Chapter 25

340 17 0
                                    

C H A P T E R  25..........

"Recollection niyo na bukas?"

Tanong niya kay Gino dahil nakita niya ang isang tweet ng bestfriend nito na si Aundrei sa twitter. Ang nakalagay doon ay 'Recollection day tomorrow!'

Magkasama sila ngayon ni Gino sa bahay nila dahil umalis ang mommy at daddy niya kasama ang dalawa niyang kapatid. Nagpunta ang mga ito sa Pangasinan ngayon upang bisitahin ang pamilya ng tita niya.

Iwan na naman ako...pero okay lang, kasama ko naman si Gino!

Wala namang siyang pasok ngayon dahil sabado. Nagulat na nga lang siya nang dumating si Gino sa bahay at gustong makipaglaro.

Natawa na lang siya sa sinabi nito dahil para itong bata kung umakto.

Cute naman!

"Oo, tinatamad nga akong sumama"

"Ang saya kaya ng recollection! Saan ba 'yong inyo?"

Tanong niya dito at sumandal naman ito sa sofa na kinauupuan saka kumibit balikat.

"Ewan ko pero parang sa Baguio pa rin ata"

"Wow, ienjoy mo 'yon! 'Wag na 'wag mo pating kakalimutan ang pasalubong ko!"

Natawa naman ito saka siya inakbayan at ginulo ang buhok niya. Naalala niya tuloy bigla si Brent dahil gawain nito iyon sa kanya.

"Oo naman! Ikaw pa ba?"

"Lagi mo kayang kinakalimutan!"

Nagtatampong usal niya dito at ngumuso naman ito sa kanya saka pinindot ang ilong niya.

"Hindi ko na kakalimutan ngayon"

"Kapag 'yan ay nakalimutan mo na naman, hindi na talaga kita papansinin!"

Para namang kaya kong gawin 'yon...

"Hindi ko na pala talaga kakalimutan"

Natawa naman siya saka tumingin sa mga nagkalat at gupit-gupit na magazines sa mesang kaharap nila dahil pinaglaruan nila iyon kanina ni Gino.

Ginupit nila ang maliliit na tao at ginamit nila ang doll house niya noong bata pa lang siya para maging bahay ng maliliit na tao na ginupit nila mula sa magazines.

"Ang kalat mo naman!"

Natawa ito saka kinuha ang isang babaeng tao na ginupit nito at itinapat sa mukha nito.

"Makalat daw ako? Totoo ba 'yon? Gwapo lang naman ako diba?"

Tanong nito sa hawak na papel na tao at ito rin ang gumalaw doon para magmukhang tumatango ito. Kinuha din niya ang papel na lalake na ginupit niya kanina saka kinausap din niya katulad ng ginawa nito.

"Gwapo ba si Gino?"

Tanong niya sa papel na tap at siya na rin ang gumalaw dito para magmukhang umiiling ito.

"Ang sinungaling naman n'yang alaga mo, Miky!"

"Mas lalo naman 'yang sa'yo!"

Kinuha nito sa kanya ang hawak niya saka iyon pinunit.

"Ayan, wala na siya!"

"Bakit mo naman pinunit?!"

"Kasi sinungaling siya!"

Kinuha din niya ang hawak nito saka iyon pinunit din kagaya ng ginawa nito kanina sa hawak niya.

"Gaya-gaya ka talaga!"

I Hate You Moody Monster(Completed)Where stories live. Discover now