Chapter Fourteen

74.3K 2.4K 545
                                    

CHAPTER FOURTEEN

*The ignored bruises and

unhealed scars of the past,

collectively scratched the heart. *

***

AGATHA'S eyes widened in shock. But she convinced herself to not move away. Isa pa ay tila sinigurado rin ni Reeve na hindi siya makakapalag o makakagalaw man lang.

Her back was pinned on the door, Reeve's hands tightly holding both of her waist. His lips were making soft brushes and slides.

"Agatha..." bulong nito sa mga labi niya. Nakapikit ang mga mata nito. "Agatha, please..."

Pinilit niyang pumikit at hayaan na lang ang paghalik nito. Asawa naman niya si Reeve, totoo na sa pagkakataong ito. He was deprived for months without her.

Alam naman ni Agatha kung anong nangyayari sa mga mag-aasawa. Kaya siguro hindi siya komportable kay Niel noon dahil hindi niya maisip ang sarili na ginagawa iyon kasama ito. Now, she knew why. Because maybe, her unconscious mind was warning her that she belonged to someone else.

Para siya kay Reeve. Kahit ilang araw pa lang ang lumipas nang dumating ito at pinatunayan sa kanyang ito ang totoo niyang asawa, naniwala naman agad siya. Isa pa ay nakita niya na kung gaano ito kabuting tao.

Hindi alam ni Agatha kung paano tutugon sa halik ng asawa. She can't remember how to kiss... At siguro ay nahalata iyon ni Reeve.

Bahagya itong lumayo at hinaplos ng daliri ang mga labi niya. "Part your lips, sweetheart. Come on..." he huskily said.

Sinunod niya ang sinabi nito kahit parang kinakabahan siya. Nanginginig ang mga kamay niyang lumapat sa dibdib nito. She wanted to feel relax over the kiss.

But she can't. Parang naiiyak siya o ano. Tila may parte sa kanyang gustong-gustong pagbigyan ang asawa dahil siguro naman ay karapatan nito iyon. Gusto rin naman niyang pasalamatan ito dahil nakakahanga ang pinakita nito sa kanya.

Reeve didn't put Niel to jail. He's been honest with her about some family issues. And lastly, Reeve allowed her to stay for a little longer to help Sasa accept things little by little.

He's a good man, and a sensitive father. Ramdam niya rin sa mga halik nito ang pagkasabik sa kanya.

Kaya naman inignora na lang ni Agatha ang nararamdaman niya. Gusto itong itulak ng mga kamay niya, bagkus ay ginawa niya ang kabaliktaran. Inangat niya pa ang mga braso at yumapos sa leeg nito.

Hindi na rin niya pinansin ang mga sigaw ng pagpigil sa loob ng isip. Tinuon niya ang atensyon sa mga labi ni Reeve sa kanya. At first, it's just his lips sliding and caressing. Sinubukan niyang gayahin ang ginagawa nito.

Some weird sound came out from Reeve's mouth. Was it a growl?

Ikiniling ni Agatha ang ulo, sa kaliwa at kanan, upang masabayan ang halik nito. Wait, this is kind of familiar to her.

Mas nangunyapit pa siya kay Reeve at may kung ano siyang naramdamang sensasyon sa may bandang tiyan. Napasinghap siya nang maramdaman ang mainit nitong kamay sa dibdib niya.

The sensation gave her an indescribable flush of excitement. Kung kanina ay pinipilit niya ang sariling huwag lumayo, ngayon naman ay siya na ang nagdidiin ng sarili rito.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now