Part 63 - iKon's love story 3

459 7 5
                                    

Maraming maraming salamat sa patuloy na pagbabasa at pagsuporta!! Pasensya na at minsan late mag update si inday hehehe.. anyway! Merry Christmas and enjoy reading!!!

Walang kaalam alam si Jisoo na may sorpresa ang mga kaibigan niya nang araw na yun dahil nag celebrate na sila nang kanyang kaarawan kahapon pero malungkot ito dahil hindi nakadalo si Bobby.

''Oh busangot ka jan?'' puna ni Seungri nang madaanan niya ito sa may cafeteria na umiinom ng yakult.

''Oh! Oppa! Kasama mo si Baylee?''

''Ne, nasa taas'' sagot naman nito sabay kuha nang dalawang tubig, madalas na kasing kasama ng Bigbang ang mga anak kahit sa trabaho.

''May lakad daw sina Jennie ah, hindi ka ba kasama?''

''Ha? Ah baka sila lang yun''

''Lahat ah.. nakasalubong ko nga si Hanbin at Hayi eh''

''Jinjaru?'' takang tanung nito

''Ne, halika.. nasa labas pa naman yung service sumama ka kesa nagmumukmok ka jan'' utos ni Seungri pero ayaw sumama ng dalaga.

''Hindi naman ako invited''

''Tumayo ka na jan, halika na'' at hinila na siya nito sa braso kaya nagpatianod na lang din ang dalaga hanggang makarating sila sa parking at nakita nga niyang nandoon nga silang lahat kasama sina Yuri, Yunsu at Hayi.

''Ya!! bakit hindi niyo inimbitahan ang birthday girl?!'' kunwaring sugaw ni Seungri nang sumagot si Lisa.

''Unnie! We sent you message!'' tingin nito kay Jisoo.

''Jinja?''

''Ne! sa chatbox pa nga natin eh!'' segunda naman ni Jennie na nakasandal kay Jay.

''Oh! Sige na! ako na bahala magsabi kay Jiyong hyung at Appa'' pagkasabi nito ni Seungri ay biglang may sumigaw.

''Omo! Kung makapagdesisyon akala mong boss ah!'' napalingon silang lahat sa taas kung saan pababa sina Jiyong at YG.

''Oh hyung'' tatawa tawang bati ni Seungri.

''Pinayagan mo silang gumala, eh kung makita yan ng media?'' agad na banat ni Jiyong sabay abot ng maliit na box kay Jisoo.

''Uhmm happy birthday daw sabi ng unnie mo at ni Jiji'' nakangiting sabi nito.

''Gumabsamnida oppa, I'll call unnie later''

''Oh? Bobby! Hanbin! Uuwi kayo bago mag alasais bukas ah!'' turo nito sa dalawa.

''Ne hyung!!! Gumabsamnida!!'' sabay sabay na sagot ng iKon kaya natawa ang tatlo dahil nagpapacute pa sila pero nawala nang makitang pababa na din sina Jjangmae at Baymax.

''Sa kabilang cabin ang mga babae ah'' paalala ni Jiyong bago sumakay ang mga to sa dalawang magkahiwalay na van.

Halos isa't kalahating oras din na nasa byahe ang mga ito bago nakarating sa Dolce Vita, it was their second time at marami na ang nagbago sa lugar, may malaki at napakaganda na rin itong playghouse na tinawag nilang Jian's Kingdom kung saan lahat nang mga pinaglumaan ni Jian ay nandoon at pwedeng laruin ng mga batang bisita. Pinasara ni Jiyong ang lugar para sa overnight ng mga ito as a reward dahil tapos na nila ang kani kanilang comeback songs, kasalukuyan namang nasa comeback tour ang Winner kaya halos wala sa Korea.

Masayang masaya sila nang makitang nakaready na lahat para sakanilang bbq at camping, naging abala ang lahat sa pagluluto pero nagtataka si Jisoo kung bakit biglang nawala ang iKon.

''Oh!?! Asan sila! Tayo talaga ang mag aayos nang lahat ng to?!'' asar na tanung ni Jisoo nang magsalita si Jennie.

''Unnie, wala pala tayong fruits, okay lang ba na magpasama ka kay Jjangmae oppa? Malapit lang naman ang market dito sabi ni Jiyong oppa''

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now