Chapter Seven

65.4K 2.6K 824
                                    

CHAPTER SEVEN

*The truth has its own time.

Slowly, it reveals...

Quietly, it brings back the feels...*

***

"PAANO kayo nagkakilala ni Johann? Paano niyo nakumpirma na magkapatid kayo?"

"Mahabang kuwento," nakangiting sagot ni Agatha sa mga pinsan niya. "But he was the one who approached me first. Bago ko pa nalaman na may anak si Daddy sa pagka-binata, nakita na 'ko ni Kuya Johann."

Bumaling siya sa kapatid na unang beses niyang pinakilala sa mga pinsan nila.

Nginitian siya ng kapatid. "Hindi ka ba nakaramdam ng lukso ng dugo? Di'ba ganoon sa mga teleserye?"

"Magaan ang loob ko sa'yo. Kaya kahit anong selos ng asawa ko, hindi naman ako lumalayo sa'yo. Baka ganoon ang lukso ng dugo."

"Paano mo siya nahanap, Johann?"

"Mahaba ring kuwento," anito. "Pero masaya ako kasi nang nagdasal ako kay Lord, pinakita niya sa'kin si Agatha. Siguro, kahit nasaan pa ang kapatid ko, magkikita at magkikita kami. Mahahanap ko siya."

"Is it because our blood and faith are connected?" natutuwang sabi ni Agatha. Matagal niya nang gusto magkaroon ng kapatid. Masaya naman siya sa mga pinsan niyang tumayong mga kuya niya... pero iba pa rin ang may kapatid.

"Puwede, puwede!" Inakbayan siya nito. "Sa tingin ko, hanggang sa buhay tayo, magiging konektado tayo."

Agatha's eyes twinkled. Hindi niya na pinansin na parang nagseselos na ang mga pinsan niyang tinuring siyang prinsesa magmula nang isilang siya. But she can't help it. She's excited for a sibling. And here comes Kuya Johann.

"Hindi naman kayo kambal!" angal ng isang pinsan niya.

Tumawa si Johann. "Pero magkapatid kami. Kahit half lang. Powers ko 'yon!" Hinaplos nito ang buhok niya. "Agatha, kahit nasaan ka siguro, makikita at makikita kita. Kapag nawawala ka, mahahanap at mahahanap kita. 'Super Kuya Johann' to the rescue!"

KUSANG dumilat ang mga mata ni Seline. Pagkatingin niya sa orasan ay kalagitnaan pa lang ng gabi. Alas-onse.

Tinignan niya ang anak na nakasubsob ang ulo sa dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok nito. Ipinikit ni Seline ang mga mata at hinigpitan ang yakap sa anak. Pero kahit anong gawin niya, hindi na siya makabalik sa pagtulog.

Dahan-dahan na lang siyang bumangon. Siguro parating na rin si Niel mula sa bayan. Aabangan niya na lang ang pag-uwi ng asawa. Pumunta siya sa kusina at nagtimpla ng kape.

Lumabas siya ng kubo at tumingin sa kalangitan. Tadtad ng mga bituin ang madilim na langit. Napangiti si Seline, at saka humigop ng kape. Maya-maya ay napatingin siya sa katapat na kubo. Bukas ang ilaw niyon.

Wala talagang nakatira doon. Pero sabi ni Kapitana, doon daw tumutuloy ang ilang volunteer teachers. May iba kasing dalawang linggong diretsong mananatili sa Kab-Laaw. Imbes na tatlo o apat na beses ang libreng paturo, puwede iyong araw-arawin na dahil sa ilang volunteer teachers na nagpaiwan.

May lumabas mula sa katapat na kubo. At dahil tahimik na ang buong nayon nila dahil maghahatinggabi na, hindi sinasadyang narinig niya ang boses ng lalaki.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now