Chapter Eighteen

87K 2.8K 945
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

*Second chance is rare.

It knows no age. It knows no sin.

You just have to be worth it.*

***

"HAPPY birthday, happy birthday... Happy birthday to you!" pagtatapos ng mga tao sa pagkanta.

"Whisper a prayer before you blow your candles, darling," Reeve said to Riana.

Yumuko naman si Agatha at binulungan naman si Sasa. "Pray ka ng gusto mo, anak. Tapos, puwede mo nang hipan ang kandila."

The two lovely girls clasped their hands and closed their eyes. Later on, sabay ding hinipan ng dalawa ang kandila ng mga ito.

Riana has a pink cake with candy laces on it. Sa taas niyon ay may nakalagay na number "6". Ang kay Sasa naman ay isang rainbow cake na may iba't ibang gummy bears na nakadikit sa mga sulok. On top of it was number "5".

The guests clapped their hands and cheered for the two girls. Sa townhouse lang din ginanap ang munting birthday celebration ng dalawa.

"What was your prayer, sweetie?" Kuya Dylan asked Riana.

"That's a secret, Tito! I'll tell you once I have it na."

"How about you, cutiepie?" yuko ni Prince kay Sasa. "Anong pinag-pray mo?"

"Secret din po," Sasa cutely answered. Then she hugged her. "Inay, puwede kain ko cake ko? Tapos, Inay, pasalubong kay Itay ang tira?"

"Puwede naman. Kain ka na." Agad na nag-slice si Agatha ng cake para kay Sasa. Pinaupo niya ito katabi nina Rade at Adam sa children's table. "Kapag gusto mo pa, sabihin mo lang sa'kin, ha?"

"Opo, Inay! Salamat!" Sasa deliciously dig the cake. Hinalikan niya ito sa bumbunan bago lapitan si Riana.

"Happy birthday, baby..." Niyakap ni Agatha ang anak at hinalikan ito sa pisngi. "Are you happy?"

"Yes, Mommy! I'm very, very happy! Sasa looks happy, too!" Niyakap siya nito sa leeg. "Thank you, Mommy, because you're finally here with us. Kinulit ko talaga si Jesus, Mommy. Para kasama ka namin nila Daddy."

Napikit si Agatha at niyakap niya nang mas mahigpit ang anak. Napakabilis lumipas ang mga araw at napakabilis nang lahat ng pangyayari.

More than a week ago, she's just a confused "Seline". Days later, she was able to recall who she really is, her family, her children... Sadyang napakabilis ng lahat.

Pasimple niyang nilibot ang tingin at hinanap si Reeve. He found him talking to Prince.

Wala na talagang nadagdag na alaala niya rito. Not even a single good memory of Reeve. Para man lang mas maintindihan niya kung gaano nga ba ka-engrande ang sinasabi nitong "pagmamahalan" nila.

Agatha never doubted Reeve's her real husband like she used to doubt at Niel. And being around Reeve was whole lot different. At first, it was awkward. But later on, ang mga pagkilos at pagsasalita niya ay kusa na.

Even her pain from her memories of him was real, she can still feel it. Kahit sinabi ni Reeve na ilang taon na ang lumipas ang karamihan sa mga naalala niya.

Sinundan niya nang tingin si Reeve pagkatapos nitong kausapin si Prince. Lumapit ito kay Rainiel na kumakain kasama ang mga Tito nito.

"Mommy, can you give me another slice of cake, please?" Riana politely asked.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now