Chapter Twenty-Five

95.5K 3.3K 814
                                    

It has been five years since I started and finished writing Wifely Duties. And also five years ago, I have thought about this sequel. Yet, I was too young and never really had the confidence that I'll be able to write the book 2. After five years, I kept the plot for myself only. Until I was convinced that I have to share it today.

In the first book (Wifely Duties), I wanted to offer something ideal yet possible.

Writing a book 2 is growing up. Man and Wife wasn't written to outstand or be better than Wifely Duties. This time, I just wanted to show you something... Real.

Thank you for reading this story. Thank you for always taking the journey of Christ's love through my stories.

***

CHAPTER TWENTY-FIVE

*two souls bonded,

two hearts connected,

a man and a wife created.*

***

"KUMUSTA ka na, anak?" masuyong tanong ni Agatha kay Sasa.

       Totoo siyang nasorpresa sa pagbisita nito. Hindi nito kasama si Niel, tanging mga trusted police agents lang. It turned out, ginawa palang safe house ni Celina ang bahay ng mga ito sa Kab-Laaw para hindi matugis ang babae ng sindikatong tinalikuran nito. That explains Niel and Celina's affair...

       But, anyway, Agatha is far interested. Bumabaliktad pa rin ang sikmura niya at nag-iinit ang dugo sa tuwing naiisip ang babae.

       "Ayos lang, Inay! Madami na halaman natin. Pati kalamansi." Ginala nito ang mga mata sa buong bahay. Kanina pa nito iyon ginagawa. Her little innocent eyes always sparkling. "Ang laki-laki talaga ng bahay mo po. Masaya ka po dito?"

       "Oo," tunay naman niyang sagot. "Lagi kong kasama sina Kuya Rain, Ate Riana, Adam, at Rade—"

       "At saka si Tito Reeve," hagikgik nito.

       Eksaktong lumabas si Reeve mula sa kusina at ibinigay ang mga pagkain ng mga bata.

       "I'm so happy you visited us, Sasa," Riana said, smilingly. Ito ang tumakbo sa pintuan at sumalubong ng yakap nang makita nito si Sasa kanina. "Hanggang when ka dito?"

       Hinaplos niya ang buhok ni Sasa. Humaba iyon at napansin niyang mas nagkalaman pa ang bata. Natutuwa ang puso ni Agatha. Halatang naaalagaan itong mabuti. "Hanggang kailan ka daw dito?"

       "Bukas uwi na kami ni Itay," sagot ni Sasa. Kinuha nito ang kutsara at kumain na ng cake. "Bisita lang ako dito kasi sabi ni Tito Reeve puwede ko puntahan ikaw, Inay."

       Napatingin siya kay Reeve na abala sa pagpapakain kina Adam at Rade. Lihim siyang napangiti at binalik ang tingin kay Sasa.

       "Oh, you're going to go home na pala tomorrow," Riana pouted. "Bakit mabilis?"

       "Hatid lang namin si Ate Ganda dito, eh," sabi ni Sasa, nakatingin kay Riana. "Bawal kami matagal. Sorry, Ate Riana. Kita na lang tayo ulit susunod."

       "Mag-aaral ka na ba, Sasa?" tanong ni Reeve dito.

       "Next year daw po! Papasok na 'ko school. Si Ate Ganda naging teacher ko sa kubo kapag wala si Itay."

       Huminga nang malalim si Agatha. "Hindi ka ba... sinasaktan ni A-Ate Ganda mo?"

       Umiling ito. "Bait siya, Inay. Parang ikaw. Kaso lagi silang away ni Itay, eh. Pero bait pa rin siya." Ngumunguya ito ng cake. "Mmm! Sarap!"

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon