Chapter 14

370 15 0
                                    

C H A P T E R  14............

"Ang aga mo naman!"

Sabi niya kay Annie nang makita niya agad ito na nakaupo sa bakanteng lamesa sa loob ng 711.

Akala niya ay mauuna pa siya dito dahil malayo pa ang bahay nito ngunit nauna pa rin talaga ito sa kanya.

"Kanina pa akong mga seven dito"

"Bakit naman?"

"Wala lang"

Natawa naman siya saka naupo sa bakanteng upuan sa harapan ng kinauupuan nito.

"Atat na atat ka lang lumayas 'no?"

"Nakakainip kasi talaga sa bahay"

Tumango-tango na lang siya saka iginala ang paningin sa paligid.

Walang masyadong tao ngayon dito sa 711 dahil maaga pa naman.

"Wala pa ba sila?"

"Wala pa"

Kinuha niya ang cellphone sa bag para libangin ang sarili habang inaantay ang iba nilang kasama. Maya-maya naman ay dumating na si Shazie kasama si Amel at Vien.

"Kanina pa ba kayo dito?"

"Hindi naman, kararating ko lang din pero itong si Annie ay kanina pa dito"

Sagot niya saka umupo ang mga ito sa bakante pang mga upuan sa table na inuukupa nila.

"Intayin lang natin si Kien, sasama din daw kasi siya"

"Sige lang"

Inintay nila si Kien at bumili muna sila ng makakain habang sina Vien at Amel naman ay naglalaro ng mobile legends.

Boys!

Nang makarating si Kien ay agad itong sinalubong ni Shazie.

"Papi, ang aga mo ah!"

"Hindi ako agad paalisin sa bahay eh!"

"Tara na! Iniintay na tayo ni Ashlley doon"

Sumakay sila sa bus at sila lang anim ang sakay non kaya naman kung saan-saan na lang sila umupo habang sina Amel at Vien ay chill na palakad-lakad pa habang umaandar ang bus.

Hindi naman kasi ganoon kabilis ang takbo ng bus kaya go na go ang dalawang gago.

"Dito na 'yon"

Bumaba na sila ng bus at natawa naman silang lahat dahil sobrang lapit lang pala nito.

"Dapat pala nilakad na lang natin!"

Sabi ni Vien habang natatawa at umiiling-iling.

"Sige, sa susunod"

Nagpunta na sila sa bahay nina Ashlley at nakita naman nila ito agad sa may teresa habang nag-iintay sa kanila.

"Hindi ka pa naliligo?"

Natatawang tanong ni Shazie at agad namang umangal si Ashlley.

"Naligo na ako ha!"

"Hindi mo ba kami papapasukin?"

Tanong naman ni Vien kaya pinagbuksan sila ni Ashlley ng pinto. Maliit lang kung sa labas titingnan ang bahay ng mga ito ngunit sa loob ay napakaganda niyon.

Modern style ang interior ng bahay ng mga ito at maaliwalas. Nang makapasok sila ay pinaupo muna sila nito sa sofa.

"Nasaan si Brent?"

Tanong ni Ashlley kay Shazie saka ito umupo sa tabi ni Kien na ngayon ay pinagdidiskitahan ang ilang magazines sa small table na kaharap nila.

"Malay ko ba doon pero susunod daw siya kaso 'wag na tayong umasa dahil baka tamadin na 'yon"

I Hate You Moody Monster(Completed)Where stories live. Discover now