Chapter 60

253 15 0
                                    

C H A P T E R  60...........

Hindi niya namalayan na Valentine's Day na pala agad. Natatawang nagpatuloy na lang siya sa paglakad sa pathway papunta sa classroom nila.

Pagkapasok pa lang kasi niya sa school ay agad na pumailanlang ang kanta na 'Born For You'.

Hindi niya tuloy mapigilan na maalala ang unang beses na isinayaw siya ni Brent at iyon ang tugtog.

Napansin din niya sa labas ng school ang hile-hilerang tindahan ng mga roses at balloons na pang Valentine's Day.

Ano kayang mangyayari ngayong araw na ito?

Pagpasok niya naman sa classroom ay agad niyang nakita doon ang ilan niyang mga kaklase na ikinagulat niya dahil hindi naman talaga maaagang pumasok ang mga ito.

"Anong mayroon?"

Tanong niya kay Vincent at kumibit balikat naman ito. Umupo na lang siya sa upuan niya saka inintay na dumating pa ang iba nilang mga kaklase.

Maya-maya naman ay dumating na si Brent na agad niyang ikinangiti. Bagong ligo ito at talagang napakagwapo nito sa uniform nito.

Happy Valentine's Day!

Lihim na pagbati niya dito habang nakangiti pa rin. Mukha namang maganda ang gising nito at agad na lumingon sa kanya.

"Anong mayroon ngayon?"

Tila walang alam na tanong nito ngunit alam niyang may alam ito.

"Ewan ko, bakit 'di mo sila tanungin?"

Turo niya sa iba nilang mga kaklase at natatawang ginulo naman nito ang buhok niya saka inilapag sa lamesa niya ang tatlong piraso ng chocolate na kisses.

"Happy Valentine's Day!"

Nakangiting sabi nito at natigilan naman siya habang nakatingin sa tatlong chocolates na binigay nito.

Agad naman siyang nilamon ng kilig kaya hindi na naman makapag-function ng maayos ang buong sistema niya.

"P-para saan naman ito?"

"Wala man lang bang thank you?"

Tanong nito at natawa naman siya saka nagpasalamat dito.

"Edi thank you!"

"May ibibigay pa pala ako"

Pahabol pa nito saka naglabas ng piso na ikinakunot naman niya ng noo.

"Para saan 'yan?"

"Basta, may pentle pen ka ba?"

Tanong nito at kinuha naman niya ang pentle pen niya sa loob ng bag saka ibinigay dito. Nakita niyang pinirmahan nito ang piso saka ibinigay sa kanya.

"Para sayo 'yan"

"At bakit naman?"

Natatawang tanong niya dahil sa dami nitong kalokohan na alam.

"Wala lang pero ingatan mo 'yan ha?"

"Okay, nakarequest ka eh"

Ibinulsa na niya ang piso na may pirma nito saka ang tatlong piraso na kisses.

"Alam mo ba? May nakasalubong ako na grade seven na babae kanina tapos binigyan niya ako ng M&M"

Sabi nito saka ipinakita pa sa kanya ang isang pack ng M&M na hawak nito at natawa naman siya.

I Hate You Moody Monster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon