Chapter 12

362 19 0
                                    

C H A P T E R  12.........

Mag-iisang buwan na ang second grading nila dahil patapos na ang buwan ng August. Ganoon parin naman ang mga katabi niya kaya lang ay mas komportable na siya dahil magkakasundo na silang lahat.

Mas napalapit siya sa mga ito lalo na kay Brent. Lagi silang magkakwentuhan tuwing nasa good mood ito. Lagi siya nitong kinukulit ngunit kapag siya na ang mangungulit dito ay bad mood na ito.

Nasanay na siya sa mood nitong papalit-palit. Naalala pa nga niya nang magsimula na rin itong tumahimik at dahil doon ay mas mabilis na itong nakakatapos ng gawain.

Tahimik lang na nagrereview ang lahat dahil may quiz sila sa math at paniguradong sobrang hirap non. Ang tahimik ng buong classroom nang biglang...

"Happy Birthday, Ashlley! Happy Birthday! Happy Birthday!"

Bungad ni Jankin nang makapasok ito sa classroom habang kumakanta ng 'Happy Birthday' song kay Ashlley.

Kaagad namang nagreklamo ang buong klase dahil sa ingay nito. Tiyak na hindi na naman nito alam na may quiz sila sa math.

"Jankin!"

Saway ni Dhaine dahil sa kaingayan ni Jankin.

"Binabati ko lang si Ashlley!"

"Mamaya mo na siya batiin kapag natapos na ang quiz natin sa math!"

"May quiz?!"

Dali-daling kumuha ng reviewer si Jankin at natahimik muli ang buong classroom. Nang dumating na si Sir Ben ay kinabahan na silang lahat.

"One seat apart"

Agad nilang inayos ang upuan nila at nang magsimula na ang quiz ay nadalian lang naman siya. Nakahinga saya ng maluwag nang matapos na talaga iyon at umugong na naman ang ingay sa buong klase.

'Ang hirap naman non!'

'Tama 'diba? Six x squared ang sagot sa number five?'

'Talaga? Mali pala ang akin!'

'Paano nangyari 'yon?'

'Hindi ko nareview ang test B'

'Bagsak!'

Napatingin naman siya sa katabi niya na mukhang bad mood. Kanina pa niya napapansin na tahimik ito.

Akala niya ay dahil nagfofocus lang talaga ito sa quiz ngunit ngayon na tapos na ang quiz ay tahimik parin ito.

Baka hindi niya nasagutan ng ayos?

Nagpalinga linga na lang siya para libangin ang sarili nang kausapin siya ni Ace.

"Mika, napanood mo na 'yong part two ng Disney's Descendants?"

Naging interesado siya bigla dahil sa itinanong ni Ace. Napanood na niya iyon ng maraming beses dahil laking Disney siya.

Ang mga bida sa Descendants ay ang anak nina Maleficent na evil villain sa Sleeping Beauty ay si Mal. Ang anak ni Jafar na evil villain sa Aladin ay si Jay.

Ang anak ni Cruela de Vil na evil villain sa 101 Dalmatians ay si Carlos at ang anak ni Evil Queen sa Snow White and The Seven Dwarfs ay si Evie.

"Oo, ang ganda ng mga bago nilang kanta!"

I Hate You Moody Monster(Completed)Where stories live. Discover now