Chapter 41 - Team Raicky

1.1K 36 2
                                    

Lucky's P.O.V

Paano ko ba sasabihin kay Papa; Through phone call or personal. Okay lang naman sa call kaso hindi ko makikita reaction niya? Kapag sa personal naman, wala pang kasiguraduhan na uuwi siya.

Unfair naman kung hindi ko sasabihin magtatampo yun.

Natapos na kaming kumain kaya ako na yung nagligpit at naghugas ng mga ginamit namin. Mabilisan lang naman.

After that pumunta na ako sa taas, sa kwarto ko. Magpapahinga na dahil syempre may practice kami bukas. Ginawa ko na lahat ng gagawin before matulog like: Mag-toothbrush and ayusin ang susuotin kong damit bukas.

Pagkahiga ko ngayon ko na naramdaman yung pagod physically and mentally. Nakatingin lang ako sa kisame, hindi ko akalaing nililigawan ako ni Raiden. I mean kailan lang kami nagkakilala at katatapos lang ng 1st semester. Hay! Bahala na.

I opened my phone.

I just received a message from Raiden.

From Raiden:

Hey! Good night I'll fetch you tomorrow 😁😚.

To Raiden:

Goodnight na rin. 😊

Saka ako natulog para maaga ako bukas.

Then...

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko, ayoko pa sanang bumangon mas gusto kong humilata muna kaya ginawa ko yun.

Ipinikit ko muna mata ko.

Nagulat nalang ako sa mga tawanan nila sa baba. Kaya bigla akong napaupo at hinintay kung guni-guni ko lang ba yun or totoo.

"Whahahahahahahahahahahaha!"

Meron nga kaya agad akong bumangon at tignan kung sino ang mga yun.

"O gising na pala siya! Halika na Lucky kain na tayo." Pag-aya ni Mama. Akala ko ba maaga siya aalis para pumunta sa Resto?

"Si Kuya ba yung kasama mong tumatawa Ma? Natutulog palang ako e." sabi ko at umupo. Nasa kusina kasi kami.

Medyo nahilo ako sa pagbangon ko kaya nakabend forward ako sa lamesa habang ginawa kong unan yung mga braso ko.

"Lucky kain na may practice kayo diba?" Tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot.

"Tawagin mo na si Kuya mo nasa labas sila e nag-uusap usap kami kanina rito." Utos niya sa akin so pinuntahan ko naman. Naghahanda na kasi si Mama ng breakfast.

Sila?

Sino kaya kasama niya.

Pagkalabas ko nakita ko si Raiden may hawak na mug pati si Kuya.

"Raiden? Ang aga mo naman? Kagigising ko palang." Sabi ko sa kanya.

"Good Morning!" Yun lang binati niya ako.

"Morning, hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka ng maaga." I said to Raiden pero ayun ineenjoy niya lang yung kape niya.

"Sorry my bad." sabi niya.

"Kuya Lance tara na daw magbreakfast, sabay kana rin Raiden." Pag-aya ko sa kanila.

Si Mama na naglagay ng fried rice at hotdog sa pinggan ko.

"Kumain ka nang marami may practice pa kayo mamaya." She said. Kaya ako naman ay binilisan ko na at ako'y gagayak pa.

"Oh, Raiden kuha ka lang. Hindi kana siguro nakapag-almusal ang aga mo e." Sabi ni Mama sa kanya.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now