Chapter 58

225 14 0
                                    

C H A P T E R  58........

"Hindi ka pa ba matutulog, Mika?"

Napatingin siya sa pinto ng kwarto niya at nakita niya doon ang mommy niya.

Napatingin din siya sa orasan na nasa dingding ng kwarto niya at nakita niyang alas-diyes na pala ng gabi. Muli siyang tumingin sa mommy niya saka ngumiti dito.

"Tatapusin ko na lang po ito"

"Sige, matulog ka na agad pagkatapos n'yan ha? May pasok ka pa bukas"

"Opo"

Nakangiting sagot niya dito at akmang aalis na ito nang muli siya nitong tanungin.

"Gusto mo bang ipagtimpla kita ng gatas?"

"Mommy naman, hindi na po ako bata"

Natatawang sabi niya dito at natawa rin naman ito.

"Bakit ba? Hindi lang naman para sa mga bata ang gatas ah? Tsaka para sa'kin naman ay bata ka pa rin"

"Okay po pero ako na lang po ang magtitimpla mamaya 'pag baba ko sa kusina"

"Sige, good night"

Nginitian niya ito at binati rin pabalik ng 'good night' saka ito tuluyan ng umalis sa kwarto niya para matulog na.

Ibinalik naman niya ang atensyon sa ginagawang project na business letter para sa english subject nila.

By group iyon ngunit siya ang napiling leader ng mga kagrupo niya kaya naman kailangan niyang tapusin ang letter na sinusulat sa manila paper ngayon dahil babasahin daw iyon sa harap ng klase. 

Nagawa naman na ng mga kagrupo niya ang parte ng mga ito na ibinahagi niya sa mga ito para madali silang matapos kaya naman heto siya ngayon at ginagawa naman ang parte niya.

Bukas na kasi pati ang pasahan niyon kaya kailangan niyang gawain ngayong gabi.

Kahit na first subject pa sa hapon ang english time nila ay gusto na niya iyong gawain dahil alam niyang pagdating na naman sa school ay matatambakan na naman siya ng mga panibagong gawain.

Nagtagal lang siya sa pagpili ng mga salitang gagamitin at sa kung paano ipapaliwanag ang ilang malalalim na salitang makikita sa business letter nila.

Isinulat muna niya iyon sa manila paper gamit ang lapis at aagahan na lang siguro niya ang pasok bukas sa school para maitanong kina Lei at Preshie kung tama ba ang kanyang ginawa.

Para kung sakali man na may mali siyang nagawa ay pwede pa niyang baguhin dahil nakalapis pa lang naman iyon.

Nang matapos siya sa ginagawa ay agad niyang niligpit ang kama niyang ngayon ay napuno na ng mga papel dahil sa ginawa niyang scratch.

Kinabukasan naman pagkagising niya ay talagang medyo inaantok pa siyang kumilos at ginawa ang mga ritwal niya tuwing umaga.

"Mommy, aalis na po ako"

Pagpapaalam niya sa mommy niya matapos niyang kuhanin ang bag niya sa sofa. Katatapos lang niyang kumain ng umagahan ngayon.

Mabilis lang ang mga naging kilos niya kahit tinatamad siyang kumilos para hindi siya tanghaliin at para din hindi na mag-intay pa ng matagal ang service niya sa kanya.

"Sige, baka may nakalimutan ka ha?"

"Wala po, mommy. Sige po, aalis na po ako"

"Ingat ka!"

Matapos magpaalam dito ay agad na siyang lumabas ng bahay. Kaunting minuto pa siyang nag-intay ng service niya bago ito tuluyang dumating.

Maaga siyang nakarating sa school na siyang ipinagpasalamat niya. Dumaan muna siya sa simbahan kagaya ng kanyang nakagawian bago tuluyang pumasok sa loob ng school.

I Hate You Moody Monster(Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang