Chapter 26

280 19 0
                                    

C H A P T E R 26.......

"Ikaw, Mika ha?"

"Anong ginawa ko?"

Tanong niya kay Jen dahil kanina pa siya nito inaasar sa hindi naman niya malamang dahilan. Katatapos lang ng isa nilang klase at ngayon ay vacant time nila.

"Nakita ko 'yong isang post ni Gino sa Instagram!"

"Ano bang pinost niya?"

"Basta tingnan mo na lang mamaya pagka-uwi mo sa bahay niyo"

Ngumiti pa ito sa kanya bago umalis at naiwan naman siyang nakakunot ang noo.

Hindi naman niya alam kung ano ba ang ipinost ni Gino dahil hindi pa niya ulit nabubuksan ang instagram account niya.

"Ano kayang gagawin mamaya sa TGFS?"

Tanong sa kanya ni Kristen at kumibit balikat naman siya. Ito ang kausap niya ngayon pati si Preshie.

Wala kasi sa pwesto nila si Brent dahil nasa pwesto ito nina Yakisu at nakikipagkwentuhan.

"Mika, uuwi muna ako sa bahay ngayon kaya hindi ako makakasabay sa'yo. May bisita kasi kami"

Sabi sa kanya ni Dian at tumango-tango naman siya. Lunch time na ngayon at nasa classroom pa sila ni Dian dahil inaayos pa nila ang gamit nila.

"Maghahalf day ka ba?"

"Hindi, uuwi lang ako pero babalik ako mamaya bago magtime"

"Sige"

Tumango ito saka nauna ng umalis. Siya naman ay bumili na lang ng pagkain sa canteen. Nang matapos siyang kumain ay nagpunta na lang siya muli sa classroom.

Wala pang ibang tao doon dahil maaga pa naman. Naupo siya sa upuan niya at nagsulat na lang ng mga notes niya sa math notebook.

"Mika, alam mo ba kung nasaan 'yong bola ni Brent?"

Tanong sa kanya ni Kien nang makapasok ito sa classroom kasama si Amel.

"Nanghiram ba kayo kay Brent?"

"Oo, nagsabi na kami kanina"

Tumango naman siya saka itinuro ang bag ni Brent. Nandoon kasi nakalagay ang bola nito at kinuha naman iyon ni Kien saka inihagis kay Amel.

"Saan tayo maglalaro?"

Tanong ni Kien kay Amel at sa huli ay sa loob na nga ng classroom naglaro ang dalawa. Bumalik na lang siya muli sa ginagawa at hindi na pinansin pa ang dalawa.

Kung saan-saan tumatama ang bola ngunit pina-alalahanan naman niya ang dalawa na 'wag siyang tamaan dahil tatamaan din ang dalawa sa kanya.

"Baka naman matamaan niyo 'yong ilaw!"

Paalala niya sa dalawa at umiling naman si Kien saka itinuloy ang paglalaro.

Tumayo siya para sana pumunta ng library nang bigla na lang matamaan ng dalawa ang ilaw at bumagsak iyon ilang dangkal lang ang layo mula sa kanya. Natigilan siya at gulat na napatingin sa basag na ilaw sa sahig.

"Mika, okay ka lang?"

Tarantang tanong sa kanya ni Amel at umiling naman siya. Unti-unti pa lang na nagsisink in sa utak niya ang mga nangyari.

Muntikan na ako doon! Kaunti na lang!

Hindi niya alam kung anong gagawin at nang mahimasmasan siya ay agad niyang pinandilatan ang dalawa.

"Sinabi ng mag-ingat kayo! Muntik na akong tamaan doon!"

Hindi niya mapigilan ang mapagtaasan ng boses ang dalawa dahil natakot talaga siya.

I Hate You Moody Monster(Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant