Chapter 54 - Two Is Better Than One?

248 14 5
                                    

Lucky's P.O.V

Minulat ko ang aking mata at hinanap si TJ. Wala siya sa tabi ko. Ngunit nang makapa ko ang phone ko ay agad ko itong sinindi.

No notif na galing kay TJ.

Agad akong bumangon at hinanap siya sa bahay. At umuulan na rin pala.

Baka nasa CR? Ngunit wala rin siya doon.

Narinig kong bumukas ang pinto sa baba at dali-dali akong pumunta doon.

Si TJ may dalang supot.

"Saan ka kagaling? Umuulan pa o." Agad akong kumuha ng towel para may pamunas siya.

"Bumili lang naman ako ng lugaw sa labas. Nagutom ako e." Sagot niya. "Siguro gutom ka na rin? Tara kainin na natin 'to" Pag-aya niya.

Isinalin ko na yung lugaw sa isang lalagyan. Kumuha na rin ako ng mangkok at kutsara.

No doubt gutom na ako dahil ng maamoy ko ang lugaw, natakam kaagad ako.

"Uuwi na sana ako kaso hinintay muna kitang magising." He said.

"Akala ko nga umuwi ka na." Sabi ko naman.

Umiling siya at nagpatuloy kumain.

"Hihintayin ko muna mga kasama mo before ako umalis." Seryoso niyang sabi.

"Naks naman baby sitter pala kita hahaha." Natatawa kong sinabi.

"Magiging baby naman rin kita kaya lulubus-lubusin ko na." Banat niya.

Bakit ba ang hilig niya sa ganyan. Siguro kapag nanliligaw ang isang lalaki dinadaan niya sa mga pakulo niyang tulad niyan.

Then...

Dumating na sina Mama at Kuya.

Nagulat pa nga si Kuya e.

"Oh mas okay yung ganito nandito lang kayo hindi yung kung saan-saan pumupunta." sabi ni Mama.

"Mukhang nakapuntos si TJ ah." Sabi naman ni Kuya.

Nagmano pa nga si TJ kay Mama. Si Mama naman tuwang-tuwa.

Lumapit naman si Kuya sa akin at sinabing... "Mangangatog siguro tuhod niyan kung si Papa ang kaharap hahahaha."

"Hoy grabe ka naman, hintayin natin kung ikaw naman nasa kalagayan niya." I said.

"Hmmm. Ako pa syempre, magaling to." He said.

Kuya and TJ will get along believe me. They have the same level of confidence. Basta may mayabang na side pero in a positive way naman.

Nagpaalam na si TJ at sinabi yung plano niya talaga before umalis.

"Ang bait nung batang yun. Mukhang pinalaki ng kanyang parents na maayos." komento ni Mama.

"Ma e paano si bunsoy? Hindi pinalaki ng maayos?" Kuya said literally.

Imbis na hayaan nalang yun ay pinili kong rumesbak at sinabing "So sinasabi mo ba na hindi maayos ang pagpapalaki ni Mama at Papa? Hahahaha." Hindi literal na meaning ha.

Napatingin sa kanya si Mama.

"Ah- Hahaha hindi naman." Pagbawi niya.

Nilabas ko ang dila ko bilang pang-aasar.

"Pasalamat ka talaga nako!" He said at pumanhik na pataas.

Nagtanong si Mama, na siyang nagpakaba sa akin.

"Speaking of Papa, naipaalam mo na ba sa kanya?" About sa panliligaw.

Tungkol kay TJ kasi hindi pa naman niya alam yung kay Raiden.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now