ba ako mamamatay nito? " paninigurado niya.Hay ang sarap sapakin ng lalaking ito.
 
" bahala ka nga diyan " may bahid na inis kong tugon sa kaniya at nagsimula nang maglakad.Naramdaman ko naman na sumusunod ito sa akin.

Malapit na kami sa bahay ng mapansin ko ang biglang pagbabago ng panahon.Mukhang uulan pa ata.Binilisan na lang namin ang aming paglalakad para hindi kami maabutan nito.Oo nga pala,hindi nasarapan si Alexir sa cotton candy kasi sobrang tamis daw nito at ang sakit sa lalamunan.Nakalimutan kong hindi pala siya mahilig sa matatamis.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob mismo ng bahay,sinalubong kaagad ako ni Ceruz,magkasalubong ang mga kilay nito't bakas sa mukha ang pagkainis.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya.Nakapagpalit na ito ng damit at sa tingin ko'y kanina pa kami nitong hinihintay.
  
" saan kayo galing? " walang emosyong tanong nito subalit mababakas ang awtoridad.
     
" pumunta kami doon sa... " hindi na naituloy ni Alexir ang sasabihin ng biglang magsalita si Ceruz.
   
" hindi ikaw ang kinakausap ko " hindi ko alam kong tama ba iyong naririnig ko na may bahid ng pagkainis ang himig niya ngayon habang kausap kami.Wala namang nagawa si Alexir at lumayo na lamang sa amin.Napansin ko ring wala ang dalawa rito sa sala.
  
" nasaan sila? " tanong ko rito pero sa halip na sagutin ako ay bigla ako nitong tinalikuran.Problema niyon?.
     
" Ceruz! " tawag ko rito bago siya sinundan.
   
" sa susunod huwag kang aalis ng hindi nagpapaalam " may mga diin sa bawat bigkas niya ng mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig.Bumili lang naman kami ng aming makakain ah!Kung makaasta naman ito parang hindi na ako babalik pa tsaka kasama ko naman si Alexir.
      
" galit ka ba? " mahinahon pa rin ang boses ko.Ayoko kasing sabayan ang galit o pagkainis niya dahil alam ko sa sarili ko na walang magiging magandang resulta kapag nangyari iyon.Lumapit ito sa akin.Nagbago na ang kaninang walang emosyon niyang mukha,ito'y napalitan ng pag-aalala.Parang may humaplos naman sa puso ko sa nasaksihan.
   
" hindi ako galit,kailanma'y hindi ako magagalit sa iyo,nag-aalala lang ako " nanginit ang aking pisngi sa narinig mula sa kaniya at katulad nga kagabi,nagsimula na namang magkaroon ng hindi maunawaang pagkilos dito sa dibdib ko.Siya lang talaga ang nag-iisang nakakagawa sa akin nito.Dahan-dahan itong lumapit sa akin at ilang sandali pa'y naikulong niya na ako sa kaniyang mga matitipunong bisig.
   
" huwag mo ng uulitin iyon " aniya.Sounds childish pero tatanggapin ko iyon.
     
" opo " pagsang-ayon ko rito.Kung puwede nga lang manatili kaming ganito ng panghabang-buhay gagawin ko iyon at hinding-hindi ko iyon pagsisisihan lalo na kapag siya ang kasama ko.Ang sarap lang sa pakiramdam na kayakap mo ang mahal mo.
    
" hindi ka pa naligo " aniya.Natauhan ako sa kaniyang sinabi.Walang anu-ano'y kumaripas ako nang takbo papunta sa silid ko upang maligo.Nakakahiya iyon.Ang bantot ko na tapos yinakap niya pa ako.

Pumasok na ako sa sariling banyo ng silid ko at naligo na.Binabad ko muna ang aking sarili habang patuloy ang pagbagsakan ng mga butil ng tubig sa hubad kong katawan.Sa tuwing nag-iisa ako,maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isipan.Kahit anong waglit ko,patuloy pa rin sila sa paglalaro.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon