Chapter 34

242 13 0
                                    

C H A P T E R  34............

"Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin sina Brent?"

Tanong sa kanya ni Kristen at napatingin naman siya sa wristwatch niya.

1:15 pm

Kanina pa nagsimula ang klase nila ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito kasama sina Jen na nakumain sa Jolls.

Hindi na naman niya inisip pa iyon lalo dahil hindi pa rin nawawala sa isip niya ang mga sinabi ni Brent sa kanya kanina. Para iyong sirang plaka na nagrereplay sa utak niya.

"Buti na lang hindi ako sumama dahil baka late rin ako ngayon"

Iyon na lang ang nasabi niya at tumawa naman si Kristen.

"Galit ka pa rin ba sa kanya?"

"Hindi naman ako galit sa kanya, medyo masasakit lang kasi talaga ang mga sinabi niya kanina. Alam ko naman na kahit kailan ay hindi ako magugustuhan ni Gino kaya hindi na niya na kailangan pang ipamukha sa'kin 'yon dahil  mas lalo lang kasi akong nasasaktan"

Paliwanag niya dito at tumango-tango naman ito.

"Kahit sa'kin niya sinabi 'yon ay masasaktan din talaga ako. Pero hindi ka pa ba nasanay kay Brent? Alam mo naman 'yon, medyo masakit talaga magsalita"

Bumuntong hininga na lang siya saka kumibit balikat.

"Minsan nga ay sinasabi ko din 'yan sa sarili ko. Na dapat matagal na akong sanay pero iba pa rin kasi kapag nand'yan na naman"

"Intindihin mo na lang siya"

"Lagi naman"

Nanahimik na lang si Kristen hanggang sa dumating na sina Brent.

"Bakit ngayon lang kayo?"

Tanong ni Ma'am Leks sa mga ito, ang english teacher nila.

"Ma'am, ang tagal po kasi magserve sa Jolls"

Sagot ni Jen habang hinihingal pa at napansin niyang wala itong i.d pati na rin si Airie.

Samantalang si Brent, Yakisu at Elwyn naman ay mayroong i.d. Kapag late kasi ay kinukuha ng guard ang i.d. at mamaya ulit hapon iyon makukuha pagkatapos magwalis sa oval.

"Sige, pumasok na kayo"

Pumasok na ang mga ito at umupo na sa kanya-kanyang mga upuan. Agad naman niyang tinanong si Airie.

"Nakuha 'yong i.d. niyo ni Jen? Bakit 'yong kina Elywn ay hindi naman nakuha?"

"Itinago kasi nina Elwyn ang sa kanila tapos hindi naman nila kami sinabihan ni Jen"

Napatingin siya kay Elwyn na nakangiti sa kanya.

"Magic!"

"Bakit kasi nagpalate kayo?"

"Ang tagal kasi nina Airie at Jen!"

Natatawang sabi ni Elwyn at nakatanggap naman ito ng isang palo sa braso mula kay Airie.

"Nakakahiya naman sa inyo na madaming inorder 'no?"

"Ikaw naman ang umubos"

Natawa na lang siya saka humarap na muli sa una. Napansin naman niya ang pananahimik ni Brent kaya nilingon niya ito at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.

Natatandaan kaya niya 'yong mga sinabi niya sa'kin kanina? Malamang hindi na......

"Mika, anong mga ginawa kanina?"

I Hate You Moody Monster(Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt