Part 69 - Husbands on the move

711 11 10
                                    

Hindi mapigilan ng Bigbang ang matawa dahil sa binalita ni Seungri kinaumagahan.

''Pero alam niyo hyung, nagpapasalamat ako dahil siya nakatuluyan ko'' seryosong sabi nito.

''Naman!'' - Jiyong

''Kasi nakita ko kung panu niya inayos ang pagkatao ko.. kahit alam kong madaming kaibigan ko ang ayaw niya hindi ako pinigilan pag gusto ko silang makita at makasama.. kaya sabi ko sakanya kagabi, lahat ng gusto niya gagawin ko''

''Haaaay tama yan.. isipin natin ang hirap nila satin lalo na sa pag aalaga nang mga anak natin''seryosong sagot ni YB.

''Sakto mothers day, surprise kaya natin sila?'' biglang singit ni Jiyong

''Oh nga no!! nang bawas bawasan naman ni Bom ang pag uutos sakin '' - natatawang sagot ni Top

''Anung gagawin natin?'' excited na tanung ni Dae.

''Bigyan natin sila day off?'' suggestion ni Seungri

''Okay ako jan'' - Jiyong

''Jinja?!'' natatawang tanung ni Top

''Ne, kabisado ko na anak ko kaya hindi siguro mahirap'' pagyayabang nito

''Oh sige! yun na lang.. san natin sila ipapadala?''natatawang tanung ni YB

''Sa resthouse sa Jeju.. ipaready ko service car nila''- Jiyong

''Ayos! ako na bahala sa spa na pupuntahan nila'' - Top

''Akin na Breakfast and Lunch''- YB

''Ako na sa Dinner and activities''- Daesung

''I'll book a flight then'' - sagot naman ni Seungri.

''Businness class please''- biro ni Jiyong at nagtawanan silang lima. Pero nang matapos silang magkasundo ay biglang napatigil sa pagtawa si Seungri.

''Teka hyung, sure kaya natin?''

''Naisip ko nga din yan'' natatawang sagot naman ni Jiyong.

Pagkauwi nila sa kani kanilang bahay ay sinabi na nila sa kanilang mga asawa ang Mother's day gift nila.

''What's this?'' takang tanung ni Dara nang iabot ni Jiyong ang isang envelop.

''Flight ticket to Jeju''

''Mwo? anung gagawin ko dun?'' tanung nito nang bigla siyang yakapin nang asawa.

''Happy mother's day mommy Dara.. thank you for your love'' nakangiting hinalikan niya ito.Naging emosyonal naman si Dara nang mapansin niya ang isang boquet of daisies at may isang box.

''Aigoooo.. naiyak tuloy ako'' biro ni Dara kaya natawa si Jiyong.

''I love you.. gusto ko mag enjoy ka bukas okay? lahat naka ready na and turn off your phone.. ako na bahala kay Jiji.. arosso?''

''gomawo jagiya'' umiiyak itong yumakap sa asawa, lately kasi  talagang nararamdaman na ni Dara ang pagod lalo malikot na si Jian pero nagpapasalamat siya dahil wala ring araw na pinaparamdam ni Jiyong na lagi siyang nakaalalay sa asawa lalo na sa pag aalaga sa anak.

''What's that?'' turo nito sa box.

''Lika, open it.. '' sabay hila sa asawa, lalong napaiyak at natawa si Dara nang makita ang regalo ni Jiyong.

Isang bagong baby travelling bag na alam niyang ang asawa mismo ang nagdesign dahil Peaceminusone ang tatak.

''Balak mo na din bang mag benta ng baby products jagiya? mawawala na ang swag mo?'' umiiyak at natatawang tanung nito kaya natawa din si Jiyong.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Where stories live. Discover now