Part 49 - Reconciliation

955 16 25
                                    

Eto na!!! Wish granted!! hehe kapit na sa mas nakakakilig na mga eksena! Syempre malapit nang matapos ang FINALE kelangan may mas malalaking pasabog at twist ang ating kwento.. Enjoy and thank you guys!!!!

Nagising si Dara sa malakas na tawanan kaya agad itong bumangon at naalala ang nangyare kagabi. Tumayo ito at naghilamos bago lumabas, napangiti na lang siya nang makita ang buong pamilya nila ni Jiyong na masayang nilalaro ang anak.

''Anak!'' sigaw naman ng ama ni Dara nang makita itong nakatayo kaya napasulyap sina Jiyong at Thunder na abalang nagluluto.

''Morning love!'' sigaw ni Jiyong at may pakindat pa kaya kinanchawan siya nina Durami at Dami na nag aayos nang lamesa.

''Good morning loveeeeee!!'' masayang sigaw nang dalawa at lalong nagtawanan ang dalawang pamilya.

Naglakad naman at yumakap si Dara sa magulang ni Jiyong at humingi ng pasensya at ganun din ang ginawa niya sa kanyang magulang na napapaluha sa sobrang kasiyahan.

Nang mahalikan ang anak ay nilapitan nito ang asawang nagluluto at tinulak ang kapatid.

''Alis jan'' kunwaring pagmamaldita nito

''Jinja! Yah! noona!'' pang aasar ni Thunder habang tatawa tawang lumipat kina Dami.

''Jiyong ah..''

''uhmm?'' nakangiting sulyap ng asawa ng bigla siyang halikan ni Dara.

''I love you.. sorry.. I'm really really sorry'' madamdaming sabi ni Dara pero matamis na ngiti lang ang sagot ni Jiyong bago siya nito niyakap.

''I understand.. I promise.. I won't hide anything from you.. sorry too'' naghiwalay lang sila ng yakap nang magsalita si Dami.

''Gutom na po kami daddy and mommy'' biro nito habang karga karga si Jian.

''Aigooo gutom na ang baby na yan?'' masayang binuhat ni Dara ang anak

''Oh sige na, food is ready'' masayang sigaw ni Jiyong at nagsitayuan na din ang matatanda at naupo sa hapagkainan.

Masayang kumakain ng tanghalian ang dalawang mag anak nang biglang magsalita si Dami.

''First, I'm very happy na finally nagkaayos na kayo.. hindi niyo alam, walang araw na nag uusap usap kami para lang makagawa nang paraan para magkaayos na kayo.. and the last thing is'' naputol ang sasabihin ni Dami nang sumingit si Thunder at nagkindatan pa sila ni Jiyong.

''Noona! can I ask you something?''

''Ne? anu na naman yun? kanina pa kayo ni Jiyong ah'' kunwaring maldita nito dahil kanina pa siya kinukulit nang dalawa.

''Buntis ka no??'' natatawang tanung nito kaya nagtawanan ang lahat pero si Yun ay napatulala.

''Yah!!! Changdo!!! jinja!!'' sigaw ni Dami kaya lalong natawa sina Jiyong.

''Nahulog mo kaya to!'' tumatawa namang sagot ni Thunder at inabot ang pregnancy test.

''Noona! sablay ka naman eh!'' kanchaw ni Jiyong at nag apir pa sila ni Thunder habang tila hindi naman makapaniwala si Yun.

''Love.. jinjaru???''

''Ne.. I'm pregnant'' emosyonal na pag amin ni Dami sabay irap sa dalawang nakababatang lalaki.

''WoohoooO!!! Tito na naman ako!'' sigaw ni Thunder nang batuhin ito ni Dami ng tissue

''Ani!! Aishtt!!! panira nang moment!!!'' kaya lalong nagtawanan ang lahat at masayang nagpalakpakan.

Nang matapos ang masayang tanghalian ay nagpasya si Jiyong na mamasyal silang buong mag anak pero nagulat sila nang magpaalam ang mga magulang nila.

Screw Perfect! (Will love be enough Book 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora