Part 37 - Good girl gone bad

712 12 25
                                    

Heto na mga kapatid!!! kapuso!! kabituka!! sana mag enjoy kayo!! :)


Halos walang tulog si Dara magdamag ng makatanggap ito ng tawag galing kay YG.

''Yeoboseyo, ne Appa?''

''We need to discuss something, I haven't heard anything from you for months now''

''Okay'' matamlay na sagot nito.

''Noona, dito muna ako bukas na ako uuwi ng apartment'' sagot ni Thunder habang kalaro ang anak nitong malikot na.

''Okay, Durami.. idaan na kita sa OJT mo''

''Aniyo unnie.. wala kaming OJT ngayon next week pa'' sagot naman nito, kasalukuyan kasi itong OJT sa SAMSUNG bilang Account Manager.

''Arosso, tulungan niyo si Omma.. alis lang ako saglit'' sagot nito sabay akyat sa kaniyang kwarto at nagbihis nang maayos.

''Omma, kahit sinong pumunta dito, wag na wag niyong ipapakita si Jian''

''Ne anak''

''Kahit SINO'' malamig na pakiusap nito bago hinalikan ang anak bago lumabas ng bahay.

Pinasundo naman ni Jiyong si Kiko sa ibang sasakyan habang hindi ito mapakali.

''Wala pang sagot si Dara kung nasan siya, kumain ka muna'' nag aalalang utos ni Tae Hee.

''I'm fine''

''Ya! let's go.. kelangan ko ding kumain.. hindi ko alam kung anung gagawin sakin ni Dara oras na malaman niyang pinagtakpan kita'' seryosong sagot ni YG kaya wala itong nagawa kundi sumama sa cafeteria, kasalukuyang nasa YGE ang lahat ng kanilang empleyado dahil may weekly meeting kaya walang tao kundi mga artists lang na puro nasa kani kanilang studio.

Nasa kalagitnaan na ng kanilang pagkain si Jiyong ng dumating si Kiko na tila wala ring tulog.

''Hey'' mahinang tawag ni Jiyong.

''Please join us Kiko'' tawag naman ni YG pero nakangiti lang itong tumanggi at umupo sa kabilang lamesa.

''Thank you but I'm fine sangjangnim''

Nang matapos kumain sina Jiyong ay inaya na nila itong pumanhik sa opisina ni YG ng makasalubong nila si Dara na tila gulat na gulat samantalang kasunod nito ang iKon maging sina Mino na tila kagagaling lang sa labas at nagkakasiyahan.

Galit na tumalikod si Dara nang bigla siyang habulin at awatin ni Kiko.

''Dara, please we need to talk'' kinakabahang sabi ni Kiko ng walang anu anu ay umalingaw ngaw ang malakas na sampal ni Dara.

''TANG INA KA! WALA KA TALAGANG KADALA DALA!!!! HALIPAROT KA!!!'' galit na galit na pinagsasampal ito ni Dara at dahil hawak hawak niya ang buhok ni Kiko ay hindi ito makalaban kaya patakbong umawat sina Jiyong at Mino pero ayaw parin bitawan ni Dara ang buhok ni Kiko.

''Dara!!! Stop it!!'' tarantang sigaw ni YG nang makitang kakaiba ang kinikilos ni Dara.

''Sisirain ko ang pagmumukha mo!!! Malandi ka!!! Bitawan niyo ako!!!'' tulak nito kay Bobby at Mino na parehong nakalmot sa braso. Awang awa naman si Jiyong kay Kiko na hawak hawak niya sa balikat dahil nakasandal na ito sa pintuan nang biglang bumukas at natumba ang dalawang babae sa sahig.

Gulat na gulat naman si Hayi ng makita ang nangyayare kaya bigla siyang niyakap palayo ni Hanbin.

''Dara tama na!!!'' awat ni Jiyong nang bigla niyang bitawan ang buhok ni Kiko at biglang sinampal naman ang asawa.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now