Chapter 24 - Graham Balls!

3.4K 99 16
                                    

Lucky's P.O.V

"Hala yung niluluto ko!" sabi ko nang maalala ito at dali-daling umalis at  pumunta sa kusina. Naiwan ko muna si Raiden sa taas nalinisan ko naman na ang kanyang sugat.

Nakita kong si Kimblee na ang nagpatuloy sa pagluluto nito.

"Buti at pumunta ako dito at baka kumain tayo ng sunog Hahahahaha" she said.

"I was busy cleaning Raiden's wound so I was occupied for nick of time then suddenly I realized..." sabi ko.

"Yeah it's okay" sabi ni Kimblee.

Sinabihan kong bumalik na siya sa mga kagrupo namin at ako nang bahala sa pagluluto.

I decided to cook chopsuey in addition para naman 'di lang yung manok ang ulam.

Abala ako sa paghahanda ng mga plates and utensils nang biglang dumating si Raiden.

"I'll help you" he said.

"Paano yung sugat mo?" tanong ko habang nagpupunas ng pinggan.

"Malayo sa bituka atsaka magaling naman yung nanggamot kaya okay na." sabi niya and his mouth automatically smiled.

"Pisilin ko yang sugat mo e" pang-aasar ko.

"Di gamutin mo ulit kasi kasalanan mo na kapag Hahaha" tuwang-tuwa yung asungot. Kaya kinurot ko yung braso niya ni hindi man lang nasaktan tapos ang sabi pa niya.

"Ano ba yan kinikiliti mo ba ako, ang layo niyan sa kagat ng langgam Hahaha" he said.

"Bahala ka diyan" sabi ko sa kanya and yet he helped me.

Then...

Tinawag ko na sila upang makakain na ng pananghalian.

"Guys kain muna tayo tama na muna yan" sabi ko. Ang bilis nilang sumunod dahil sabay-sabay ang pagtayo at mukhang gutom na nga sila.

Nauna na silang pumunta kung saan kami kakain at ako naman chineck yung mga gawa nila. Natapos na nila ang pagbibilog nito meron yung pure graham meron naman yung marshmallow coated with graham powder. Sobra kasi makaconsume ng oras ang pagdidik-dik ng graham crackers dapat kailangang durog talaga para mas neat tignan, nabilib ako at natapos nila ito.

Ako nama'y sumunod na sa kanila after kong takpan ang mga nagawa nila.

"Kain ka na rin Lucky mauubos na namin ito ang sarap pa man din ng chopsuey!" sigaw ng isa kong kagrupo.

"Sige saglit lang kukuha lang ako ng tubig ninyo sa sobrang sarap baka mabulunan kayo Hahaha. It'll be my fault then" I said. Kumuha na ako at sinabihan si Kuya Lance na kakain na rin baka mamaya magtampo kung bakit hindi ko tinawag or mas mabuti nang dalhan ko siya ng pagkain kaya naghanda ako para sa kanya at ipinunta sa kwarto niya.

"Here's your lunch Sir Lance Mapangasar" at inilapag sa kanyang study table.

"Thanks, you're the best bunsoy" he replied.

"Thanks? May bill mamaya Hahaha" then I left his room.

Pumunta na ako sa baba at kakain na, sinalubong ako ni Raiden sa aking paglalakad na may hawak na plato at may pagkain na.

"You should eat first" inalok niya sa akin ang dala niya.

"Uhm T-thanks" I said. Naalala ko pala na he saved me some food back then, noong acquiantance party.

"You did it again and I haven't apologize kasi hindi ko na ano?" sabi ko.

"It's okay lahat naman siguro nang mauubusan, maghahanap at maghahanap ng makakain 'diba?" he said at ako'y nagpatuloy na sa pagkain ko.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now