Chapter Nine

65.8K 2.4K 551
                                    

CHAPTER NINE

*Others can control who you are.

But never your heart's true nature. *

***

"ANO NANG gusto mong itawag ko sa'yo? Seline o... Agatha?"

Napayuko siya at hindi alam kung anong isasagot kay Johann. Dito lang niya komportableng nasasabi ang lahat. Hindi na niya alintana pa kung bago pa lang silang magkakilala, pero sa tingin niya, sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya, ito lang ang maiintindihan at tutulungan siya.

"N-Naguguluhan pa rin ako," malungkot niyang sabi. Napatanaw siya kay Sasa na nakikipaglaro sa ibang mga bata. "K-Kung hindi 'Seline' ang pangalan ko, bakit iyon ang pinaniwala sa'kin ni Niel? I-Ibig bang sabihin, nagsisinungaling siya? At kung hindi ako si Seline... hindi ko a-anak si Sasa?"

Sumakit ang puso niya habang nakatanaw pa rin sa anak. She grew fond of the little girl, believing that she's really her daughter. At masakit isipin na hindi totoo ang lahat. Masasaktan ang bata...

Bumaling siya kay Johann. "Pangalan ko pa lang... Iyon pa lang naman ang natatandaan ko. Doon pa lang ako sigurado. H-Hindi ko pa rin alam kung sino talaga ako..."

Dumantay ang kamay nito sa balikat niya. "Tutulungan kita. Sa... Sabado, pupunta kami sa sentro para mamili ng gamit ng mga kasama ko. Nabalitaan kong may psych clinic doon. Sasamahan kitang magpatingin."

"P-Pero wala pa'kong sapat na ipon—"

"Ako nang bahala sa lahat ng gastos."

Napakurap siya. "Johann..."

Mabait siyang nginitian nito. His eyes, tender. "Akong bahala sa'yo. Sa tingin ko kaya rin wala ka pang maalala dahil nabanggit mo, kahit minsan, hindi ka nadala sa doktor ng Niel na 'yon." Sumeryoso ang mukha nito. "Pero malaking improvement na nalaman mo na kung ano talagang pangalan mo, Agatha..."

Napakurap siyang muli. The way Johann said her real name made her feel that it was not the first time she heard him say that.

"P-Pero kung sasama ako, anong sasabihin ko kay Niel?"

Si Johann naman ang napakurap. "Ha? Titira ka pa rin kasama si Niel kahit na nagsinungaling siya tungkol sa'yo?!" Napatayo ito. "Agatha, hinayaan ko lang 'yung kagabi pero hindi na 'ko papayag ulit na kasama mo sa iisang bubong ang lalaking 'yon!"

Napalakas ang boses nito kaya naman may ilang naglingunan sila. Pati si Kapitana.

"Ay, sorry po. Sorry po. Na-carried away lang. He-he!" Napaupo ulit ito sa tabi niya. "Sorry, Agatha. Pero kasi—"

"A-Anong ibig mong sabihin na hinayaan mo lang kagabi? Johann, may alam ka ba—,"

"Inay! Inay, tapos na 'ko aral!" Patakbong lumapit sa kanya si Sasa at niyakap siya sa binti. "Inay, gutom ko..." Lumabi ito at tumingala sa kanya.

Hinaplos niya ang buhok nito. "Sandali lang, anak, ha?" Bumaling ulit siya kay Johann.

Napayuko ito. Tila may itinatago. At saka lang niya napagtanto na simula nang makilala niya ito, napakabait nito sa kanya. Hindi naman niya nilalayuan dahil sa tingin niya ay pala-kaibigan talaga ito na tao... pero sa tuwing napag-uusapan si Niel...

"Johann, may alam ka ba?" tanong niya muli rito.

Pagkasalubong ng mga mata nila ay malungkot ang mga iyon. "G-Gusto kitang tulungan... Agatha. Sa lahat ng tao, ikaw ang pinaka-una kong tutulungan sa lahat..."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now