Chapter 37 - 1st 💋

1.5K 46 0
                                    

TJ's P.O.V

Sa ginawang pagbibiro ni Lucky sa akin. I thought he will do it kasi sobrang seryoso niya, nag-iba siya ng ugali saglit. Yung seryoso na nagsasabing makinig ka sa akin. I was focused on him and sinabi niya na "Gusto mo ng kiss?". His sweet mellow voice is stuck on my head and for some reasons I was hypnotized.

Yung paglapit niya sa akin nagdulot sa akin ng matinding pagkasabik sa mga labi niyang mapupula. Nag-imagine ako na ano kayang feeling ng labi niya sa labi ko.

I want to try...

Kahit pinaasa niya ako kanina...

Matagal ko na ring tinatanong sa isipan ko na what if hinalikan ko siya or hinalikan niya ako.

From gusto ko lang yung mga galawan niya ngayon pati features na rin physically.

You can't blame me if I like him. Parang halamang tumubo ng husto ang pagkagusto ko sa kanya.

"Guys! Punta lang ako sa C.R saglit naiihi na ako e." paalam ni Lucky sa amin.

Thats when I decided to follow him. My body decided to follow him and I don't know why.

"TJ san ka pupunta?" tanong ni Gabriel sa akin. Na kasalukuyang kumakain.

"Ah may nakalimutan ako sa gym. Kakausapin pala ako ni Coach tungkol sa Interhigh." rason ko. Nakumbinsi ko naman sila kaya nagsabi sila na bumalik rin ako kaagad.

Nasa C.R na ako at hindi ko namalayang tinatanong ako ni Lucky.

"Ah T-TJ iihi ka rin ba? Bilisan mo sabay na tayong bumalik." he suggested.

But again my body moved on it's own.
I pinned Lucky on a wall with my hands above his shoulders

Gulat na gulat siya sa nangyayari.

"Ah TJ it was just a joke sorry na talaga... Biniro mo kasi ako kaya naiisipan kong gumanti sayo. Okay lang naman kung gusto mo akong bumawi wag mo lang rin ako sikuin or suntukin or basta physical maawa ka naman. Biro ko lang talaga yun ang tanga-" sunod-sunod niyang sinabi habang nakayuko at nung umangat ang kanyang uli, hinalikan ko nalang siya para matahimik siya.

Napapikit ako ng dumampi ang labi ko sa labi niya.

Grabe...

Ang lambot ng labi niya...

Idagdag mo pa na sobrang bango niya ngayon.

As if I don't want to leave here.

It is my 1st and it surprised me, never thought that it would be my first in a restroom.

Nang sinubukan kong igalaw ang mga labi ko ay pinutol na ni Lucky ang halikan tinulak niya ako at umalis ng nakayuko kahit na nabangga niya yung kapapasok palang sa comfort room.

"Sorry." Rinig kong sabi niya.

Napaisip ako masama ba yung ginawa ko? Masama dahil ninakawan ko siya ng halik?

Hindi naman masama kasi 1st ko yun at hindi ako nagsisisi. Kaya naman sinundan ko na siya. Nadatnan ko ang mga kaibigan namin pero walang Lucky.

"Nasaan si Lucky?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi pa naman dumadating. Atsaka hindi mo ba napansin e isang way lang naman napuntahan niyo diba?" Sabi ni Trixxie.

Hindi ako naka-imik.

"Nakita ko siya kanina nagmamadaling umalis. Di niyo napansin dahil kain lang naman kayo ng kain." sabi naman ni Gabriel. 

Hays! Patay ako nito.

Love Lust Longer (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon