Chapter Twenty-Four

84.5K 2.7K 473
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

*we love, we learn, we let go.

we dream, we reach, we let go.

we hope, we believe, we hold on.*

***

"A-ALAM kong pagmamalabis na ang hinihiling ko," sabi ni Niel, mababa ng boses. Nagmamakaawa. "P-Pero hindi kakayanin magbuntis ni Celina sa loob ng kulungan sa kalagayan niya."

Sa kabila ng pagkabigla ni Agatha ay mas nagpuyos lang ng galit ang buong kalooban niya. "Oo, Daniel. What you're asking for is already too much..." Napahikbi siya at napapikit nang mariin.

She can't feel to be considerate right now.

"H-Huwag kang makinig sa kanya, Agatha," narinig niyang sabi ni Celina. "T-Tanggap kong makukulong ako sa oras na maalala mo ang... g-ginawa ko sa'yo. Gusto kitang makausap para m-manghingi ng tawad. Dahil... dahil inalagaan mo 'ko noon sa Iddu..."

Hearing her voice, Agatha's anger heightened. Almost like a wild animal that can't be tamed inside her.

Reeve pulled her away, making a wider distance between her and Celina.

"Kung alam ko lang na ikaw ang taong naglagay sa'kin sa sitwasyon ko ngayon, h-hinding-hindi ako mag-aaksaya ng oras para makabangon ka sa pagka-comatose." Nanginginig na kinuyom niya ang mga kamay. Matalim ang mga tinging itinapon niya rito. "If I only knew, I wouldn't have prayed for your recovery. S-Sana... sana n-namatay ka na lang!"

Tumango ito. "Sana nga namatay na lang ako. Patawarin mo 'ko. N-Nagsisisi na 'ko. Nagsisisi na 'ko sa lahat ng ginawa ko. Alam kong mali pero iyon na ang nakasanayan kong b-buhay, Agatha. W-Wala akong ibang alam gawin para mabuhay kundi iyon lang. Oo, nakapatay na 'ko para lang makapagnakaw. Pero pagkatapos kitang itulak sa bintana, nakaramdam ako nang pagsisisi. At sumunod, nahulog na ang bus sa bangin. Sabi ko, iyon na agad ang kapalit sa lahat ng buhay na kinuha ko para lang hindi ako mamatay sa gutom. M-mamatay din pala ako ng ganoon lang. P-Pero... pero, Agatha..." Napahagulgol ito nang iyak, pinagsalikop ang mga kamay at tila gusto siyang lapitan.

But the police held Celina. Tinakpan din siya ni Reeve palayo sa babae.

"A-Agatha, hindi ako walong buwang may comatose. Nang ikaapat na buwan, nagkamalay na 'ko. P-Pero nagpanggap akong walang malay pa rin dahil natatakot ako sa puwedeng mangyari sa'kin."

"N-Naririnig ko sa mga nag-uusap na nurse na w-wala kahit isang nabuhay sa aksidente. K-Kahit ang mga kasama ko. Puwede na 'kong tumakas kahit anong oras pero s-saan pa 'ko pupunta? Hanggang sa isang araw habang nagpapanggap pa rin akong nasa coma, narinig k-ko ang boses mo. Naramdaman ko kung paano mo 'kong inalagaan. P-Pinagdadasal mo 'ko palagi... A-Agatha, doon ko naramdaman na kahit hindi mo 'ko kilala dahil sa nawala mong memorya, h-handa kang magbigay ng pag-aaruga. K-Kahit hindi mo alam kung sino ako, araw-araw mong dinadasal sa Diyos na sana... gumaling na 'ko o mahanap ng pamilya ko..."

"Shut up," she stopped her.

But she continued. "A-Akala ko noon, hindi totoo ang mga mabubuting tao. Mabuti lang sila dahil sa loob-loob nila, may iba silang intensyon. Iyon ang kinamulatan ko. L-Lahat ng kabutihan may kapalit... Kapag mabait ang tao sa'yo, may gusto silang kapalit na ibigay mo. Susumbatan ka nila ng utang na loob mo dapat. P-pero sa'yo..." Patuloy ang pag-agos ng mga luha nito. "P-Pinatunayan mo, na kahit wala kang maaalala sa pagkatao mo, nanatili sa'yo ang kabutihan. Kahit walang kapalit, gusto mong gumaling na 'ko. Kahit hindi ka binabayaran, sinisiguro mong maalagaan ako nang mabuti. Dinadalhan mo 'ko ng mga bulaklak... kinukuwentuhan. U-Unang beses kong makakilala ng taong kagaya mo..."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now