Part 5 - Let it Go

473 5 0
                                    

Naging mas malapit ang siyam habang palipas ang mga araw, si Hayi naman ay tutok na tutok din sa kanyang training kasama si Jaewon.

''Aishhht!!'' asar na napaupo si Hayi dahil pagod na pagod na ito.

''Gwenchana?''

''Ne, pagod lang''

''Pumayag ka na bang next year kana mag comeback?''

''Hindi pa, yun ang desisyon nila pero may karapatan parin akong tumanggi''

''You sure?'' nagulat ang dalawa nang biglang pumasok si YG.

''Sangjangnim''

''Jaewon, can you excuse us for a minute?'' seryosong tanung nito kaya nagmadali naman na lumabas si Jaewon.

''Anung ibig mong sabihin kanina?'' seryosong tanung nito habang nakayuko naman ang dalaga.

''Sige bigyan mo ako nang magandang rason bakit ikaw ang kelangan kong unahin kesa sa iKon.. Hayi I already explained it.. nakiusap ako sa'yo.. why are you talking behind my back''

''Sangjangnim'' nasaktan ito sa sinabi nang kanyang boss.

''Tell me, sige gusto mo bang mag comeback in 3 months? I can do that.. pero tingin mo papayag si Hanbin na hindi sila mag debut after 3 months?''

''Pero tama ka, sa industriyang ito kelangan mong maging sakim kung gusto mong ma maintain ang career mo pero tell me.. anu ang kaya mong ipakita na hindi kaya ni Hanbin''

''Sangjangnim, hindi naman yun ang ibig kong sabihin.. gusto ko lang bigyan niyo din ako nang pagkakataon''

''Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon'' seryoso parin ang mukha ni YG.

''Give me a chance to prove myself''lumuluhang pakiusap nito.

''Okay, tingnan natin kung sino sainyo ni Hanbin ang magpapabago nang isip ko''

''Sangjangnim... rivaly?'' gulat nat tanung nito.

''Ne'' tipid na sagot nito at tinalikuran na niya umiiyak na dalaga.

Naintindihan na niya ang ibig sabihin ni YG, gusto niyang tapatan niya ang ginagawa ni Hanbin para piliin siyang mag comeback, either mag give way siya or labanan niya ang kanyang bestfriend... bestfriend na unti unti na niyang minamahal.

iKon..

''Yeheyyy!!!'' masayang sigaw nila dahil sa wakas sa maghapon  na perfect na nila ang kanilang group dance nang biglang pumasok si YG.

''Ready for next assestment?''

''Neeee!!'' masayang sigaw nila pero biglang pumasok sina Suhyun nang AKMU, isang rapper singer na si Hyuna.

''Okay you have 1 week to praktice, Suhyun to Jinhwan's team, Hyuna to Bobby's team and...'' lumingon ito pero wala pa rin si Hayi kaya tinanung nito si Yun.

''Asan si Hayi? hindi ba siya na informed that she needs to be here at 4:00 pm?'' seryosong tanung nito

''Hindi mahanap, sabihin ko na lang mamaya sangjangnim'' habang nagsasalita si Yun ay may tinawagan si YG pero pansin nilang tila walang sumasagot.

''Asan si Han?'' galit na tanung ni YG kaya nataranta si Yun at agad na pinahanap.

''Asan si Hayi?'' seryosong tanung nito nang pumasok ang manager nang dalaga.

''Nasa apartment sangjangnim'' the next thing YG said made them feel scared.

''Ako parin ang nagbabayad sa'yo kaya ako ang amo mo.. kung magsisinungaling ka pa sakin at pagtatakpan mo ang alaga mo... paglabas mo sa pintong yan para hanapin si Hayi wala ka nang babalikang trabaho dito'' seryosong sabi nito sabay abot kay Yun nang papel, hindi naman nakaimik si Han dahil nasabi na sakanya na minsan na niyang pinatalsik si Tae Hee dahil kay Jiyong.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now