Chapter Four

67.2K 2.2K 457
                                    

CHAPTER FOUR

*Weakness does not last.

Its length depends on one's choice

to conquer his own. *

***

IT'S SUNDAY. Reeve promised his children that after church, they'll go to a mall and buy them new toys.

Ngunit napakasama ng pakiramdam niya. He started to sneeze non-stop. He could have catch a cold yesterday when it rained hard. Naulanan ba siya kahapon? Hindi niya maalala.

He tried to open his eyes, but his vision became blurry. Napaungol siya at napabaluktot ng higa sa kama. Then he sneezed, again and again. sunod-sunod.

Hindi naman siya sipunin at sakitin. Siguro dahil mahilig si Agatha na gawan siya ng mga masusustansiyang pagkain na pinapadala nito sa opisina niya palagi tuwing tanghalian at merienda. Lagi pang may kasamang kalamansi, lemon, pineapple, o orange juice. Pampataas daw ng immune system.

But since she went missing, no one does it for him anymore. No one cares for him like Agatha did.

Bago pa siya malunod na naman sa pangungulila rito ay mabilis niya nang inabot ang phone para tawagan ang mga magulang. Malapit nang magising ang mga anak niya at baka kapag nagpumilit siyang bumangon ay mahawahan niya pa ang mga ito.

He called his father first. Buti at gising na ito ng ganoon kaaga. Pupunta daw ito. Sunod na tinawagan niya ay ang ina. Gising na rin ito at nangakong pupuntahan sila.

"Ilalabas muna namin ang mga bata, anak," his mother said when she arrived. "Sasamahan ko si Roman at ang mga bata sa simbahan. Pagkatapos ay ipapasyal sila ng Papa mo at babalikan naman kita dito."

"I'm going to be okay, Ma." He sneezed. "Maybe I just need some bed rest."

"Nagulat yata ang katawan mo sa mga gawaing bahay at pag-aalaga sa mga anak mo."

Siguro nga. Napakalamig din ng panahon kahit pinatay niya na ang aircon. "Just be with the kids, Mama. Samahan mo si Papa sa pag-aalaga sa kanila. Hindi sila kakayanin ni Papa. Dahil ako mismo mag-isa, hindi ko pa sila masyadong kaya."

"Sigurado ka ba, Reeve?" Punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nito. "Gusto mo bang tawagan ko ang family doctor para—"

"I'm going to be okay, Mama. Pinainom mo na rin ako ng gamot kanina. Siguro pagbalik niyo ng mga bata mamayang hapon o gabi ay maayos na 'ko. I hope they'll understand..."

"Mukha namang naiintindihan nila. Riana wanted to kiss you before we leave pero sabi mo nga baka mahawa pa ang mga bata kapag lumapit sa'yo."

Itinaas niya ang comforter hanggang sa leeg. "Go ahead, Mama." Pinikit niya ang mga mata. "I'll call if I can't really handle it..." nanghihinang sambit niya.

Hindi na matandaan ni Reeve kung umalis ba agad ang Mama niya. Nakatulog na siya ng malalim. Nagigising-gising siya ng kaunti dahil sa pagbahing.

Nagising lang siya ng tuluyan dahil sa pagkalam ng sikmura. Dinilat niya ang mga mata.

"Reeve?"

May naaninag siyang mukha ng babae. Nakatunghay sa kanya. Why is she here?

Napaungol siya ng makaramdam ng pananakit sa likod. Matagal na siyang nakahiga siguro.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon