Chapter 49

1.1K 52 12
                                    

Dawi POV

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga nang malasap ang tunay na kaginhawaan.Kalmado na ang aking pag-iisip at sa tingin ko'y handa na ang aking katawan para sumabak sa tunay na laban.Pinapangako ko sayo Evan,hindi ka aabutan ng dilim sa katawang iyan.

Ibinaba ko ang aking mga kamay bago gumawi ang paningin sa kinaroroonan nito.Hindi ko na lubos makilala si Evan dahil sa sobrang laki nang pagbabago ng kaniyang anyo.Nilamon na ng itim na kapangyarihan ang kalahating bahagi ng kaniyang katawan at kapag ito'y patuloy na lumaganap sanhi ng pagpapairal ng poot sa kaniyang puso,mahihirapan akong tulungan siya.

Pinulot ko ang aking sandatang nakakalat sa putikan at mabilis ko itong iwinasiwas sa hangin.Umatras ang aking kaliwang paa at inihanda ang sarili sa gagawing pagsugod.Ngayong nakapag-ipon na ako ng sapat na lakas,sisiguraduhin kong hindi na ito masasayang pa.Nang maramdamang nasa sirkulasyon na ang aking enerhiya,hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at kisap-matang naglaho mula sa aking kinatatayuan.

Dahil sa sobrang bilis ng pangyayari,hindi man lang nakapaghanda si Evan at wala itong nagawa kung hindi ang tanggapin ang pinakawalan kong atake.Tumilapon ito sa malawak na kapatagan at nagpagulong-gulong na parang bola.Hindi pa ako nakuntento at patuloy itong pinaulanan ng aking kapangyarihan.Nabalot ng usok at alikabok ang buong paligid.Nakaramdam ako ng kaonting hapo kaya bahagya akong napahinto sa ginagawa.Kapag ipinagpatuloy ko ang ganitong laban,magmumukha itong isang palabas.Ang aking plano sana ay dapat mapabagsak ko si Evan subalit sa kasong ito paniguradong mahihirapan ako.Hindi ko alam kung hanggang saan o kailan ang limitasyon ng kapangyarihan ni Evan kaya sa tingin ko'y pagpapawisan ako nito ng dugo.

Ilang sandali lang ang lumipas ay tuluyan nang naglaho ang mga usok at alikabok.Tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Evan.Mabilis na may namuong enerhiya sa mga kamay nito at agad itong pinakawalan patungo sa aking direksyon.Bago pa man ito makarating sa aking kinaroroonan ay kaagad ko itong kinontra gamit ang aking kapangyarihan.Sinangga ko ito sa pamamagitan ng pagmanipula sa tubig na siyang aking pinangangalagaan na nagmistulang isang malaking pader na siyang humaharang sa mga atake nito.

Naging mabilis at sunod-sunod ang naging pagpakawala ni Evan ng kaniyang kapangyarihan subalit wala itong naging epekto sa akin.Ikinumpas ko ang aking mga kamay sa hangin at biglang nahati sa dalawa ang nasabing pader,dahan-dahan kong itiniklop ang aking mga daliri at bumagsak ang tubig sa kinaroroonan nito at halos malunod siya rito.Nanatili lamang akong nakatayo habang ginagawa ang planong nasa aking isipan.Pinaglaruan ko ang aking isang daliri sa hangin habang ito'y nakatutok sa gawing harap.At sa bawat pagkumpas nito ay ang siyang unti-unting pagporma o pagkaroon ng hugis ng tubig kung saan pinalilibutan si Evan.Maingat at dahan-dahan itong umangat mula sa lupa at mula rito sa aking puwesto,kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagsakop ng tubig sa bawat espasyo nito.Kitang-kita ng dalawa kong mga mata ang pagpupumilit ni Evan na gamitin ang kaniyang kapangyarihan laban sa aking kapangyarihan subalit sa bandang huli'y ako pa rin ang nanaig.

Lumapit ako rito at hinayaang lamunin din ako ng tubig.Kaharap ko na ngayon si Evan.Hindi ito makagalaw dahil sa mga enerhiyang bumabalot sa kaniyang katawan.Ngayon mayroon na akong pagkakataong lapitan ito.Nasa loob kami ng aking kapangyarihan.Lumapit ako rito at maiging pinagmasdan ang mukha ni Evan.Sa kabila ng kaniyang bagong anyo,naroroon pa rin iyong kaniyang magandang mga mata.Maingat kong hinaplos ang kaniyang pisngi pababa sa kaniyang labi.

Ito lang ang nakikita kong paraan upang makawala siya sa kapangyarihan ni Cruna.Subalit natatakot ako para sa kaniya.Dahil kung sakaling maging matagumpay ang gagawin kong ito,tuluyan ng magbabago ang kaniyang buhay.Makakalimutan niya ang poot na nararamdaman niya para sa kaniyang pamilya,sa kaniyang sarili at sa mundo.At siguradong makakawala na siya sa kapangyarihan ni Cruna.Ang kapalit,makakalimutan niya kung paano magmahal at makaramdam ng kahit anong emosyon.Mahirap para sa kalagayan niya at maging sa akin lalo pa't ito ang pinakamahalagang bagay na dapat maramdaman ng isang nilalang.Dyos ako pero sa kalagayan ni Evan tanging ibang antas ng Dyos lamang ang makapagpapabalik sa kaniya.Sana mapatawad mo ako Evan sa aking gagawin.

When A God Fall Inlove ( Editing )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon