Chapter 52 - In Between

307 14 0
                                    

Lucky's P.O.V

Kanina pa ako gising kaso mas gusto kong humiga na muna.

Nagmumuni-muni lang sa oras na ito.

Natapos na ang unang sem namin and napakadaming nangyari. Hindi ko inaakala na sa pagtatapos nito ay umamin si TJ at Raiden ng kanilang nararamdaman sa akin.

Gusto kong tanungin si TJ kung kailan pa. Kailan pa niya naramdaman? Hindi ba't parang ang bilis?

Sa tingin ko wala naman akong ginawa para umamin sila ng nararamdaman nila. Wala nga ba talaga? I swear...

Hindi ko nga alam kung paano ko haharapin yung dalawa.

Chineck ko kung anong oras na sa phone ko, dalawang oras nalang bago tanghalian.

Bumaba na ako para kumain at nadatnan ko si Kuya na nakaharap sa laptop niya.

"Good Morning Kuya." bati ko sa kanya.

"Good Morning rin, kain kana diyan tapos na ako." He said habang nagtatype. Mamaya pa naman yung shift niya pero hands-on pa rin.

Pagkatapos kong kumain ay napagpasyahan kong labahan yung mga damit ko na nagamit kahapon. Kaunti lang naman kaya ginawa ko na.

Semestral Break means nothing to do but to relax and enjoy the moment.I stayed most of our break in our house and resto.

Yung dalawa after nung swimming, nakakausap ko sila sa online. Believe me imbis na manonood ako ng T.V hindi ko na magawa dahil aligaga akong magreply sa kanila.

Alam ni Kuya kasi pansin niya ako sa tuwing hawak ko ang phone ko. Natatawa na nga lang siya e.

Same silang sweet sa text at halata mong may care. They changed from bestfriends to manliligaw.

Pumunta na rin si Raiden sa bahay para ibalik yung mga tupperware. Tumambay lang naman siya at kinumusta ako. May dala pa siyang mga pagkain from a famous food chain. Tuwang-tuwa rin naman ako. Compensation para daw kay Mama dahil late na naibalik yung tupperware.

Then...

Days have passed at enrollment na namin. Hindi napag-usapan ng section namin na sabay-sabay mag-enroll, pero kaming magbabarkada napagdesisyonan namin na magkakasama na.

Medyo matagal yung proseso lalo na't napakadaming tao. Buti nalang at nag-tap na kami ng ID namin, hinihintay yung pangalan namin sa monitor.

"Jusko kanina pa tayo nandito." reklamo ni Trixxie.

"Magtiis ka kung gusto mo makaenroll." sabi naman ni Laurence.

"Tama, tama..." sabi naman ni Andy.

Nasa likuran ko naman yung tatlo
si TJ, Raiden at Gabriel. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero halata mo sa kanila yung tuwa.

Ngayon ako naman yung naiinip dahil wala akong magawa.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni TJ.

"Oo pero nagugutom na ako e." I said.

"Tara munang canteen?" Alok niya.

Narinig naman ng mga kasama namin yun kaya nagpabili na rin sila.

Dalawa sana kami ni TJ yung bibili pero sumama na rin si Raiden.

Madami ring tao ngayon sa canteen. Yung iba kumakain habang yung iba naman ay tumambay lang.

Namili na ako ng akin. Fruit juice at biskwit, tamang pantawid lang ng gutom baka kasi sa sobrang kabusugan ko hindi na ako makakain ng tanghalian.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now