Chapter 53 - Lonely Together

272 14 2
                                    

Lucky's P.O.V

3 days prior before class...

I've been sorting some stuffs here in my room.

Medyo madami na rin kasing mga bagay na hindi na kailangan. Like used papers, documents, projects, etc. Mga kailangan idispose.

Kailangan ko na ring bumili ng pang-refill sa binder ko. Ubos na rin kasi yung leaves nung last. Dadaan nalang siguro ako sa resto para makahingi muna kay Mama.

After kong mag-ayos sa kwarto ay gumayak na ako. Nagcommute nalang ako kasi wala naman si Kuya.

Pagkadating ko sa resto diretso ako sa office ni Mama at nandoon nga siya. May kausap siya. Kaya naman aalis na sana ako kaso tinawag niya ako.

"Ah Mare, si Lucky nga pala bunso ko." pakilala ni Mama. "Lucky, si Tita mo Louise."

Nagmano na lang ako bilang paggalang and smiled.

"Naku malaki kana pala Lucky yung huling pagkikita natin baby ka pa." sabi niya.

"Senior High na yang anak ko, yung iyo ba?" Tanong ni Mama.

"Si Brix? Pareho rin, I hope na makilala mo siya soon. Busy nga lang kasi siya sa mga hobbies niya kaya ayun." Sabi ni Tita Louise sa akin.

Brix? Pangalan palang, parang tigasin na.

Well knowing that she and my mom are best of friends. Ngayon lang niya nakwento and malapit siya sa pamilya namin simula pa, before they had me.

Sumingit na ako sa usapan nila and sinabihan ko si Mama yung pinunta ko doon.

Binigyan niya naman ako, sapat na perang pangbili.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.

Hanggang sa makalabas ako ay tuloy pa rin sila sa kwentuhan. Ngayon lang siguro uli sila nagkita.

I checked my phone while going out of the resto. Some texts have arrived from both from TJ and Raiden but I'll deal with them after I buy all of the things listed in my notes (In my phone).

As usual, matagal-tagal rin akong namili sa store. Pinipili ko kasi, the one that suits my style.

On my way to the cashier kaso may nakabangga sa akin. Saka naman nagsi-hulog yung mga bibilhin ko.

Dali-dali ko itong pinulot.

May tumulong sa akin. Sa pabango niya palang, kilala ko na kung sino.

Nang masilayan ko kung sino yun. Tama nga ako.

"Sorry." He said then smiled.

"Okay lang TJ." sabi ko.

"Tulungan na kita." Kinuha niya yung mga dala ko. Kinuha niya sa gilid ang isang basket case at inilagay yung mga bibilihin ko.

"Sabay na tayo. May bibilhin rin ako e." TJ said.

That's an order? Not a favor diba?

"Paano mo nalamang nandito ako?" Tanong ko sa kanya.

"Tinext ko si Tita. Dumaan ka raw sa resto at dito ang punta mo." He said it casually.

"Wait kailan mo pa nalaman number ni Mama?" Nagtaka naman ako at paano niya yun nalaman.

"Ganoon talaga, magaling ako e." Pagmamayabang niya naman ngayon.

Hmmm? Kay kuya siguro niya nakuha.

Hinayaan ko nalang tutal mukhang masaya siya kanina pa.

Kung saan siya pupunta ay doon rin ako.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now