Chapter 25 - Tinda Time

3K 93 1
                                    

TJ's P.O.V

Lahat kami dito sa room ay 'di na mapakali dahil after nito ay breaktime na at yun ang magandang oras para magbenta ng mga ginawa namin. Naaasar nga ako kung bakit magkagrupo si Raiden at Lucky tuloy di ko man lang nakita si Lucky non kasi hindi nila ako kagroup. Nung pagkatapos ng grouping kasi noon kinausap ko yung teacher namin kung pwede akong lumipat at ang sabi niya "Stay in your group or bagsak ka?" Kaya no choice ako mga tsong. Badtrip lang!

"Okay that's all Guys! I hope all of you understand it so now you can take your break" yun na nga ang anunsiyo na tapos na yung klase at simula na ng pagbebenta.

Dahil sa sinabing iyon ay awtomatikong pumunta sa mga kagrupo upang makapagusap-usap saglit. Nahagip ng mata ko si Lucky na kinakausap ang kanyang mga kagrupo grabe iba rin ang pagiging leader ha, Bagay niyang maging boss. E di sana boss ko rin siya kapag kagrupo ko Hahahaha.

"Hoy TJ! Dahil ikaw ang pinaka-" sabi ni Patch, lider ng grupo namin.

"Pogi?" I said Tapos may kasamang pose.

"Hindi hahahaha Matangkad! ikaw ang magbebenta!, Charot lang syempre itsura mo palang hahakot na tayo ng customers no" suhestiyon niya.

"Pwede rin basta may TF ako Hahahaha"

"Grade TF mo lol, kung ayaw mo wala kang grade ano?"

"Tsk sige na nga tutal may hitsura ako, ako na" pagsang-ayon ko.

"Yes!" Sigaw ni Patch.

Nasa room palang kami pero may bumibili na kaagad titikman raw nila lahat ng ibebenta ng bawat grupo. Isa na roon si Kimblee na iniisa talaga lahat.

"Uy ano to? Mukhang masarap ah?" Tanong ni Kimblee.

"Wafdogs bakit bibili ka ba?" Mataray na tanong ni Patch. Dahil sa ibang grupo si Kimblee magkakalaban kami in terms of selling.

"Wafdogs? Waf waf Hahaha... Ah okay Waffle Hotdogs, magkano?"

"25 pesos, per piraso" sagot ko.

"Pabili nga baka sakaling ito na ang hinahanap kong Ha Ha hakdog" at ibinigay niya ang bayad niya.

"I must say kahit medyo mahal sulit naman talaga" komento niya. "Lucky halika tikman mo tong Wafdogs!" Napalingin si Lucky at dali-daling pumunta sa kinatatayuan namin.

Hinila ni Lucky si Kimblee at may ibinulong nagbabangayan pa nga ata sila di ko lang alam.

"Isa pa ngang Wafdog at nang matikman ng Leader namin" Trixxie said and handed another 25 pesos. "Ngayon tikman mo ang mahiwagang hakdog ni TJ Hahaha"

Namula si Lucky dahil sa sinabi ni Trixxie pero hinablot niya rin yung Wafdogs at kinagatan ito.

"Ano masarap ba yung hakdog ni T-" tanong ni Trix.

"Oo na masarap na yung hakdog!" Sigaw niya at napangiti ako ng wala sa oras.

"Hakdog ni T-" Dagdag ni Trix.

"Tara na magbebenta na tayo pinapatronize mo yung sa ibang grupo e, unahin na muna natin yung atin no!" Lucky said and pulled Trix from her place.

"Naka-fifty pesos na tayo agad-agad Hahaha. Iba talaga yung Hakdog mo TJ hahaha" sabi ng isa naming kagrupong siraulo hahaha.

"Tara na sa labas makakabenta tayo lalo sa mga lower year utuin lang natin yun and with TJ's look pak! Ubos agad!" Patch said.

And we continued selling our products.

Lucky's P.O.V

I was just explaining kung paano ang gagawin namin para sa pagbebenta ng aming products, eto na yung mahirap sa opinion ko lang ha kasi mahirap suyuin ang customers.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now