Chapter 27 - Attention

3.2K 95 4
                                    

TJ's P.O.V

Pagkatapos nung eksena sa may ibang department, napahiya talaga kami nung kasama ko kaya't bumalik na lang kami sa classroom. Kasalanan ko bang pogi at pinagkaguluhan ako nung mga bata? Well I guess hindi.

Binentahan na lang namin yung mga kaklase namin para kahit papaano ay may sales. Pero sa totoo lang nakakainis kasi yung parent kanina nagalit nalang bigla, akala mo naman may karapatang magalit e kapag makipagtsismisan mas maingay pa siya. Buti nalang at meron pa akong respeto kanina baka sakali nasumbatan ko rim siya ng hindi maganda.

Sakto namang may mga nagtatawanan papasok ng classroom sina Lucky at kasabay ang mga kagrupo niya. Nainis uli ako kasi tuwang-tuwa sila tapos sakto namang nasa tabi niya si Raiden na kung makatingin e kulang nalang sunggaban niya si Lucky.

Nawala ako sa mood kaya nung nagtama ang aming mata ni Lucky iniwasan ko na lang at pumunta sa mga kasamahan ko. Hinintay ko na lang mag-time para sa susunod na klase.

Then...

Nakaupo lang ako sa aking upuan habang pinapanood at nakikinig ng kanilang presentation sa kani-kanilang organizational chart.

Pero nung si Lucky na ang pumunta sa harapan, bumilis ang pintig ng puso ko nawala ang inis at galit ko nung siya na ang nagpresent. Mga galawan niya ang napapansin ko hindi yung mga sinasabi niya, ang galing-galing niya talaga basta sa mga ganyang bagay bilib na bilib ako sa kanya kasi kung gaano siya kaliit ganoon kalaki ng utak niya Hahahaha. Pero biro magaling talaga siya at walang hiya-hiya kapag ganyan.

Sana diyan na lang siya ang sarap niyang panoorin mas lalo kapag biglang tumingin sa aking pwesto, kahit nung si Kimblee na yung nagsasalita na kay Lucky pa rin ang attention ko.

May bigla nalang kumalabit sa aking likuran napatingin sko kung saan galing at si Joseph pala yung kagrupo ko.

"Pre tulala ka? Iniisip mo pa rin ba yung nangyare kanina?" Tanong niya.

"Hindi, okay lang talaga ako" at ngumiti bilang pagsang-ayon ko.

Kaso patapos na rin pala sila Lucky kaya inayos ko na yung sarili ko, ang boring na nga nung mga sumunod e kaya nawalan na ako ng ganang manood.

Gusto ko sanang kausapin si Lucky kaso nahiya ako ng wala sa oras yung inasta ko kasi kanina. Mabilis lumipas ang oras at uwian na naman kakausapin ko sana si Lucky kasi bigla siyang tumahimik simula kanina pa.

"Lu-" pagtawag ko sana sa pangalan niya pero hindi ko naituloy dahil tumunog ang phone ko, message from Coach.

From: Coach

"Urgent Meeting! @Gymnasium After your classes this afternoon. Meeting is about the upcoming School-based Intramurals and the InterHigh Games. Please wear your volleyball attire because we'll having a practice after meeting, Thank you!"

I immediately ran as fast as a cheetah papunta sa locker room naming mga athletes kasi nandoon yung extra shirt and short ko, Syempre nagpalit rin ako kaagad.

"So I think we're complete" panimula ni coach. "Our agenda for this meeting is all about the upcoming intramurals, we'll represent the SHS Department against all colleges in our school. We must do our best in the games para ipakita sa kanila na kahit SHS mga bata pa kayo may laban pa rin kahit anong mangyari and who knows baka mabigyan kayo ng incentives ng SHS Coordinator and upnext naman yung InterHigh so we must soar higher " He said.

"Another way of motivating us with incentives hahaha" sabi ng teammate ko.

"Kaya nga hahaha pressure na naman to sa atin" suhestiyon ko.

Love Lust Longer (BXB)Where stories live. Discover now