Chapter 10

426 18 0
                                    

C H A P T E R  10......

Mahigit dalawang linggo na rin ang lumipas mula ng maglipatan sila ng upuan.

Nagmukha ring si Brent lang ang katabi niya dahil ang hanay nina Zyrina, Kristen at Gela ay palaging nakadikit sa tabi ng bintana.

Lagi ring magulo ang column nila pero doon sila masaya. Medyo kaclose na din naman niya ang mga nakapalibot sa kanya.

Si Brent naman ay nakakausap na din niya ngunit minsan talaga ay hindi nila maiwasan ang hindi magbangayan.

Nakakainis kasi! Simpleng bagay, pinapalaki!

"Babe, gusto mo?"

Tanong sa kanya ni Brent saka iniaro sa kanya ang stick-o na hawak nito. Hindi na niya ito pinakielaman sa pagtawag nito sa kanya ng 'babe' dahil hindi rin naman ito tumitigil.

Recess time nila ngayon pero wala siyang balak magrecess dahil kailangan niyang tapusin ang seatwork niya sa math.

"Ayoko"

"Ang sungit mo naman ngayon, anong meron?"

"Nandyan ka kasi"

Narinig lang niya ang mahina nitong pagtawa. Napatingin siya dito at nakita niyang ubos na ang stick-o nito kaya naman nagbubukas naman ito ng candy.

"Okay lang naman na sabihin mo sa'kin na gusto mo akong makita lagi. 'Di mo na kailangan itago pa 'yon dahil magkatabi naman tayo kaya—"

Agad niya itong siniko at napatawa lang ito.

"Apir?"

Tamad na nakipag-apir siya dito at nang maghiwalay ang mga palad nila ay nasa palad na niya ang balat ng kinain nitong candy. Tiningnan niya ito ng masama ngunit ngumiti lang ito sa kanya.

"Kamusta nga pala 'yong crush mo?"

Tanong nito sa kanya at kunot noo naman siyang napatingin dito.

"Anong crush?"

"Babe, nag-seselos ako—"

Tinampal niya ito sa braso at natawa na naman ito.

"Ano nga kasing crush?!"

"Iyong lalakeng taga St. Fronce. Si ano...ano nga ang pangalan non? Si Gino ba 'yon? Ah oo, si Gino nga!"

Sigaw pa nito at tinakpan niya ang bibig nito dahil sa sobrang lakas nito makasigaw.

Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol kay Gino dahil hindi naman niya iyon naikwento dito at lalong wala siyang balak na magkwento dito.

"Paano mo nalaman 'yon?"

"Nakita ko sa likod ng notebook mo—"

Hindi na niya napigilan ang hampasan ito sa braso ng math notebook niya.

"Bakit ka nangingielam ng gamit ng may gamit?!

Gigil na tanong niya dito at kinuha naman nito sa kanya ang math notebook niya para hindi na niya ito mahampas.

"Bakit ka ba nanghahampas? Nakakarami ka na ah!"

"Ikaw kasi!"

"Anong ako?!"

Napatigil sila ng makita si Sir Ben na nasa harapan na pala nila. Tapos na pala ang recess time at hindi man lang niya narinig ang bell.

"Good morning sa inyong dalawa"

Agad silang tumayo ni Brent saka sabay na bumati dito.

"Good morning, sir!"

"G-good morning, sir"

I Hate You Moody Monster(Completed)Where stories live. Discover now