Prolouge

5.9K 101 6
                                    

P R O L O U G E.......

"BESSSSSSSS!!!"

Tawag sa kanya ni Dian, ang bestfriend niya simula grade 7 siya.

"Dian!"

Tawag din niya dito at lumapit ito sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Haymishu, besss!"

"D-dian, h-hindi ako m-makahinga"

Natawa naman ito saka siya binitawan.

"Ooopss sorry, namiss lang kita ng sobra"

"Namiss din kita"

"Tara! Upo tayo doon. Mamaya pa naman sasabihin kung ano 'yong section natin. Sana kaklase kita, bes! At wow ha! Nakabangs ka na ngayon"

Natawa na lang siya saka sila naglakad papunta sa upuan at tumayo lang sila noong flag ceremony na.

After naman ng flag ceremony ay sasabihin na sa kanila kung ano ang section nila.

"Bes, kinakabahan na ako!"

"Ako din naman eh"

Hinawakan siya nito sa braso at natawa naman siya dahil ang lamig ng kamay nito.

"Okay grade nine, ang mga apelyido na aking babanggitin ay mapupunta sa Grade nine Merciful"

"Bes, ayoko d'yan mataray 'yong teacher"

Napailing-iling na lang siya sa sinabi ni Dian saka natawa.

Ayoko din naman d'yan!

Tinawag na ang mga apelyido at nakahinga naman sila ng maluwag ni Dian nang hindi sila natawag.

"Hooo! Bes, buti na lang talaga! Ayoko talaga doon"

"Ako din naman"

"Okay, next naman ay sa Grade nine Forgiving"

"Bes, gusto ko d'yan! Ang gwapo ni sir Ben"

Pinagkukurot pa sya nito sa braso at napadaing naman siya dahil medyo masakit iyon.

"Aray masakit!"

Daing niya at nagpeace sign naman ito sa kanya habang nakangiti. Natawag na lahat pero sila ni Dian ay hindi pa kaya napangiti siya.

Hindi naman sa ayaw niya sa section na iyon o kay sir Ben, talagang hindi lang niya nararamdaman na iyon ang section na para sa kanya.

"Ano ba 'yan?! Ang swerte naman nila, doon sila napunta kay sir Ben. Ang bango-bango kasi talaga niya!"

"Next ay Grade nine Faithful...."

"Ay bes, ayoko d'yan pero parang gusto ko na rin kasi ang bait ni ma'am"

Tinawag na ang para sa Grade nine Faithful at hindi parin sila natawag kaya naman nangangahulugan iyon na Grade nine Pious ang section nila ni Dian.

"Bes! Classmates tayo!"

"Buti na lang"

Nag-apir pa sila at nagsigawan naman ang iba nilang bagong kaklase dahil rin sa tuwa.

'Girl! Classmate natin si Brent!'

'Akin lang siya!'

'Sana seatmate tayo!'

'Sana maging tayo!'

Napailing iling na lang siya dahil sa mga naririnig sa paligid. Kilala niya si Brent pero dahil famous ito ay hindi nagkukrus ang landas nila. Lowkey lang naman kasi siya pati na rin si Dian.

Hindi maitatanggi na may hitsura ito kaya naman halos lahat ng babae ay nagkakagusto dito ngunit hindi siya attracted dito dahil meron na syang Gino.

Ito ang crush niya since grade six at masaklap lang ay hindi siya nito napapansin pero ayos lang. Masaya siyang maging crush lang ito.

"Bes! Tara na! Excited na ako sa magiging journey natin this year!"

Natutuwang sabi ni Dian na halatang excited na excited kaya pati siya ay napangiti na rin.

"Ako din, excited na ako sa mga mangyayari kaya tara na!"

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

I Hate You Moody Monster(Completed)Where stories live. Discover now